127: Kahit Ano-2
“Okay na nga Misis Dela Merced. I love you,” maemosyong usal nitong nagpatigil saglit sa paghinga ko saka ako napalunok na tang. Para kasing umurong ang lalamunan ko sa sayang hindi ko maipaliwanag.
“Lumabas ka na nga,” taboy ko dito nang makabawi.
“Sure,” nakangisi pa ring saad nito.
HINDI KO MAIWASANG mapangiti. Para na akong nasa ulap sa sayang nabubuhay sa pagkatao ko dahil sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko inisip na sabihin ang mga salitang ‘yon pero sa nakita kong reaksyon ni Yuri kanina at lalo na ngayon. Alam kong tama ang nasabi ko.
Tama nga si Javier kailangan ni Yuri nang security and assurance mula sa akin. İyon ang isang bagay na hindi ko nagawang sabihin dito. Dahil akala ko sapat na ang mga ginagawa ko.
And I plan to tell and show her how much I wanted her in my life mula ngayong araw na ‘to.
2
Almost an hour later ay dumating na sina Dad kasama sila Rita at Jennie kasama ang princesa ko na tuwang tuwa nang makita ang mga abuela nito.
“Ang ganda nang prinsesa namin. Kami muna ang magbabantay sa’yo ngayon dahil may sakit si Baby Zen
ha,” ani Mom na ginulo pa ang buhok ng anak ko.
Tuwang tuwa namang tumango si Zayu sa mga ito kaya ang lakas ng tawa ni Dad na siyang kumakaraga
pa rin dito.
“Ang talas ng batang ‘to akala mo talaga nauunawaan na niya ang mga sinabi ko.”
“Bakit hindi, si Zade noon, ganyan rin. Kaya nga matalino ang anak natin. Kaya siguradong matalino rin si
Baby Zayu paglaki niya.”
Maya maya pa ay bumaba naman si Yuri na tila relieve na.
“Wala nang lagnat.” usisa ko dito nang makalapit sa amin.
“Wala na, nakatulog na si Baby Zen.” anito. Nagpresenta naman sina Rita at Jennie na magbabantay kay baby Zen sa itaas.
fila
munang
“Maganda iyong dalagang Yaya ni Baby Zayu ah,” puna ni Mom na nakasunod ng tingin sa dalawang babaing paakyat ng hagdan.
“Hindi po siya Yaya ni Zayu, Mom. Pansamantala lang siyang nasa amin habang wala si Oliver.” Ipinaliwanag naman ni Yuri ang tungkol sa issue ni Jennie. Nalaman ko na ‘yon mula mismo sa mga kasama namin sa bahay at kay Jennie na rin mismo.
“Napakasama talaga nang pamilyang ‘yon, ano?” Napapailing na saad ni Mom na bakas ang simpatyang napatitig kay Yuri. “Naawa rin naman ako kay Atasha. Kaya gusto ko sana siyang tulungan. Alam ko naman hindi ipinanganak ang mga tao na likas na masama. Nagiging masama sila dahil na rin sa pagpapalaki sa
122 Babitanese
kanila nang kanilang pamilya o nang taong umaaruga sa kanila.”
Cram
“Pero may choice naman siyang gawin ang tama, dahil hindi na siya bata Mama.” ani Yuri sa malungkot na tinig.
“Tama si Yuri, honey. Kaya mabuti pa i-pacancel mo na iyong ATM niya.” ani Dad.
“Sige, tatawagan ko na lang ang banko bukas. Tutal naman eh hindi na niya kailangang makita si Baby Zen,” sang-ayon ni Mom sa sinabi ni dad.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtitig ni Yuri sa parents ko. Mukhang hindi nga ito naniwala sa sinabi kong hindi sa akin galing ang pera ni Atasha.
“Kaya sana Mommy sa susunod. Ipaalam n’yo muna sa akin kung magbibigay kayo nang tulong kay Atasha. Inaway tuloy ako ni Yuri dahil d’yan.” kita kong nanlaki ang mata nito kasabay nang pamumula nang mukha.
“Naku—”
“Hindi po Mama, Papa.” Depensa ko. “Kasi sabi ni Atasha kay Zade daw galing ang pera kaya—” napapahiyang saad nito saka ako inirapan si Yuri.
Dinig ko ang mahinang tawa ni Dad kaya napangiti na lang rin ako. “Ayos lang ‘yan anak. Minsan nagiging
labingan ng mag-asawa ang pag-aaway hindi ba, honey?” baling nito kay Mom na hinaplos pa ang balikat
nito.
“Oo, nga noon nga madalas ko ring awayin ang Daddy n’yo kasi marami talagang babae ang nagkakagusto sa kanya. Sympre ako naman natatakot lang akong baka mainlove siya sa iba.”
“Parang hindi naman ‘yan ang sinabi mo dati diba?” pang-aasar ni Dad dito saka tinawanan si Mommy.
“Buti na lang hindi naman nangyari ang takot ni Mom, kahit hindi sila nagkaroon ng sarili nilang anak,” mahinang saad ko kay Yuri na sinadya kong ilapit ang mukha ko dito.
“Zade Larzon, don’t say that. Ano bang tawag mo sa sarili mo, batang to.” saway sa akin ni Dad. Kita kong napangiti na lang si Yuri sa pagdadrama ko.
r
“Huwag na nating pag-usapan yan, Zade baka magtampo na naman itong matanda dito.” ani Mommy na binalingan si Dad sabay haplos sa mukha nito.
“Masuwerte nga po si Zade dahil kayo ang mga magulang niya Papa. Kaya siguradong masuwerte din ang mga bata na may Lolo silang kasing buti mo.”
“Isa pa ‘to baka magkaiyakan pa tayo nito, hindi ba apo ko,” nakatawang saad ni Dad sabay baling saapo
nito.
Sakabilang Banda.
“Ang pogi naman pala nang bunsong anak nila Ate Yuri no, ate Rita?”
“Oo naman, pero anak siya ni Sir sa bruhang babae?” Mahinang saad ni Ate Rita. “Buti na lang talaga
1.7 Kabit Apr 2
mabait si Ma’m Yuri.”
“Sino pong bruha?” Inosenting tanong ni Jennie dito.
“Sus, sino pa eh di iyong anak ng dating amo mo?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)