171: Safe–2
25 Paints
“Kilala mo ba ang bruha, itago mo ako sa kanya ha, ayaw ko sa bruha…” parang batang samo nito.
“Opo, promise ho wala nang mananakit sa’yo, Mama.” Muli na namang nag–init ang mata ko kaya niyakap
ko ulit ito.
“Wag ka iyak..” saway nitong tinapik na naman ng marahan ang likod ko.
“Tayo na, umalis na tayo dito.” Yakag ni Alpha. Kusa naman itong sumama sa amin. At pagkasakay nito ng kotse ay tila ito batang tuwang tuwa na pinaupo rin ang dalawang manika sa pagitan namin.
“Bait kayo ha,” paalala nito sa dalawang maliit na manika. “Maganda,” anitong kinalabit ako. “sila iyong anak ko. Ito mas maganda sa’yo ang Yuri ko saka ang pogi kong apak, si Clarence,” nagkikislapan ang mga mata nito sa katuwaan habang pinapakilala ang dalawang manika. “Hatid mo kami sa bahay ko, iyong malaki at mataas. Marami akong pera doon. Bibigay ko sa kanila… ahh… bibigyan rin kita kasi maganda ka rin…” tuwang tuwang saad nitong ikanangiti ko.
“Sige po, Mama.”
“Mama?” ulit nito. “Mama… ah maganda, puwede mo bang bilhan nang ice cream at chocolate ang mga anak ko, babayaran kita nang maraming pera,” paki–usap nito. “pero huwag mong sasabihin sa bruha.”
“Sige po, ibigay natin sa kanila. At huwag na po kayong mag–alala sa bruha. Ipapakulong po natin siya,
okay.” pagpapaunawa ko dito.
“Sige..sige..” anitong pumalakpak na tila bata.
Pagdating namin sa bahay kitang kita ko ang katuwaan sa mata nitong inililibot ang tingin sa paligid.
“Sa tingin ko mas okay kong sa dating bahay niya, natin sila dinala Ma’am Yuri.” ani Alpha na tila nahahabag na nakatitig kay Mama Charlene.
“Dadalhin natin siya doon, pero sa ngayon dapat mabihisan muna siya. Mukha namang siyang naalagaang mabuti sa hospital.” komento ko. Maayos at malinis kasi ang suot nito. Maging ang buhok nito ay
mabango rin.
“Nandito na….” natigilan si Zade na sinalubong kami at napatitig sa kasama namin.
“Zade, ang mama ko. Buhay siya!” wala sa sariling sambit ko sa nagbabara na namang lalamunan ko. Kita kong kumurap–kurap si Zade saka ito ngumiti.
“Saan siya galing?” usisa nito nang tuluyang makalapit sa akin.
“Sa tingin namin galing siya sa mental hospital, mukhang nakalabas siya,” paliwanag Javier.
“Sige mabuti pa bihisan ko muna si Mama, dalhin natin siya sa hospital para matingnan ng doctor.”
suhesyon kong ikinatango ni Zade.
“Hindi ako makapaniwala, noong buhay pa ang Daddy ko. Wala siyang ibang bukang bibig kundi ang kung
171 Safe Am
gaano kahusay at katalino ang isang Charlene Montefalco pagdating sa negosyo. Kaya paano siya naging ganyan?” di makapaniwalang saad ni Alpha.
“Ang mahalaga buhay siya, Tayo na sa loob,” yakag ni Zade sa mga ito. Habang ako ay abala na sa pag–alalay sa mama ko. Subalit pagpasok namin. Ang tili ni Zayu ang pumuno sa living room habang nakikipaglaro kay Baby Zen. Kaya napahinto si Mama Charlene at napatingin sa dalawang batang naglalaro sa playpen nito.
Saka bigla na lang itong umiyak. “Ang mga anak ko…” basag ang boses nitong nagsimulang humakbang patungo sa dalawang batang naglalaro. Kaya napasunod naman sina Zade dito.
Alam kong wala sa katinuan ang Mama ko pero dama ko ang panginginig ng katawan nito.
“Mama, mamaya mo na sila lapitan, kasi madumi pa ang damit mo. Bawal sa mga baby, kasi baka magkasakit sila.” mahinang paliwanag ko dito kaya natigil ang paghakbang nito. “Magbihis ka muna okay,”
“Sige sige, miss ko na sila… teka bakit sila magkasama, nalaman ba ng asawa ko na may kakambal si Clarence. Baka saktan sila nang bruha, huwag mong palapitin ang bruha sa mga anak ko, babayaran kita, kayong lahat basta—basta..” tarantang saad nito.
“Mama, safe po sila dito. Wala pong bruha ang makakapasok dito. Sila po,” itinuro ko sina Zade, Javier at
Alpha dito. “Sila po ang mga bodyguard nang kambal kaya hindi sila masasaktan.”
“Talaga…Sige… sige,” tumango tango pa ito. “Maligo ako, maglinis.. bantayan n’yo anak ko ha…” excited
nitong saad.
Sa tulong nila Aling Susan at Ate Rita napaliguan at nabihisan namin si Mama. Pumayag rin itong ayusin
ko ang buhok nitong madami nang puti. Kaya nagpresenta pa si Ate Rita na kulayan ang buhok nito.
At kahit ako halos hindi ko ito makilala matapos namin siyang bihisan at ayusan.
“Magkamukha nga kayo Ma’am Yuri,” naiiyak na sambit ni Aling Susan. “Iyong braso niya…” anitong nakatingin sa burn scar sa braso ni Mama.
“Siguradong matagal bago naghilom ang sugat niya,” mapait kong sambit. “Mama tingin ka sa salamin,” aluk ko dito. Kanina kasi nagtago ito nang makita nito ang sarili nito sa salamin.
“Ayaw ko… pangit ang babae.” umiling itong nagtakip pa nang mata.
[
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)