144: Hard Day-2
While she was enjoying her parents money, abala naman si Charlene sa kung anu-anong bagay. Until she asked her to work at the company kung saan nagtatrabaho pala ito kay Gaston Saavedra bilang assistant nito. Hindi lang niya akalaing ang lalaking unang umagaw sa atensyon niya minsan ay siya na palang karelasyon ng matalik niyang kaibigan.
At kapalit nang trabaho na inaluk nito, wala siyang maaring ikuwento kay Gaston tungkol sa pagkatao nito.
Nakasal ang mga ito nang walang nakaka-alam na may sariling kompanya si Charlene na pinapalago. Kaya madalas itong mawala kapag may mga importante itong trabaho.
At iyon ang sinamantala niya para gamitin laban dito. Unti-unti nagtanin siya nang munting pagdududa kay Gaston. Kapag may mga kameeting si Charlene lalo na mga matatandang lalaki. Kinukuhanan niya nang larawan ‘yon. At doon nagsimula ang lahat.
Ang munti niyang kasinungalingan ay lumaki nang lumaki. Hanggang sa magtagumpay siyang mapaghiwalay ng tuluyan ang mga ito. Pero nagulat na lang siya nang sabihin ni Charlene na buntis ulit ito.
Pero ibang kuwento ang ibinigay niya kay Gaston noon. Kaya galit na galit ito.
Nagawa niyang paniwalain si Gaston na sumama sa ibang lalaki si Charlene. Habang pinaniniwala niya si Charlene na may ibang babae rin si Gaston.
At walang kahirap-hirap na napaghiwalay niya ang mga ito. Hanggang sa araw na ‘yon.
Natigil ang takbo nang diwa niya nang biglang bumukas ang ilaw na ikinagulat niya. At ganun rin ang gulat ng dalawang taong naroon.
“What the hell…paanong? Paano kayo nakapasok?” Usig niya kay Gener at Natasha.
“Akala ko ba walang tao dito?” Tanong nito sa asawa pero hindi na pinansin ni Gener ‘yon. Kampati itong naglakad palapit sa kanya at prenting naupo sa couch.
“Dito muna kami pansamantala, wala kaming mapupuntahan. Nagpakita na ang abogado ni Charlene.”
r “Ano!” bulalas niyang napa-upo ng tuwid. “What do you mean?”
“Pinalayas kami nang magkapatid sa mansion.” Sagot ni Natasha na masama ang loob.
“Dito muna kami?”
“At sinong may sabing puwede—”
“Huwag ka ngang madamot Daisy kung wala ako wala ka ring ganitong bahay ngayon. ‘Wag mong kakalimutang ako ang tumulong sa’yo para makuha mo si Gaston noon,” sumbat ni Gener dito na ikinamula nang mukha ni Daisy. “Bigyan mo nga pala ako ng pera—”
“Mukha ba akong tumata3 ng pera!” gigil na bulway niya dito. “Gusto na akong hiwalayan ni Gaston kaya wala na rin akong sapat na pera.”
5144 Mard
Claim
“Ano’ Faanu ang mga plano natin? Alam mo bang magkakaroon nang management turn over kay Yuri sa kaarawan niya mismo?” Nanlaki ang mata ni Daisy sa narinig.
“Paano—”
“Hindi ko rin alam, pero kahit patayin natin si Yuri mapupunta lang kay Clarence ang lahat kaya wala na ring saysay. Sigurista si Charlene, masyadong mautak. Kaya siguro hindi niya kinuha ang dalawang bata
noon.”
“Punyeta!” gigil na saad ni Daisy sabay tapon ng throw pillow sa tabi nito.
“Hindi pa huli ang lahat, Daisy—- ang asawa mo. Kasal pa rin naman kayo eh… kung mamatay siya—” “Peste ka Gener!” malakas na bulyaw ni Daisy dito.
“Bakit ayaw mong saktan si Gaston? Ikaw ang legal na asawa kaya magkakaroon ka nang karapatan sa lahat kong mamatay siya bago pa maisakatuparan ang annulment. Tulad nang dati, malinis at walang sabit. Magaling ang tauhan mo doon diba..” natigilan si Daisy sa mga naririnig.
“Tama ang asawa ko, Daisy, kung matutuloy ang hiwalayan magkano lang ba sa assets ni Gaston ang mapupunta sa’yo. Huling baraha na natin ‘to.” pang-eenganyo ni Natasha dito. Kaya nagpalipat-lipat nang tingin si Daisy sa dalawang kaharap.
At mula kung saan tila nadidinig niya ang mga salitang sinabi sa kanya ni Gaston na dumurog sa kanyang puso.
“You had no right to blame me Daisy. Ikaw naman ang nagsabi hindi ba, hindi ko kailangan pilitin ang sarili kong mahalin ka, tulad nang pagmamahal ko kay Charlene. But God knows I tried, kaya pala hindi ko magawa.”
“Hindi ka niya nagawang mahalin hindi ba?” para siyang sinakal sa tanong ni Gener. Kaya masamang tingin ang ibinaling niya dito na tila baliwala naman dito. “Anong masama kung kunin mo ang para sa’yo.” sulsol pa nito na lalong nagpapa-init sa dibdib niya.
“Tama ka, pero walang kasalanan si Gaston. Si Yuri. Nagbago ang lahat mula nang dumating ang babaing ‘yon. Siya ang dahilan kaya nasira ang lahat, kaya tuloy pa rin ang plano. Walang magbabago.” Walang alinlangan saad ni Daisy. “Ano kung kay Clarence mapupunta ang mana niya, mahal ako ni Clarence kaya alam kong mas makikinabang ako kapag siya ang nag-iisang tagapagmana,” nagkislapan ang mata ni Daisy sa naisip.
Nagkatinginan naman sina Gener at Natasha dahil doon.
“Daisy baka may tao kang puweding sumalisi sa bahay. Nasa lumang basement ang ilang ibidensya na itinago ko.”
“Baliw ka ba? Ang sabi ko sunugin mo lahat hindi ba?” bulyaw ni Daisy dito na napatayo pa.
“Pasensya na, naniniguro lang naman akong hindi mo ako basta aabandunahin eh. Pero kailangan nating mabawi iyon, bago pa makita ng magkapatid.”
لان
344 Hard Day
Clam
“Punyeta ka talaga, Gerrer!” Bulyaw ni Daisy kaya napatingin si Natasha sa asawa at hinawakan sa braso nito
“Sige gagawa ako nang paraan.” matiin`na saad ni Daisy saka napailing sa inis.
**
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)