“Hindi ba ito pasa?” ani Zade sa magulang nitong naniniguro. Kaya lalong nag-init ang ulo ko sa inis.
“Sympre hindi, batang to. Kakaiba lang ang birthmark ng apo ko.” sagot ni papa Zen. “Sige na, wala ka bang pasok sa office ngayon.” taboy ni Papa Zen dito.
Kita kong pagkalito sa mga mata ni Zade na muling tumitig sa akin. Pero nagpasya akong magpaalam na at mauna nang lumabas.
Namigat ang dibdib ko nang marinig kong tawag sa akin ni Baby Zen nang umiyak ito. “I’m sorry, baby. lyan
ang gusto ng baliw mong daddy,” mahinang usal ko habang dama ko ang pag-init ng mata ko.
Nasa loob na ako nang sasakyan, kumurap-kurap pa ako para iwaksi ang lungkot na hindi ko
maipaliwanag. Wala pa nang isang lingo kong nakakasama si Baby Zen pero bakit ang bigat ng
pakiramdam ko ngayon.
Inayos ko ang sarili ko nang makita kong palapit na si Zade sa kotse. Bakas ang pag-aalangan sa lakad
nitong napahilamos pa nang sariling mukha.
Ilang ulit itong bumuntong hininga at mahinang nagmura nang makasakay na sa kotse.
“Kung ayaw mo pang umalis, okay lang. Kaya kong magtaxi pauwi.” pikang saad ko na ikinabaling ni Zade sa akin. Wala na ang malamig nitong tingin napalitan na ‘yon nang guilt. Ayaw ko na sanang magsalita pa pero sa nakita kong reaksyon ni Zade alam kong tama naglalaro sa utak ko.
Iniisip ni Zade na sinaktan ko ang bata kaya nagkapasa. Para iyong mga pinong karayom na tumusok sa dibdib ko. Alam na alam ko ang pakiramdam nang inaapi at minamaltrato kaya bakit ko gagawin sa walang kamuwang-muwang na bata. Muling nag-init ang sulok ng aking mata kaya napatingala na lang ako
para iwaksi ‘yon.
“Hindi naman ako bulag Zade Larzon. Mukhang pareho naman kayo ni Atasha na walang alam kundi ang isisi sa akin ang lahat ng bagay na hindi maganda. Why don’t you just stay here. O kung gusto mo patirahin mo na rin siya sa bahay mo.”
г
“Yuri!” Nabitin sa ere ang sasabihin nito nang balingan ko ito nang masamang tingin. Kita kong marahas na paglunok ni Zade, kaya lalo lang masakit sa akin ang mga bagay na naglalaro sa utak ko. “Paano mo nasasabi ang ganyang bagay?”
“Dahil halata naman Zade. Gusto mo bang sabihin ko pa kung anong inisip mo.” paghahamon ko dito na ikinaligalig nang mga mata nito. “What would you gain keeping me. S*x! I’m sure kayang kayang ibigay n Atasha ang hilig mo!” Sa inis ko ay bumaba na lang ako nang kotse.
Dahil pakiramdam ko gusto ko nang umiyak sa sobrang inis.
“Yuri!” sigaw na habol nitong pinaadar na ang kotse pero hindi na ako lumingon. Tuloy-tuloy na akong lumabas sa gate. Habang nagmamadali namang binuksan ng security ang gate para makalabas si Zade.
Claim
“ANO BANG nangyari?” takang tanörig ni Azra sa esposo nito nang marinig ang malakas na tawag ni Zade sa pangalan ng asawa nito. Kaya napalabas ito.
“Ano na namang problema nila?” Nailing na saad ni Zen sa asawa. Habang nakikita ang kotse ng anak nitong palabas ng gate at dinig ang malakas na pagtawag nito kay Yur
“Sa tingin ko marami silang dapat ayusin sa mga sarili nila, mahal.” Dagdag ni Azra saka kumapit na sa
braso nang asawa nito. “Halika na nga.”
Pero pagbalik nila sa loob ay ang malakas na iyak ni Baby Zen ang nagpamadali kay Azra palapit sa bata.
Mukhang gusto kasi itong kargahin ni Atasha.
“Huwag mong paiyakin ang bata, Atasha. Hindi mo siya mapipilit kung ayaw niya. He’s just a kid. Mas matigas pa ang ulo nila kaysa sa mga matatanda,” sita ni Azra dito.
“Bakit ho ba kasi ayaw sa akin ni Baby Zen, Tita. Ako ang Mommy niya. Pero mas tinatawag pa niyang
Mama si Yuri. It’s so unfair!” Tila batang maktol ni Atasha sa mga ito.
“Hindi kita kayang saguting sa bagay na ‘yan Atasha. Pero ang masasabi ko lang. Hindi kailan man naipipilit ang pagmamahal. You must have known that by now. Kung hindi ka nagdalawang isip noon, eh di
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)