Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 283

149: Depensa-1

149: Depensa

Claim

“KAYA N’YO bang patunayan ang ibinibintang n’yo?” Di makatiis na sabat ko, pero tinaasa lang ako ng kilay

ni Natasha.

“Sino pa ba ang maaring pumatay kay Gina, kundi siya,” nakangiting itinuro pa nito si Manang Elisa.

“Sabihin mo nga, paano mo nalaman na si Gina Salazar ang kalansay?” taas noong usig ko na ikinalikot nang mata nito. “Talo mo pa pala ang forensic team ng bansa kong ganun, tingin lang kilala mo na agad, ang tanong nakita mo man lang ba?” may diing ang bawat tanong ko dito at kita kong ikinabigla ni Natasha

‘yon.

“Sandali, Mister officer,” agaw atensyon ni Natasha sa mga police. ” Siya… ‘yang babaing ‘yan,” sabay turo kay Manang Elisa. “Siya ‘yong sinasabi ko,” giit ni Natasha sa mga police na tila naguguluhan rin. “Ano pang

ginagawa n’yo huluhin n’yo na ang babaing ‘yan! Siya ang pumatay kay Gina!”

Napaatras si Manang Elisa dahil doon. Kaya hinawakan ko ang braso nito. “Relax lang po kayo.” mahinang

saad ko dito.

“Mrs. Montefalco, ako ang representative ng kliyente ko na inaakusanan mo,” presenta ni Atty Rayven Apolinario. Isa ito sa mga legal team ng Delamer’s. “Narito kami para pabulaan ang paratang mo sa kliyente ko, at oras na mapatunayan na wala siyang kinalaman dito, kakasuhan ka namin ng defamation. Dahil hindi tamang mag-akusa kayo nang tao na walang ebidensya.”

“Anong wala, sila lang naman lagi ang magkasama eh. Saka alam ko siya ang pumatay kay Gina.” giit ni Natasha na kompiyansang pinagkross pa ang mga braso na napapailing. “Kaya pala bigla na lang nawala si Gina siguro pati iyong ninakaw niya kinuha mo ano?”.

“Sinungaling ka, hindi ko pinatay si Ate Gina at alam kong wala siyang ninakaw!” Naiiyak na depensa ni Manang Elisa na namumula ang mukha.

“Mrs. Montefalco, wala pa ang resulta nang forensic kaya hindi pa natin puweding i-rule out na ang taong ang sinasabi n’yong nawawala, ay ang mismong kalasay na nasa maleta,” paliwanag nang police. “Aalamin nila ang cause of death ng biktima bago ipinasok sa maleta. Ima-match rin siya sa kamag-anak ng taong sinabi n’yo since nagfile rin sila nang missing person report mahigit dalawampung taon na ang

nakakaraan.”

“Ganu pa katagal para malaman ang resulta, officer?”

“Walo hanggang sampung araw pa ‘yon, Sir, hindi tayo kasing high tech ng ibang bansa kaya ganun talaga.” anang police kay Zade.

Atty, hindi ba tayo puweding magrequest na padaliin ang processo?”

“Puwede sir, pero kailangan sa private facility natin ipagawa at—”

1.2

149 Depenset

Claim

“Wala akong paki-alam sa pera. Ilang taon nang naghahanap ang pamilya niya, kung si Gina Salazar nga ang taong ‘yon,” ani Zade na binalingan ang rnga police. “Mapapabilis no’n ang imbestigasyon diba?”

“Yes, Sir.”

“Kung ganun gawin n’yo na.” Utos ni Zade. “Hindi namin kailangang iwan dito si Manang Elisa. Naging suspect lang siya dahil sa walang basihang paratang, hindi ba?”

“Tama ‘yon.” sang-ayon nang abogado. “Dinala namin siya para i-presenta at hilingin ang patas na

imbestigasyon.”

“Sir, hindi kayo dapat pumapayag nang—”

“Mrs. Montefalco kung mayroon kayong sapat na katibayan para direktang ituro si Mrs. Cortez, mas makakabuting ibigay mo sa polisya. Pero habang wala pa, gusto naming maghain ng kaso laban sa’yo.”

“Zade, I’m just doing what I think is right,” giit pa nito.

“Saria naisip mo rin yan bago mo nagawang paniwalain si Atasha na buhay ang anak niya,” hindi ko

napigilang sabat na ikinalaki nang mata ni Natasha.

“What the…. ano bang pinagsasabi mo ha, Yuri?” asik nito na masama ang tingin sa akin.

“Bakit hindi mo dalawain ang anak mo sa kulungan para malaman mo. Mukhang sobrang busy ka, kaya

makalimutan mong may anak kang nakakulong,” kampanting paalala ko dito. Iyon ang unang

pagkakataong nakaharap ko si Natasha na wala akong naramdamang kaba at takot sa puso ko.

“Kung kailangan n’yo ang kliyente ko, kontakin nyo lang ako.” ani Atty saka ibabot sa police ang calling card

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)