Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 284

  1. Depensa-2

Mahigit isang oras rin ang biyahe nila para makarating sa city jail, kung saan nakakulong si Atasha.

“Buti naalala n’yo pang dalawain ako,” galit na saad ni Atasha sa magulang nito.

“Pasensya na anak, maraming nangyari itong nakaraan dahil sa kagagawan ni Yuri,” nagpapa-unawang paliwanang ni Natasha dito.

“Sabihin n’yo? Si baby Zen…. totoo bang…” hindi nagawang tapusin ni Atasha ang tanong sa ina.

Nag-unahan ang luha sa mata nitong napakuyom pa ang kamao.

“Atasha makinig ka, gumawa lang kami ng paraan para may anak kang maipapakita kay Żade. Kaya nga

gusto naming hayaan mo na lang ang bata sa kanila.” Nahahapong paliwanag ni Gener dito, pero nanatiling blangko ang tingin ni Atasha kahit umiiyak na ito. At ikinagulat nila nang ngumisi naman ito.

“So, iniluko n’yo rin ako? Nasaan ang anak ko!” biglang sigaw ni Atasha sabay malakas na hinampas ng

kamay ang bakal na mesa. Na tila hindi man lang ininda ang sakit doon.

“Huminahon ka anak,” panic na paki-usap ni Natasha dito.

“Paano? Nasaan ang anak ko! Anak ko si Baby Zen!” namumula ang mukhang asik ni Atasha sa magulang.

“Pinatay n’yo ba ang anak ko?”

“Atasha!” singhal ni Gener dito.

“Pinatay n’yo siya!”malakas na sigaw nito na nanilisik pa ang mga mata.

“Tumigil na na!”

“Pinatay n’yo ang anak ko, mga mamatay tao kayo!” paulit-ulit nitong sambit, kasabay nang pag-iyak.

“Nasaan na ang anak ko.. ibalik n’yo siya…” nagkatiginan ang mag-asawa dahil sa asal ni Atasha. Halos

mabingi sila sa sigaw nito kanina, pero ngayon ay tila ito batang inagawan ng candy.

“Si baby Zen, anak ko siya, diba?” nagulat pa si Natasha nang biglang hawakan nito ang kamay niya saka biglang ngumisi. “Babawiin ko siya kay Yuri, iyong babaing ‘yon baliw siya… ninakaw niya ang anak ko.. kaya papatayin ko siya…” nakatawang saad nitong ikinatigalgal ni Natasha.

Sa isang iglap nagbago muli ang tuno at ekspresyon nito. “Mommy, umuwi na tayo sa bahay, gusto kong

kunin natin si Baby Zen, miss ko na siya.” nakangiting saad ni Atasha na halos ikalaglag ng panga ni

Natasha sa pag-aala sa nakikitang kalagayang ng kanyang anak.

“Anong nangyayari sa kanya?” panic na tanong ni Gener. “Guard!” tawag nito sa babaing guwardiya. “Anong

nangyari sa anak namin, ha?”

“Hindi ko alam, sir. Minsan naman maayos si Miss Montefalco.” paliwanag nang babae. “Pero madalas nagwawala siya kaya mag-isa lang siya sa selda niya nitong nakaraan. Nanakit rin siya ng inmate noong isang araw lang. Puntahan n’yo na lang ang medical office para magtanong. Ibabalik na namin siya sa selda,” paalam ng babae saka inakay na si Atasha nito.

1/3

149 Depense

“Kunin na natin ang baby ko ha,” tila batang paki-usap nito sa babae.

“Sige Miss… halika na.” kumbinsi nito kaya kusa namang sumama si Atasha.

Dali-dali namang tinungon nila Natasha ang Medical Office na sinabi nang babae.

Claim

“Kayo ang magulang nang inmate,” seryosong tanong nang babaing naka-uniforme na puti. “Ni report ko na sa jail director ang kaso ni Miss Montefalco, sa susunod na araw magkaakaroon siya nang psychological

test.”

“Ano! Sira ka ba?” bulyaw ni Natasa sa doctor.

“Huwag ho kayong sumigaw, Mrs. Tinutulungan namin ang anak n’yo sa abot ng aming makakaya. Sa tingin namin dala nang stress ang nangyayari sa kanya. Dahil may pagkakataon namang nakaka-usap namin siya nang maayos,” kalmadong paliwanag nang doctor.

“I suggest na dalasan n’yo ang pagdalaw sa kanya at kausapin ang anak n’yo. Sa tingin namin gusto niyang makita ang anak niya, iyon kasi ang madalas niyang sabihin.” dagdag pa nito.

“Nababaliw ba anak ko?” Panic na tanong ni Natasha dito.

“Wala ho ako sa posisyon para i-diagnose siya ng ganun, kaya kailangan niyang nang professional help. Sa Wednesday ang evaluation niya, tatawagan na namin kayo bago ‘yon.”

“Sabihin mo, kailan pa naging ganyan ang anak ko?” asik na tanong ni Gener sa doctor.

“After nang dalawin siya noong babae, may ibinigay sa kanyang DNA test result base doon sa nakita na

namin sa mga papel na nagkalat sa visiting area. Sa tingin ko dahil sa result ng test kaya siya nagwala, kaya kinailangan namin siyang bigyan ng pampakalma./Paulit ulit niyang sinabi na niluko siya. At buhay ang anak niya.”

Nagtangis ang bagang ni Gener sa mga narinig. Nasisiguro niyang sinadya ni Yuri ang lahat.

“Dapat pagbayaran ni Yuri ang lahat ng ginawa niya sa anak natin.” Nag-aapoy ang galit sa mata ni Gener na pinalo pa ang manibela.

“Ang inaalala ko ay tungkol sa bangkay, paano kong….”

“Natasha! Ilang taon na ang lumipas sa tingin mo ba makakakuha pa sila nang katibayan na tayo ang may gawa noon. Kasalanan niya dahil naki-alam pa siya,” walang bahid nang pagsisisi ang makikita sa mukha ni Gener. “Dapat mamatay na rin si Yuri, iyon ang tatapos sa lahat ng problema. Kaya huwag mo nang problemahin ‘yon.”

“Anong plano mo?”

MEANWHILE..

“MAASAHAN ba natin ‘yan?” walang prenong tanong ni Daisy kay Eric habang nasa harap nila si Wendel. Ito ang tauhang sinabi nitong makakatulong sa kanila para makapagpasok ng mga investment nila sa Delamers at Montefalco Royal.

149 Depense-

“Marani na ho akong nabibiling rights, gamit ang iba’t ibang pangalan. Maliliit lang pero kapag nagsama-sama ang mga ‘yon, malaking porsyento na rin,” pagmamalaki ni Wendel. Hindi naman dahil inalis na ito ni Zade sa main company, basta na lang itong susuko na hindi makuha gusto nito.

“At anong kapalit nang serbesyo mo, ang alam ko pinsan ka ni Zade Larzon, hindi ba?”

Claim

“Yes, Ma’am. Pero bilang Delamer’s dapat may karapatan rin ako sa kompanya, hindi tamang sila lang ang nagpapakasasa sa pera at kayamanan, habang kami tila asong nakatungo lang sa kanila.” gumuhit pa ang ugat sa leeg ni Wendel.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)