116: Distance
Clau
NAGPASYA AKONG sumama pabalik sa bahay nila Papa Zen para ihatid si baby Zen. Labag man sa loob ko pero wala naman akong karapatang magsabi ng dapat at hindi dapat para sa bata Dahil ito naman pala ang gusto ni Zade.
Wala akong imik habang nasa biyahe kami. Itinuon ko lang kay Baby Zen ang atensyon ko na katabi ko sa backseat.
Kahapon pa rin naman ayaw nito akong kausapin kaya wala rin akong planong makipag-usap sa kanya. Kaya hanggang makarating kami sa tapat ng bahay nang magulang nito. Si baby Zen lang ang nag-iingay sa mga baby talk nitong walang katapusan.
Papasok pa lang ang kotse ni Zade sa garahe nang makaita ko ang taxi at umibis roon si Atasha. She had completely change he style. Iyon ang pansin ko. Mukhang ipinaalam kaagad ni Zade kay Atasha na pabalik na si Baby Zen.
“Welcome back apo,” ani papa Zen na kinuha na kay Zade ang bata. “Hindi n’yo isinama si Zayu?” anito ng hindi makita ang anak ko.
“Dadalaw raw kasi ho si Dad mamaya,” totoong sagot ko. Ang totoo gusto rin nitong makita si Baby Zen pero hindi ko na lang sinabi kay Zade ang bagay na ‘yon.
He was too eager to send baby Zen back to his parents kaya nanahimik na lang ako. Alam ko namang hindi lang dahil kila Mama Azra ang dahilan ni Zade,
Dahil iyon kay Atasha. Sigurado ako sa bagay na ‘yon. Hindi pa man ako nakaka-upo ay pumasok na rin si Atasha kulang na lang lumabas ang lahat ng ngipin nito sa lapad ng ngiti nitong lampas tainga.
“Salamat Zade, Yuri.” baling nito sa akin pero hindi nakaligtas sa mata ko ang titig nito. As if she was
saying ‘I told you so.’ kaya lihim kong nakagat ang dila ko para kalmahin ang sarili ko.
“It’s alright, nalulungkot rin sina Mommy na wala dito ang bata. But you are not allowed to take her
outside.” paalala dito ni Zade na halos ikaningning ng mata ni Atasha.
“Ayos lang sa akin, puwede ko ho ba siyang kargahin,” malambing na paki-usap nito kay Papa Zen. At tila
naman naramdaman ni Baby Zen na kukunin ito ng ina nito kaya mabilis itong yumapos sa leeg ng abuelo
nito.
“Atasha, huwag nating siyang pilitin. Dahil nandito naman na si Baby Zen, you can visit him often para
masanay siya sa’yo,” pigil ni Mama Azra dito.
“Talaga po Tita, salamat kung ganun.” masayang saad nitong binawi na ang kamay. May bahagi sa
pagkatao ko ang lihim na nagdidiwang na ayaw ni Baby Zen sa sarili nitong ina. Alam kong masama pero hindi ko lang mapigilan.
116 Distacer
Dahil nalibang na rin naman si baby Zen sa mga abuelo nito na mukhang namiss rin ng mga ito, kaya nagpaalam na rin kami. Pero nagulat ako nang magsalita si Atasha.
“Bakit may pasa ang braso ng anak ko?” Kaagad naman akong napahinto at napatingin dito. Kita kong nanlilisik nitong mata sa akin.
“Anong sinasabi mo Atasha?” ani Mama Azra na napalapit na rin sa batang naglalaro.
Claim
“Ito na nga bang sinasabi ko eh…” gigil na bulalas ni Atasha. Kung mamamatay lang ako sa titig nito malamang kanina pa ako nagpaalam sa mundo. “Sinaktan mo ba ang anak ko?” malakas ang boses na akusa nitong ikinagitla ni baby Zen kaya napaiyak ang bata na mabilis namang kinarga ulit ni Mama Azra para tumahan.
“Baliw ka talaga Atasha. Bakit ko sasaktan si Baby Zen.”
“Baka tumama lang kung saan. Atasha malikot ang mga bata.” Kalmadong saad naman ni Papa Zen na napalapit na rin sa bata para tingnan ang pasa umano nito. Ang blue birthmark pala sa ilalim nang braso ni
Baby Zen ang tinutukoy nito.
“Akala ko kung ano na.” relieve na saad ni Mama Azra.
“Sarili mong anak hindi mo alam na may birthmark siya?” Patuyang saad ko na ikinabaling sa akin ni Zade.
Sa unang tingin kasi mukha talagang pasa ‘yon. Iyon din ang naisip ko nang makita ko ‘yon noong unang
beses kong paliguan ang bata.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)