475 Points
176: Kabaliwan
“BAKIT KA NAGPAPAKALASING?” Saway ni Eric kay Daisy ng maabutan niya itong nag–iinum sa mini bar ng bahay nito.
Matapos nang biglang pagsugod ni Clarence sa bahay. Kulang na lang mabaliw si Daisy sa pait at sakit na hindi niya alam kung saan nagmumula. Higit pa iyon sa sakit na naramdaman niya nang malaman niyang ikinasal na sina Charlene at Gaston.
“Galit na galit si Clarence, kaya anong gagawin ko? Siguradong mas lalong galit sa akin ni Gaston ngayon. Bakit ganito Eric, bakit? Bakit!” sigaw nitong walang alinlangang ibinalibag ang hawak na kopita na lumikha nang ingay ang pagkabasag no’n.
“Ginawa ko naman ang lahat pero bakit ganito. Wala na si Charlene, matagal na siyang nawala sa
mundong ‘to, pero bakit pakiramdam ko nakikipagkompetensya pa rin ako sa babaing ‘yon?” bakas ang
sama nang loob sa bawat salita ni Daisy na hindi na namalayang tumulo na ang luha nito. Saka tinunga
ang alak sa baso.
Tahimik namang napangiwi si Eric. Pero nabasag ang takbo nang diwa niya nang magring ang kanyang phone. Binasa niya ang mensahe ni Tamara.
“Isinugod daw sa hospital si Moira, mukhang manganganak na raw.” imporma niya kay Daisy.
“Fine umalis ka na, kunin mo ang bata at dalhin mo sa akin. Imbis na sa ampunan.” ani Daisy saka mabilis na pinahid ang luha nito. “Anak pa rin siya ni Clarence kaya hindi ako papayag na sa isang ampunan lang
siya mabubuhay.”
“Pero…”
“Gawin mo na lang ang iniuutos ko!” bulyaw ni Daisy kaya walang paalam na umalis na rin si Eric at walang pagmamadaling sumakay sa kotse nito.
Pagdating niya sa hospital, kaagad napansin ni Eric ang mga nagkalat na tauhan ni Oliyer sa paligid ng NICU. At sa di kalayuan kita niya si Tamara at ang ina nito na tila asar na asar sa sitwasyon.
“Oh, nabalitaan mo rin,” ani Oliver na tinapik pa ang kanyang balikat. Kahit mas matanda siya dito, hindi niyang naramdamang itinuring siyang mas matanda ni Oliver.
“Napasobra naman ata sa bodyguard?” komento niya.
“Ewan ko rin kay Senador. Siya ang nag–utos na bantayan ang mag–ina hanggang makalabas sila sa ospital.” naiiling na saad ni Oliver.
“Siguro dahil na rin sa nangyari sa US,” nasabi niya.
“Siguro nga.” sang–ayon ni Oliver.
0176 Kababwort
“Nasa fifth floor ang private room nila kung gusto mong bumisita.” anitong nilampasan na siya. Nadaanan
pa ni Oliver sina Tamara. Kaya umiling siya sa mga ito. At kita niyang padabog na reaksyon ni Tamara sabay alis.
Samantala. Nagdial si Oliver sa phone nito para ibalitang nakita nito si Tamara at ang ina nito na nakaabang sa may NICU.
Sinulyapan na lang ni Eric ang NICU mula sa dingding na salamin. Saka siya nagpasyang tumalikod. Kasunod nang pagvibrate nang phone niya saka binasa ang mensahe na mapait niyang ikinangiti.
“Bahala na.” sambit ni Eric na muli nang sumakay ng lift para bumaba. Pero paglapit niya kaagad siyang sinalubong ni Tamara.
“Anong nangyari, bakit ganito?” panic na tanong nito at pulang–pula ang mukha. “Kainis!”
“Hindi ko rin alam, pero hindi ako kikilos kong mapapahamak lang tayo pare–pareho. Mag–isip ka na lang nang ibang paraan para makaganti kay Moira. Mauna na ako—”
“Teka ganun lang? Wala ka nang gagawin?” pikang usig ni Tamara dito.
“Kung gusto mo ikaw ang gumawa, ayaw kong makulong for kidnapping?”
“Huh! as if—”
“Tumahimik ka! At kung ako sa’yo ititigil ko na ang kabaliwan ko bago pa mahuli ang lahat.” Matiim na banta ni Eric dito at walang salitang tinalikuran si Tamara.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)