13: His Evil Side
“THIS IS FVCKING Crazy!” Bulyaw ni Zade sa pinsan nitong si Wendel Llanko ang head ng supplies department. “Anong klasing supplies ang kakailanganin para sa ganito kalaking halaga. One Million for a month? Ano to? Mag–franchised na ba tayo ng Office Supplies Store?”
“Oh… relax Zade di mo kailangang sumigaw,” napapakamot na saad ni Wendel na nagtataka sa mood ng boss at pinsan nito. “Bakit ka ba galit, baka nagkamali lang ng type ang assistant ko. Iniwan na lang daw kasi niya sa ibabaw ng file ni Javier ‘yan. I should have re–checked it. Hindi na mauulit.” Nagpapaunawang saad nito.
“Then you should fire your assistant! Hindi ko kailangan ng empleyadong palpak. Paano pala kung hindi ko nakita ‘yon. Eh di naglabas tayo ng malaking pera para lang sa office supplies.”
“Okay… It’s my fault.” Sumusukong saad nito. “Bakit ba ang init ng ulo mo? Pati mga empleyado pinag–uusapan ka? Ang sungit mo daw ngayon.”
“Kailangan ko bang maging mabait sa lahat ng oras, umalis ka na nga, lalo lang sumasakit ang ulo ko
sa’yo.” Taboy niya dito sabay turo sa pinto.
Wala namang nagawa si Wendel kundi ang tumalikod na lang dala ang fund request nito. Saglit na
nagdilim ang mata nito pero kaagad ring ngumiti ng makita si Javier sa may pinto.
“Buti nakakatagal ka sa boss mong talo pa ang babaing may regla,” sabi pa nitong naiiling. Pero nagkibit
balikat lang si Javier.
“Anong sabi no’n?” usig niya kay Javier ng makalapit na ito sa kanyang mesa.
“May regla ka raw,” baliwalang sagot nito sabay lapag ng dala nitong clip binder.
“Buwisit talaga iyon, wala pa bang balita kay Yuri?”
“Wala pa Sir, pero nakuha na raw iyong plate number ng taxi na sinakyan niya. So baka mamaya may
(* update na.”
“Update for what?” Kapwa sila napalingon sa babaing bigla na lang sumulpot. “Hi Honey,”
“Atasha, anong ginagawa mo dito?”
“Kainis ka kasi,” maktol nitong saad saka pasexing naglakad palapit sa kanya. Sabi ko puntahan mo ako pero bakit hindi ka dumating. I super miss you,” tila batang saad nito sabay yapos sa kanyang batok na ikinatawa naman ni Javier sabay iwas ng tingin ng balingan niya ito ng masamang tingin..
“Marami akong ginagawa kaya busy ako, Atasha,” aniya ditong pilit kinalma ang nagwawalang init ng ulo niya. Wala pa siyang maayos na tulog dahil kay Yuri.
Kung bakit kasi kahit ilang ulit niyang sabihin sa sariling mas mabuti na rin na umalis na si Yuri.
Natatagpuan niya ang sariling napipikon pa rin.
“should be the one to tell her to leave, iyon dapat kasi!” Giit ng utak niya.
“Galit ka ba, honey? takang tanong nito. Pero umiling na lang siya. “Magdinner tayo sa labas tonight, please.” nagpapacute na ungot Atasha. Kaya’t napabuntong hininga na lang siya.
“Next time na lang Atasha, wala pa akong maayos na tulog dahil sa I mean madami akong trabaho,” palusot niya na ikinatikhim ni Javier.
“Labas na ako Sir,” paalam nito na kaagad na ring tumalikod.
“Bakit ba parang ang moody mo, honey? I’m sure marerelax ka kapag lumabas tayo,” giit nito.
“Atasha, please understand,” aniyang pilit kinakalma ang sarili. Ayaw niyang mapikon sa kakulitan ni
Atasha.
r
“Bakit ka ba ganyan, Zade? Gusto lang naman kitang makasama. Buti pa si Yuri lagi ka niyang—-”
“Atasha, Yuri is my wife! Tumigil ka nga!” Pikang bulyaw niya dito na ikinalaki ng mata ni Atasha, sabay layo
sa kanya. Natampal na lang niya ang noo nang makita niyang pag–iyak nito.
“Your….your wife!” namumula ang mukhang saad nito. “Maghihiwalay na kayo diba! Ano ba talaga Zade,
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)