126: Her Feelings-1
126: Her Feelings
“BAKIT MO ba ginagawa sa akin ‘to Zade, anak ko ang bata, kaya bakit?” Malakas na humagulgol si Atasha na tila batang binawian nang candy. “Napaka-unfair mo.” akusa pa nito.
“Paano ako naging unfair? Ang sarili mong anak ang may ayaw sa’yo kaya huwag kami ang sisihin mo. Sa
tingin ko mas na-e-e-stress lang si Baby Zen kapag ipinipilit mo ang sarili mo sa kanya.”
“No!” Bakas ang sama nang loob sa mata nito. “Sabihin mo nga Zade, kinumbinsi ka ba ni Yuri na ilayo sa
akin ang anak ko, ha?” usig nitong pinahid ang sariling luha. “Hindi mo ba nakitang napakasama niya,
nagawa pa nga niya akong sabunutan.” suminok-sinok pa ito.
Pero lalo lang akong nakakadama nang inis sa asal ni Atasha. Isang malalim na paghinga ang
pinakawalan ko.
“Ngayon alam mo na ang pakiramdam nang-inaagawan?” saad kong ikinabaling nito sa akin at halos
mawalan ng kulay ang mukha.
“Zade, si Yuri ang nang-aagaw sa akin noon pa man, kaya pano mo nasasabi ‘yan. She’s taking everything that was mine at pati kayo ni Baby Zen, inagaw n’ya.” di ko mapigilang matawa sa sinabi nito.
“I was never your’s Atasha. You lied to me at alam mo dapat sa sarili mo ‘yan. Nagpangap kang ikaw si Yuri noon kaya tayo nagkaroon ng relasyon. Kailangan ko pa bang ipaalala ulit sa’yo. Kung gaano ka kasinungaling na-tao.”
“Anong ibig mong sabihin?” natigilan ako saka napalingon sa hagdan nang marinig ko ang tinig ni Yuri. Dala nito ang feeding bottle ni Baby Zen. “Anong kasingungalingan ang sinasabi mo?” Nanliit ang mga mata ni Yuri na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Atasha.
Wala akong nagawa kundi ang aminin dito ang tungkol sa pagsisinungaling ni Atasha na ito ang babaing tinulungan ko noon sa may simbahan.
“So, kaya mo naging girlfriend si Atasha dahil akala mo siya ang taong tinulungan mo noon?” Bakas ang pagkalito sa mata nito at natawang napatitig kay Atasha.
“All this time, akala ko ako nga ang sumira sa relasyon n’yo noon dahil ako ang pinakasalan ni Zade,” bakas ang naghahalong inis at pagtuya sa mukha ni Yuri.
“Zade… ilang taon tayong naging magkarelasyon…” kulang na lang at mawalan ng kulay ang mukha ni
Atasha.
“Walang hiya ka nga talaga Atasha. Ilang taon mo akong sinumbatan at kinonsensya na inagawan kita, pero ikaw naman pala talaga ang mang-aagaw.”
“NAKAKA-AWA ka ATASHA, walang gatol kong saad, habang walang kurap kong tinitigan ito. Kitang kita ko ang labis na kahihiyan sa mata nito kaya napa-urong pa si Atasha.
ན H£
Claim
“Totol naman, ikaw pala ang nagsimula nang lahat nang ito. Mula ngayon hindi mo na puweding lapitan si Baby Zen. I’m taking him.”
“No! Hindi mo puweding gawin’yan Yuri!” panik nitong kulang na lang sugurin ako.
“Bakit hindi ko pweding gawin, pero ikaw. Pwede? Hindi ba ang unfair naman ‘yon. From now on anak ko na si Baby Zen at ikaw na malanding saglit akong nag-isip. Nakalimutan ko kasi ang tamang salitang sinabi ni Emma. “Ah higad na sinungaling pa. Wala ka nang karapatang lapitan ang anak ko mula ngayon.” Deklara kong ikinalaki nang mata nito.
“You b*tch!” sigaw nitong sinugod ako, pero mabilis akong umiwas kaya malakas na napasigaw si Atasha
nang parang palakang bumagsak ito sa tiles. “Ahhggrr!” hysteria nitong ikinatawa ko na lang.
“Sayang hindi tulad nang dati sa putik ka bumagsak.” tuya ko dito. “Ops…mas masakit ata ang bagsak mo
ngayon.” nasabi ko nang makita kong dumugo an ilong nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)