140: Losing it!-2
“Let me help you,” anang tinig na nagpatigil sa daloy ng diwa niya. It was David, sumunod pa rin pala ito sa
kanya.
Ito ang una niyang nakilala sa Singapore. Tinutungan lang naman niya ito sa babaing nanggugulo dito. Muntik pa nga siyang sampalin ng babae buti na lang nakita nitong buntis siya kaya umurong na lang ito na
galit na galit kay David.
Halata kasing palikero si David dahil sadyang guwapo ito. At iyon mismo ang dahilan kaya iniiwasan niya
si David. Ayaw niya nang lalaking babaero at manluloko. Tulad ni Clarence.
“David, hindi dahil tinulungan kita minsan, friends na tayo, okay.” saway ko dito nang aktong hahawakan nito ang cart ko. Nakaka-unawa ito nang tagalog, pero baliko nga lang ang dila.
“I’m just worried, your mag-isa kahit buntis ka so, I wanna help…” slang nitong paliwanag.
“Thanks but no thanks. I can manage…” baliwalang sagot niya na ikinasimangot ni David.
“Are all Filipina beauty, mataray?” tanong nitong ikina-iling ko.
“It’s our way of saying, we’re not interested.”
“Ow ouch!” anitong tila nasaktan at napahawak sa dibdib nito. “This is why I like you. You’re
straightforward, unlike other girls. But honestly, I had no intention of scaring you. I just want to be your friend. I see you alone, and I’m worried about your condition,” sincere naman nitong saad.
“Thank you, David. I’ll asked for help if I need it,” aniyang tinalikuran na ito.
“But I—” habol pa rin ni David na hinawakan pa ang kanyang kamay. Pero bago pa siya makapagreact.
“Tigas rin ng mukha mo ano!” ang tinig na ‘yon ang nagpatigil ng paghinga niya. Dahil sa isang suntok sa mukha ang tumama sa mukha ni David.
“Don’t you know what NO means, idiot!” muntik na siyang mapaatras nang makilala ang boses ni Clarence. Ito rin ang bumanga kay David kanina. At sa nakikita niyang hitsura nito hindi niya maiwasang
mapanganga na lang.
Wala namang nagawa si David kundi ang umalis na lang na sapo ang nasaktang mukha. Noon inalis ni
Clarence ang sout nitong shade at bullcap. Leaving his wig kaya mukha itong rakesta.
“Sorry about the violence,” namumula ang mukhang sambit nito na nagpainit sa dibdib niya kasabay nang
pag-ataki ng takot nang mapatingin ito sa kanyang tiyan.
Nahahalata na ang tiyan niya kaya mabilis niyang hinila ang cart para itago ‘yon. Mukha pa lang naman kasing malaking belly fat ‘yon. At tumataba rin siya.
“You’re not running away from me again Moira.” May diing banta ni Clarence na matamang nakatitig sa mukha niya.
Clarm
MABIGAT ANG MGA hakbang kong pumasok sa private room ni Yuri. Nasabi ni Mommy na umiyak raw ito nang sabihin ng Doktor na nawala ang baby namin. Kahit ako nga napaluha na rin lang nang makita ko ang PT kit sa bag nitong ibinigay ng babaing naghatid noon.
Sa tingin ko may plano s Yuri na surprisahin ako kaya pasekreto itong bumili nang PT kit.
lyon na sana ang pagkakataon kong makabawi sa asawa ko sa pagkukulang ko kay Zayu. Pero dahil sa mag-ina na ‘yon nawala pa ang baby namin. Maingat kong pirrhit ang door knob at dahan-dahan akong pumasok. Kita kong mabilis na pinahid ni Yuri ang luha sa mukha nito.
Kaya napatitig ako sa asawa kong hindi maipagkakaila ang lungkot sa mata.
“I’m sorry…” mahinang sambit ko. “Bakit kasi ang tagal ko hindi sana nangyari ang lahat nang ‘yon,” mapait
kong saad na tipid na ikinangiti ni Yuri.
“Bakit ka ba nagsorry? Si Atasha ang may kasalanan.”
“I know, pero sana hindi kita hinayaang umalis mag-isa,” mapait kong sambit saka ako na-upo sa gilid ng kama nito. Maingat kong hinawakan ang kamay ni Yuri. “I promise you, Yuri. Pagbabayaran ni Atasha ang
lahat.”
“Oo… pero,” mahinang sambit nito. “Zade, nalaman namin kanina na…” naglamlam ang mga mata nito saka
ikinuwento ang tungkol sa residue nang sleeping pills sa lab test nito.
“Sinasabi mo bang… Posible talaga ang miscarrage sa anak natin dahil sa gamot na ‘yon. Pero bakit
gagawin ‘yon ng Tita mo?”
“Wala kasi akong ibang maisip na dahilan kung bakit ako bigla na lang nakatulog noon. Napaaga lang ang
miscarriage ko dahil kay Atasha. Pero sana ngayon/huwag mong hahayaang makalaya pa si Atasha.”
“Oo, pagbabayaran niya ang lahat, pati na ang ginawa niyang pagsisinungaling tungkol sa pagkatao ni Baby Zen. Nagtanong na ako tungkol sa posibling kaso nila para sa pagpapalit ng bata, pero sabi ng lawyer, ang ina nang bata ang dapat magsampa nang kaso. Kasama ang DNA test result.”
“Pero kapag ginawa natin ‘yon malalaman na nang babae na buhay ang anak nila ni Clarence. Dapat maging okay muna sina Clarence at Moira.” hindi ko maiwasang mapayuko. “Alam kong selfish ‘yon para
sa totoong ina nang bata, pero si Clarence. Marami na siyang nagawa para sa akin.”
“It’s fine, hindi pa naman natin kilala ang babae, pero ipipapahanap na daw siya nang Dad mo kaya maayos
rin ang lahat.”
“Sana lang hindi maging komplikado para kay Clarence.”
“Yuri, huwag mo munang isipin si Clarence. Kailangan mong magpahinga. Magandang birthday gift sana
ang baby natin sa kaarawan mo pero ganito ang nangyari, we lose the baby. But I promised magiging
masaya pa rin ang birthday mo, dahil kasama natin ang dalawang bata.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)