Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 332

  1. Pangit na Matanda1

172: Pangit na Matanda

DAD may kailangan kang malaman,humahangos na saad ni Clarence nang makarating siya sa bahay nang ama.

Ano ba yan, anak. Parang hinahabol ka nang demonyo ah.pabirong saway ni Gaston sa anak. Pero seryosong tinitigan lang ni Clarence ang ama. Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan,anitong inalis ang reading glass nito. ano ba yon?

Sabihin mo dad, ano ba talagang nangyari bago kayo nagkahiwalay ni Mommy?seryosong tanong ni Clarence.

Maupo ka nga, sumasakit ang batok ko sa’yo.utos nito sa anak pero hindi natinag si Clarence.

Fine,” anitong napabuntong hininga. Noon naman naupo si Clarence sa katapat na sofa. Lagi no’ng nawawala ang mommy mo. Madalas excuse niya kasama lang niya ang mga kaibigan niya. Until one day may isang nagpadala sa akin ng mga larawan, may mga kasamang iba’t ibang may edad na lalaki ang mommy mo. Madalas sa mga mamahaling hotel, o kaya sa restaurant. Doon nagbago ang lahat. Dahil sa pride ko I decided to date, and see other woman para makaganti.” Pagak itong tumawa. Nainsulto at nasaktan ako eh.

  1. 3.

Hindi ko siya kinausap o kinumpronta tungkol sa sitwasyon. I just decided to get my revenge on her. Ang hindi ko alam. Napakayaman nang Mommy mo at siya ang dahilan kaya mas napaunlad ko ang negosyo ko. Lahat kasi nang mga kasama nang mommy mo sa larawan ay mga investors ko. Late ko nang nalaman yon. Nakapagsalita na ako nang masasakit na salita dahil sa selos. Pero hindi ako nagattempt na suyuin siya at magmakaawa. Nang malaman kong buntis siya inisip ko anak kayo noong kaibigan niya. Iyong dating VP nang Montefalco Royal.

Maraming nangyari na gumulo nang lahat, hanggang sa mawala ang Mommy mo pagkatapos niyang manganak at iniwan ka sa hospital. Hindi ko alam na kambal kayo ni Yuri. Mahigit isang taon ang lumipas

ng abalitaan kong sumabog ang kotse niya. At labis kong pinagsisihan ang araw na namatay siya.

Pero hindi siya namatay..

Oo tamaano?gulat na napatitig si Gaston sa anak. Anong sabi mo?

Buhay ang asawa mo Dad, buhay si Mommy! Ikinulong siya sa isang mental hospital.

Clarenceanong? Anong sinasabi mo!mababakas ang pagkalito sa mata nito.

Tama ma ang dinig mo dad, buhay si Mommy. Nakita ko siya no’ng isang gabi. Napagkamalam niya ako. She even call me mahal. Pero hindi ko siya naisama kaya binalikan ko kanina, pero nawawala na siya. Ang tanga ko kasi!matitim na sambit ni Clarence. Habang si Gaston ay nanginig ang kamay at napatitig ng

mataman sa anak.

Kilala niya si Clarence kaya alam niyang hindi ito gagawa o magsasalita nang isang bagay na hindi ito

  1. Panque

siguradu

+25 Points

Then magdispatch ka nang tao para hanapin siyathis is bullsh*t! PaanoDalhin mo ako sa lugar na yon, anak.

Wala na siya doon dad. At kailangan mong malaman na si—” natigil ang sasabihin ni Clarence nang maring ang phone nang ama nito.

Sandali.. ang kapatid mo.Kita niyang pagkataranta sa kanyang ama. Hello anak?

Dad, si Zade ito. Kung puwede ka ngayon kayo ni Clarence. Pumunta kayo sa bahaymay nangyari lang.

Ano?nagkatinginan silang magama dahil doon.

Anong nangyari? May nangyari ba sa anak ko ha?

Pumunta na kayo ngayon. May kailangan kayong malaman.” Bakas ang urgency sa tinig ni Zade. At dahil

nakaloud speaker ang phone ni Gaston dinig yon ni Clarence na biglang nagalala para sa kapatid nito.

Sige pupunta na kami d’yan.sagot ni Gaston na napatayo na

Puntahan muna natin si Yuri, bago tayo pumunta sa mental hospital. Magdispatch ka nang maraming tao.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)