140: Losing it!-T
140: Losing it!
MEANWHILE
“DAD, kumusta si Yuri?” tanong ni Clarence sa kanyang ama. Nalaman niya ang nangyari mula kay Mister
Oliver kaya tinawagan niya ang ama.
Nasa Singapore na siya at finally nakita na niya si Moira. Halata na nga ang tiyan nito. Kaya hindi siya makalapit dito. Natatakot siyang baka bigla na naman itong umalis. Kaya para siyang bodyguard ni Moira na nakatingin mula sa malayo. Watching her and making sure she wouldn’t see him. Inayos niya ang bull cap niya saka ang kanyang shades.
Kailangan pa niyang magsuot ng wig para sa kanyang complete disguise. Mukha siyang tanga, pero ayos
na rin ‘yon. Kasalanan naman niya.
“She’s safe, pero nawala ang anak nila ni Zade,” matamlay na sagot ni Dad. Pansin niyang tila may inaalala
ito base sa boses nito.
“Nasa bahay ka pa rin ba? Nag-aalala na si Tita Daisy.” ani niya dito. Tumawag kasi kanina ang tita kanyang
Daisy. Asking him kung nasaan ang ama niya. Pero bago pa ito tumawag, sinabi na nang kanyang ama na
huwag niyang sabihin kay Tita kung nasaan ito. Gusto raw kasi nito ng privacy, para makapag-isip.
“Dad, sa tingin ko dapat kausapin mo si Tita Daisy,” suhesyon niya. “Ano ba kasing nangyayari sa n’yo?”
“Wala na kaming dapat pag-usapan pa, Clarence. Makikipag-usap na ako sa lawyer kapag nakalabas na sa hospital ang kapatid mo.”
“Lawyer?” Kunot noong ulit niya kaya napatuwid siya nang upo.
“Gusto ko munang ipaalam sa’yo, dahil malapit ka sa kanya. He treated you well–pero..” kusa nitong ibinitin
ang sasabihin. “I am filing an annulment.”
What? Dad! Ngayon mo pa talaga naisip ‘yan. It’s been…” bulalas niya.
“Huwag mo na akong alalahanin, magfocus ko sa pagpapa-uwi sa girlfriend mo saka ko ipapaliwanag sa’yo ang lahat.”
“Pero… ganun ba kalaki ang problema?” kunot noong usisa ni Clarence sa ama.
“I’ll explain everything later. For now kami muna ni Oliver ang bahala sa mga importanting trabaho. But you
only have one week to get things done, Clarence.”
“Okay thanks. I’ll be back soon,” pag-aassure ko dito saka tinapos ko na rin ang tawag.
Napatingin ako sa wristwatch ko. In five minutes bababa na si Moira. Naging routine na nito ang
pagkakakad sa hapon para magpunta sa grocery na malapit sa condo-apartment nito. Iyon ay ayon sa schedule na ibinigay sa kanya ng tauhan niyang nagbabantay kay Moira.
Claim
Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ito Tila saglit na huminto ang puso niya nang makita itong napakayanda sa sumrner dress na suot nito. Kaya hindi mo iisiping buntis si Moira. But she did gain weight. Iyon ang napansin niya. Pasimple niyang inayos ang kanyang bullcap. At siniguro sapat ang distansya niya para hindi nito mahalata na pasimple siyang nagmamatyag dito. Pero paglapit nito sa isang
intersection patungo sa grocery store my lalaking sumabay kay Moira.
Nakilala ko kaagad ang lalaki dahil isa ito sa kapitbahay ni Moira sa floor ng apartment nito.
“Shall I join you?” aluk nang lalaki. Sa tingin ko may dugong pinoy rin ito dahil sa kulay nito.
“No, thank you, David.”
“I’m heading to the grocery too..” giit nang lalaki.
“Okay!” baliwalang sagot ni Moira na ikina-asar ko naman dito. Alam naman nitong ayaw niyang may
lalaking umaaligid dito. Kaya binilisan niya ang hakbang at sindya niyang bangain ang ang lalaki.
“Damn it! Watch where your going, dude!” sigaw nang lalaki pero hindi na niya pinansin ‘yon.
NATIGILAN SI MOIRA dahil sa lalaking bumanga kay David. Pamilyar kasi sa kanya ang lakad nito maging ang built ng katawan nito. Kaya biglang kumabog ang pulso niya saglit sa pag-aakalang si Clarence ‘yon.
The last time na nasa Indonisia siya. Natakot siyang magpakita kay Clarence at baka malaman nitong
buntis siya. She wanted to keep it to herself. Kaya maging kay Yuri hindi niya sinabi.
Siguro bukod sa madalas nilang di pagkaka-unawaan ni Clarence, natakot rin siya sa babaing ‘yon. And
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)