127: Kahlt Ano-1
127: Kahit Ano
TAHIMIK akong bumalik sa silid ni Baby Zen. Saka naman nagpaalam st Manang Elisa na siyang iniwan ko saglit para bantayan ang bata.
Maingat kong dinama ang noo nito. Mukhang effective namang pinunasan ko si Baby Zen ng basang bimpo kaya parang nawala ang sinat.
Maya maya pa ay sumunod si Mama Azra na nag-aalala pa rin ang mukha.
“Wala nang sinat ang apo ko?” ani Mama Azra na naupo rin sa kabilang bahagi nang kama. “Aba,” anitong ngumiti ng balingan ako habang hawak ang kamay ni Baby Zen. “Masuwerte ang mga anak mo sa’yo, Yuri.* may emosyong saad nito. “Ako noon, kung wala ang Dad Zen mo baka hindi ko alam kung paano ko aalagaan si Zade. Siya ang nagturo sa akin ng maraming bagay, pero hindi ko pa rin alam kung paano huwag laging mag-alala.”
“Salamat po Mama,”
“Huwag kang magpasalamat, ako ang dapat magpasalamat na kahit hindi ikaw ang tunay na ina nang apo namin, tangap mo siya. At nakikita kong mahal mo na rin si baby Zen.” may emosyong saad nito.
“Siguro kasi tinawag niya akong Mama, at magaan rin ang loob ko sa kanya. Ganun siguro kapag magulang
ka na. Makikita mo ang anak mo sa lahat ng batang makikita mo.” ani ko dito. Siguro naawa akong isiping
mapupunta si Baby Zen sa pamilya ni Atasha. Gusto ko sanang bangitin ang tungkol sa pagiging kahawig ng bata ni Clarence pero minabuti kong sarilinin na lang ang pag-aalala ko.
Kahit naman kasi lumabas ang DNA test result na positibo hindi ko pa rin maunawaan kung bakit hindi
mawala ang pagdududa sa isipan ko.
“Bukas n’yo na lang siguro i-uwi ang bata, ipapasundo ko na lang sa Daddy Zen n’yo si Zayu.”
“Sige po Mama,”
“Ito nang iyong gatas at gamot,” agaw pansin ni Zade na kapapasok lang. Bigla ay nag-init ang mukha ko nang titigan ako nito.
“Oh siya, kayo na munang bahala sa anak n’yo,” paalam ni Mama Azra na tumayo na rin at umalis. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Zade. Hindi ko kasi alam kung paano mag-rereact sa sinabi nito kanina. Kaya kumabog na naman tuloy ang dibdib ko.
Dinig kong tumikhim ito. Pero inabala ko lang ang sarili ko sa paghawak ng bote ni Baby Zen na ayaw nitong hawakan. Habang panay ang titig lang sa akin.
“Hindi siya mahirap painumin ng gamot,” ani Zade na tumikhim na naman.
“Hmm…” tipid ko sagot. Sa lakas ng pintig ng puso ko ngayon ano bang kaya kong sabihin. Zade just told
127 Malut Aver
me that he loves me. Sukat doon ay nakagat ko ang labi ko. Galit nga ako sa kanya kaya bakit parang gusto ko nang tumalon sa tuwa.
“Pero kahit na, galit pa rin ako sa kanya.” giit ko sa sarili ko.
“Wala ka man lang bang sasabihin?”
“Ano naman ang sasabihin ko?” sinadya kong huwag balingan ito ng tingin.
“Kahit ano lang.”
“So sinabi mo ‘yon para patawarin na kita ganun?”
“No!” may diing tangi nito sa mahinang boses na hinawakan pa ang braso ko.
Glan
“Gusto ko lang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko. Dapat matagal na pero hindi ko mahanap ang tamang pagkakataon,” pag-amin nito.
“Eh ‘yon naman pala eh, di wala akong kailangang sabihin. Saka bakit ba, hindi porque mahal mo ako hindi na kita puweding awayin. Ano ka sinusuwerte,” pairap na baling ko dito. Na ikinakamot ng ulo ni Zade.
2
“Ang sungit mo na naman, gusto ko lang namang marinig na–”
“Hoy Zade Larzon, hindi dahil sinabi mong mahal mo ako. Kailangan aminin ko na ring mahal kita at—”
naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang akong siilin nito ng halik sa labi.
“That’s alright. Sapat na muna ‘yon,” nagkikislapan ang titig nito nang maghiwalay ang mga labi namin.
“Ano bang sinabi ko? Hindi ko sinabing…” kusa akong napalunok sa sinabi ko. “Mali ang pagkaka-unawa
mo okay,” panik na paliwanag ko dito..
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)