144: Hard Day-T
144: Hard Day
“NAPAGOD KA BA, asawa ko,” malambing na tanong sa akin ni Zade na niyakap ako mula sa likod. Sinigurado namin Clarence na malilinis ang lahat ng gamit na naroon sa bahay. Lalo na ang mga silid na ginamit nila Atasha.
“Hmm…ang sama ko ba?” tanong ko dito na ikinatawa nito nang mahina.
“You been doing bad things, Yuri. Bad things for good reasons.” anitong pinaharap ako. Saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Hindi naman natin kailangan maging perpekto sa harap nang ibang tao kung may gusto tayong ipaglaban. At iyon ang natutunan ko mula nang magbago ang Yuri Ann na nakilala ko noon,” dagdag pa nitong tinawid ang munting espasyo sa pagitan namin. Saka ako niyakap ni Zade.
“Nag-aalala lang kasi ako,” pag-amin ko.
“It’s alright, you just had a hard days, wife.” masuyong sambit nitong tinapik nang marahan ang likod ko.
Nagawa kong pumikit at kusang gumanti ng yakap dito. Nakakapanatag nang nagugulo kong isipan ang yakap ng aking asawa. Kanina habang sinusumbatan ko sila Gener at Natasha. Pakiramdam ko masama akong tao. Pero sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, unti-unting naglalaho ang takot ko kay Natasha. At parang unti-unting naglalaho ang sakit na nararamdaman ko pero na roon pa rin ang damdaming di ko maipaliwanag.
“Ayaw kong maging makasarili dahil ayaw kong maging tulad nila, pero kailangan ko na silang paalisin sa bahay ni Mama.” mabigat ang loob kong pag-amin.
“Yuri, you been suffering your entire life dahil sa mga taong tulad ni Gener at Natasha. Kaya wala kang dapat ikaguilty sa nangyari. Dapat silang matuto sa pagkakamali nila.” Nakaka-unawang saad ni Zade.
“Pero natatakot ako,” sambit ko kaya tinitigan ako nito. “Paano kong hindi ko magampanan ang gusto ni Mama, marami nang responsibilidad si Clarence at—”
“Wife, take it easy, hindi ka mag-iisa, okay. I’ll help you in anyway I can. At siguradong tutulungan ka rin ni Clarence. Kailangan mo lang nang effective and efficient team para sa pagsişirnula mo. I guess Emma will
be the best accountant for you,” suhesyon nito.
“Iyon nga rin ang iniisip ko, pero nag-aalala akong baka hindi niya tanggapin ang offer, mapopromote na
siya bilang Senior accountant.”
“Then, I’ll help you find the best people. Isa pa hindi ka pweding masyadong maging focus sa Montefalco
Royal. You still have responsibility sa akin at sa mga anak natin.” nakangising hirit pa nito.
“Ah talagang…” napabuntong hininga na rin lang ako. Wala naman kasi sa plano kong maging isang Chairwoman ng isang malaking kompanya. Noon ang tanging gusto ko lang ay maging masaya at mahalin ni Zade. Kaya ano pa bang dapat kong hilingin ngayon. Pero kung hindi ko pagbubutihin ngayon, mauulit lang ang crisis na kinaharap ng kompanya sa pamamahala ni Gener. At maraming empleyado ang
144 Kard Ge
Clam
maga-suffer kapag nangyari ‘yon. Susubukan kong galingan para kay Mama.” Nasabi ko na ikinangiti nito. ~”Siya nga pala dumating na ang dress mo para sa birthday mo sa Sabado. Isasabay ‘yon sa celebration ng
welcome party sa’yo sa Montefalco Royal,” paalala nito.
“Kaya mas lalo akong kinakabahan. Pero hindi ako makapaniwalang may mga loyal pa rin kay Mama sa ko sa kompanya hanggang ngayon,” nasabi ko. Naka-usap ko na ang dalawang board of Directors at shareholder. Mga dating kaibigan ni Mama Charlene. Pero nang mamatay si Mama naglie low sila dahil iyon sa paki-usap ni Mama, para daw sa pagdating namin ni Clarence bitang bagong owner. Kaya nagulat ako nang makilala ko ang mga ito. Ang dalawang ginang ang nagbigay sa akin ng regalo noong 18th birthday ko maliban sa matandang abogado. At iyong isang babae pa minsan na rin akong tinulungan noong nag-aaral pa ako.
“Dahil hindi pa naman nawawala ang mga mabubuting tao sa mundo.”
“Tama ka, hindi pa rin naman ganun kasama ang mundo.”
WALANG LAKAS na napasalampak si Daisy sa couch. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw ng bahay niya. Hindi iyon kasing laki nang bahay ni Clarence o nang mansion ni Gaston. Pero nakapangalan sa kanya ang bahay bilang regalo ni Gaston noong 40th birthday niya seven years ago. Hindi nga lang niya akalaing uuwi siyang mag-isa sa bahay na ‘yon.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)