122: Walang Paki-2
“Yuri…..” humakbang ito palapit pero umatras naman ako nang dalawang hakbang palayo.
“Enough Zade! Just leave me alone. Get out!” taboy ko dito. Kita kong pagsuko sa mukha nito. At sa
mabigat nitong hakbang nawala si Zade sa paningin ko.
Noon ko lang nagawang hayaan ang luhang hindi ko inaasahan. Nang makita ko kanina ang mga larawan
nilang magkasama at mukha namang masaya. Gusto ko nang sakalin si Zade.
Pasalampak na naupo ako sa sahig at isinadal ang likod ko sa kama ni Zayu. Ayaw ko nang umiyak pa
pero hindi ko lang mapigilan. Nagawa kong lingunin si Zayu na tulog na tulog sa kama nito.
“Akala ko may lugar pa para sa atin dito, anak. I guess I was being impulsive. I’m sorry.” Marahas kong pinahid ang luha ko.
Nang kumalma na ang pakiramdam ko ay saka ako nagpasyang tumayo para magbihis. Pero papasok pa
lang ako sa banyo nang magring ang phone ko. Kaya napabalik ako sa pag-aalalang maabala ang tulog ni
Zayu.
Nagulat ako nang si Emma pala ang caller. “Hi, hindi ba ako nakaka-abala?” bungad nito nang sagutin ko
ang tawag.
“Ah… hindi okay lang, bakit?” tanong ko kahit nag-aalala rin ako na baka inutusan ito ni Zade na tawagan
ako.
“Mag-isa ka lang ba? Wala ang asawa mo?” Nag-aalangang tanong nito. I answered yes kaya tila na relieve ito. “Kasi hindi lang ako mapakali. Ganito kasi…” anitong nagsimulang ikuwento sa akin ang kaganapan kanina. “Actually sabi ni Javier, burahin ko na lang daw ang video. Kasi iyong si girl na higad lang naman daw talaga ang naghahabol lang sa asawa mo. Pero kanina habang pinapanood ko ulit ang video. May weird akong nakita sa video. Check mo ang video send ko sa’yo ngayon. Para kasing may taong sadyang kinunan talaga iyong magkasama sila nang asawa mo sa restaurant.”
1 was right about it. “Oo tama ka may mga nagpadala nga sa akin ng larawan.” pag-amin ko. Sa mga pictures kasi parang sina Zade at Atasha lang talaga ang magkasamang kumakain. Kaya inassume ko na lang ang mga sinabi ko kanina kay Zade.
“Sinasabi ko na nga ba. Check mo iyong video. Ang pangit naman ng love life you may kontrabidang hindi makamove-on,” pabirong saad nito.
“Ganun talaga. Sa buhay kailangan nating manili kahit ayaw natin. Kahit masakit pa.”
“Totoo naman ‘yan sis, pero…kung hahayaan mo na lang iyong babae, ikaw ang matatalo. Huwag kang papayag na matalo ka nang higad.”
“Siguro para sa iba, madali lang. Pero… ang hirap–ayaw ko nang ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako kayang pagkatiwalaan at mahalin,” nagawa kong sabihin ‘yon sa mapait na pakiramdam.
“Sis anu ba yang sinasabi mo. Ikaw ang legal wife kaya huwag kang engot ha. May anak kayo. Saka
pinalayas naman nang asawa mo ‘yong babae. Kung ako sa’yo babawian ko ‘yong higad. Titirisin ko siya hanggang wala nang matira sa kanya.” gigil nitong saad na ikinatawa ko na lang.
“Ikaw talaga.”
“Makinig ka kasi, hindi na uso ang mabait at tatameme lang na legal wife, sis. Para naman kung sakaling
maghiwalay nga kayo eh, wala kang pagsisihan na basta ka na lang nagparaya.”
“Pero—”
“Sis, make up your mind.” sansala nito.
Hanggang natapos na ang tawag ni Emma ay paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi nito. Kaya napa-iling na lang ako.
Nagpasya akong maghilamos at magbihis na saka ako bumaba para maglagay ng tubig ko. Naabutan ko pa sina Jennie at Ate Rita sa kumedor na nagkukuwentuhan. Si Aling Susan naman galing sa kusina at
dala ang tatlong tasa nang kape.
“Ma’am gusto mo nang kape?” aluk nito habang inilalapag ang tasa.
“Hindi po, lalagyan ko lang itong tumbler ko.”
“Ako na n’yan Ate,” mabilis na kumilos si Jennie para kunin ang tumbler ko bago pa ako makapagreact.
“Ang kulit niya, kanina pa gustong tumulong sa amin eh kadarating lang.” natatawang saad ni Aling Susan.
“Hayaan n’yo na po ako, hindi lang po ako sanay na walang ginagawa,” sagot ni Jennie na nasa kusina. Paglabas nito pinupunasan na nito ang hinugasang tumbler ko at nilagyan ng tubig.
“Ay siya nga pala, Ma’am umalis si Sir,” ani Ate Rita na ikinapiksi ng balikat ko. Saka ako tipid na ngumiti
dito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)