Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 236

COY

125: My Slave-2

“Ako na muna kay baby Zayu,” presenta naman ni Jennie. “Let’s go play outside baby.” anito kay Baby Zayu na kaagad rin namang magpakarga.

Nagpasya akong bumalik na lang sa kuwarto ni Zayu para ligpitin ang higaan nito. Pero maayos na ‘yon nang madatnan ko.

“Ako na rin mag-aayos nang kuwarto ni Zayu mula ngayon,” ani Zade na nakasilip na sa dating pintuan.

“Bakit hindi ko kaagad naisip ‘to.” Nakangising saad nito. “Dalawa naman ang Yaya ni Zayu kaya baka

puwede mo akong samahan ngayon.”

“Ayaw ko.” walang gatol kong tangi.

“Tumawag si Dad kanina, may sinat daw si Baby Zen. Hinahanap ka.” tila naman ako kinabahan sa sinabi nito. “Dalawin mo lang ang bata.” Gusto ko sanang tumangi pero sa totoo lang miss ko na rin naman si

baby Zen.

“Fine,” sagot ko na lang.

“Okay bihis lang ako.” anitong mabilis nang nawala sa paningin ko. Saka naman ako lumabas ng silid ni

Zayu.

Wala pang kalahating oras ay pababa na rin si Zade. Simple pero guwapo pa rin kaya nakakainis lang.

Si Dan ang nagdrive para sa amin kaya magkatabi kami sa backseat. But I keep my attention at the road. Wala naman akong magandang makikita kundi mga gusali at mga sasakyan rin pero mabuti na iyon kaysa sa mukha pa ni Zade ako mapatingin.

Pagdating namin sa bahay ng magulang ni Zade ay naabutan kong karga ni Mama Azra si baby Zen habang naroon may doctor na nagchecheck ng likod nito gamit ang stethoscope.

“Mukhang sa pagtubo lang ng ngipin niya kaya nagkasinat,” dinig kong paliwanag nang doctor. “Normal lang naman sa mga bata ‘yan. But make sure na bigyan mo siya ng paracetamol.” Bilin nang doctor na

r nagsulat na ang resita nito.

“Mma..mma,” dinig kong mahinang ungot ni baby Zen kaya parang dinurog naman ang puso ko.

“Nandito na pala kayo,” agaw pansin ni Dad sa amin. Noon naman lumingon si Mama Azra kaya napatingin rin sa amin si Baby Zen. My heart instantly felt pain nang bigla na lang itong umiyak na tila kawawa.

Kaya mabilis ko itong nilapitan.

“Salamat naman hija at dumalaw ka,” relieve na saad ni Mama Azra. “Sa tingin ko namimis ka rin niya.” May himig awang saad nitong hinaplos ang ulo ni Baby Zen.

Kusang umangat ang kamay ni baby Zen para abutin ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na kargahin ito. Dama ko ang init ng katawan ng bata. Pero mabilis namang natapos ang pag-iyak nito.

135 AN S

C

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na rin ng Doctor. Nagbilin pa ito na kung tataas ang lagnat ni baby Zen by dalhin na kaagad sa hospital.

“Balisa kasi talaga siya kagabi,” ani Mama Azra.

“Sige po Mama patutulugin ko na muna si baby Zen.” Paalam ko sa mga ito. Saka ako umakyat sa kuwarto nito dala ang batang parang nadikit na ata sa akin.

“Namiss mo si Mommy,” tanong ko dito habang paakyat kami nang hagdan. Naramdaman kong humigpit

ang kapit nang munting kamay nito sa leeg ko. “Pasensya na.”

Nagulat pa ako nang may kamay na nagbukas nang pinto mula sa likuran ko. Nakasunod pala sa amin si

Zade at si Mama Azra.

“Hindi ba natin siya kailangan dalhin sa ospital?” ani Zade na mukhang nag-aalala rin.

“Sa tingin ko okay lang naman siya,” totong saad ko. Pantay naman ang sinat nito. “Ikuha mo na lang ko nang basang bimpo.” utos ko kay Zade na mabilis namang kumilos. At naghalungkat sa drawer ni Baby

Zen.

“Kanina pa talaga ako nagpapanik sa kanya,” ani Mama Azra.

“Magiging okay lang po siya Mama, ganito rin si Zayu kapag natubo ang ngipin.” pag-aassure ko dito.

“Parehas ka nang Daddy n’yo. Huwag daw akong magpanic. Pero hindi ko talaga mapigilan.”

“Para ka naman kasing hindi nagkaanak eh.”

“Hindi naman sakitin si Zade noon, saka ikaw ang nag-aalaga sa kanya noon.” supla ni Mama Azra dito.

“Ito na,” ani Zade na dala na ang basang bimpo na nilagay sa stainless bowl.

“Oh siya, kayo nang bahala sa anak n’yo at isasama ko na lang itong Mommy n’yo sa pagbili nang gamot para malibang,” paalam ni Papa Zen na inakbayan na si Mama Azra palabas.

Saka ko sinimulang punasan nang basang bimpo ang mga pulsuhan ni baby Zen. At mukhang nagustuhan naman nito ang ginagawa ko kaya ngumiti ito na parang si Clarence. Pero wala na lang akong sinabi.

“Ang ganda nang ngiti niya kapag nakikita ka. Bakit hindi ko naisip ‘yon bago kita pag-isipan nang mali.” ani Zade na ikinasulyap ko dito.

“Ma’am hindi nga kayo puwede dito.” Kapwa kami napatingin sa may pinto dahil sa ingay mula sa labas. “Anak ko si Baby Zen kaya huwag mo akong harangan. Bakit hindi ko siya puweding makita..” gigil na reklamo ni Atasha sa malakas na boses, kasunod nang pagbukas nang pinto.

At kita ko ang galit sa mata nito. Mukhang alam nitong naroon ako kaya ganun na lang ang pagwawala ni

Atasha.

“Anong nangyari sa anak ko, anong ginawa mo sa kanya ha?” kaagad na bungad nito.

“Puwede ba Atasha manahimik ka nga, ang ingay mo nagugulat ang bata,” sermon ko dito.

Claims

“How dare you say that, Zade kita mo, sinabihan niya ako nang ganyan. Baby Zen is my son!” hysteria nito. “Let me see him,” anitong mabilis na sumampa sa kama, “baby are you al–” hindi pa man natatapos ni Atasha ang sasabihin nang umiyak na ang si Baby Zen. “bakit-” nagulat ito nang mabilis kong tinabig ang kamay nitong aktong hahawakan ang bata.

“Hindi mo ba nakikita na ayaw niya sa’yo.” Gigil na supla ko dito.

“Anak ko siya…”

“Oo,” nagulat ako nang biglang magsalita si Zade. “He might be your son Atasha, biologically, yes. Pero hindi ikaw ang gusto ni baby Zen. He wants my wife to be his mother.” saglit akong natigilan sa seryosong

sinabi ni Zade. Si Atasha naman ay bigla na lang namutla sa pagkabigla.

“Zade, paano mo nasasabi ‘yan anak ko si baby Zen!” anitong napaiyak pa.

*Ilang araw ka na raw pabalik-balik rito sa bahay, pero hindi mo man lang mahawakan si Baby Zen. Hindi

ba malinaw ang gusto niyang sabihin,” patuyang tanong ni Zade dito.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)