122: Walang Paki-1
122: Walang Paki
PADILIM na nang maka-uw kami. Nasa backseat kami ni Zayu na nakatulog na sa bisig ko. Pero pansin ko ang maya’t mayang sulyap sa akin ni Zade mula sa rearview mirror. Si Jennie naman na tahimik lang ay naka-idlip na rin dala marahil nang pagod sa pakikipaglaro kay Zayu.
Sanay na ako sa ganung set-up namin ni Zade, kaya hindi mahirap sa akin na huwag itong pansinin.
Nang makarating kami sa bahay. Mabilis itong kumilos para kunin sa akin si Zayu. Pero dama ko ang sadya nitong paghawak sa kamay ko. Ginising ko lang si Jennie na nagulat pa na nasa bahay na kami. Nilampasan ko naman si Zade nang nauna na akong maglakad.
“Sungit nang mommy mo ano, princess.” dinig ko ang mahinang saad ni Zade sa bata. Pero napaismid na lang ako. Sa nalaman kong suporta nito kay Atasha at sa larawang ipinadala sa akin kanina nang isang unknown number. Sapat na dahilan na para hindi kami mag-usap.
Kaya malinaw na totoo ang sinabi ni Atasha, mukhang sinusuportahan parin nito si Atasha. Hindi ko alam kung nagiging masama ba ako dahil nagagalit akong isiping hindi nito kayang pabayaan si Atasha. Pero hindi ko lang mapigilan.
“Jennie, si Aling Susan na lang ang bahala sa’yo. Doon ka na lang sa guestroom sa ibaba.”
“Ate, huwag na po, nakakahiya. Okay lang sa akin na sa maids quarter lang.”
“Ayos lang Jennie, isipin mong bisita ka namin dito,” sabat ni Zade.
“Sige po, Sir. Maraming salamat po talaga sa tulong.” Magalang na saad ni Jennie.
“Walang anuman, ‘wag kang mahiya dito, Jennie.” pag-aassure ni Zade na ikinatango naman nito.
“Halika Miss Jennie, samahan na kita sa guestroom.” yakag dito ni Ate Rita. Si Zade naman ay nauna nang umakyat patungo sa silid namin ni Zayu. Dahil pagod na rin naman ako, sumunod ako sa mga ito.
“Gusto mo pa bang magdinner?”
“No,” tipid kong sagot na hindi ito tinitingnan saka ko nagtungo sa closet. Naglipat na ako nang ilang damit
ko doon. Para iwasan ko lang pumunta sa masters bedroom lalo na kung nasa bahay si Zade.
“Talaga bang dito ka na matutulog?”
“Oo naman. Saan pa ba?”
“Yuri…” mahinang tawag nito kaya nilingon ko si Zade. Kita kong pag-aalangan sa mukha nito.
“What? Kanina ka pa papansin? Ano bang sasabihin mo?” Lakas loob kong usig dito. “Mukhang nag-enjoy
ka naman sa lunch date n’yo ni Atasha, kanina eh,” patuyang saad ko dito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang panlalaki nang mata nito.
Gusto kong matawa sa sarili ko. I could feel pain crushing inside me pero nagawa kong makipagtitigan
kay Zade.
“Yuri, ano ba? Hindi ako nakipaglunch date kay Atasha.” Depensa nito na pagak kong ikinatawa
“So, edited iyong mga larawang ipinadala sa akin. For all I know baka gawa lang naman ni Atasha ‘yon. Nagyabang pa nga siyang binigyan mo siya nang atm. Kaya bakit ganyan ang reaksyon mo? Dahil kong hindi, hindi ka makikipagngitian sa babaing ‘yon.”
“Yuri, kahit tanungin mo pa si Javier… ah hinck, Call Emma nandu’n siya. It wasn’t at date Yuri! Why would I date her, ikaw ang asawa ko. At wala akong kinalaman sa atm na sinasabi niya.” Inis na giit nito pero nagulat naman ako sa sinabi nitong nandoon si Emma.
“Okay… umalis ka na. Magpapahinga na ako.”
“Yuri naman, hanggang kailan mo ba ako hindi kakausapin?” Tila batang maktol nitong napahilamos pa nang palad nito sa mukha.
“Ewan,” walang ganang sagot ko dito. “Saka sanay naman tayong hindi nag-uusap noon, diba?”
“Yuri can’t we not talked about the past now, hayaan mo naman akong bumawi.”
“Bakit hinayaan naman kita ah? Pero ikaw ang may problema, Zade. Naniniwala ka ba talaga na gusto lang ni Atasha na makasama ang anak niya. Then you are really stupid, Zade. Dahil hindi siya magyayabang at hindi niya ipapadala sa akin ang mga larawan niyang magkasama kayo, kung iyon lang ang gusto niya.” Kung puwede lang isigaw ko ‘yon sa mukha ni Zade.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)