12: Paglaya?-2
Padilim na nang magpasaya akong umuwi. Umaasa akong nasa bahay na si Yuri pagdating ko. Pero katahimikan lang ang sumalubong sa akin nang puntahan ko ito sa kuwarto. “Lintek, nasaan ka bang babae ka?” Gigil kong tanong sa kawalan.
Muli akong bumaba. Nagulat pa si Aling Susan ng sumulpot ako sa kusina.
“Sir Naman!” Napahawak pa ito sa dibdib nito. “Bakit ho?”
“Hindi ba umuwi ngayon si Yuri?” Pigil ang galit na tanong ko dito.
“Ah e, ang sabi niya kanina may pupuntahan lang raw ho siya. Wala namang sinabi kung saan siya pupunta,” naiilang na paliwanag nito na ipinagtaka ko. Kaya matarpan kong tinitigan si Aling Susan.
“Magsabi kayo ng totoo?” usig ko dito.
“Eh… kasi sir, sabi ni Ma’am aalis na raw siya dito…”
“Ano!” malakas na bulyaw ko dala nang galit na bigla na lang bumangon sa dibdib ko. “That b*tch! Talagang— bakit hindi n’yo sinabi kanina?”
“Ah e kasi ho, hindi ko naman naisip na seryoso siya. Naisip ko lang dahil nag–away kayo kaya baka nagtatampo lang, dahil kay Miss Atasha.” Tarantang paliwanag ni Aling Susan.
Nahilot ko na lang ang batok ko dala ng labis na iritasyon. Kaya ba niya hindi sinasagot ang tawag ko?
“Tawagan mo siya…” utos ko kay Aling Susan.
“Sir?”
“Uulitin ko na naman ba, tawagan mo ang babaing ‘yon. Sabihin mo umuwi siya bago pa ako mainis.” Madiing utos ko dito.
Wala namang nagawa si Aling Susan kundi kunin ang phone nito. Lumapit pa ako para makita ko kung
tinatawagan nga nito si Yuri. Hindi naman nagtagal ay nagring ang phone ng kabilang linya.
“Lintek, bakit ako hindi ko siya makontact!” asar kong sambit.
“Baka blinack ka na Sir?” baliwalang sagot nito.
“Wuaa.. ako? Blinock niya ako? That wench!” Sikmat ko saka ko kinuha ang phone nito. Noon naman
sinagot ni Yuri ang tawag.
“Hello, Aling Susan?”
“Where the hell are you?” mataas ang boses na usig ko dito. Saglit na natigilan naman ang kabilang linya. “I said where the hell are you Yuri Ann!” Mas malakas na ulit ko pa dito. Isang marahas na paghinga ang
pinawalan nito.
“Wala ka nang paki–alam Zade kung nasaan man ako ngayon. Uuwi na lang ako kapag dumating na ang
parents mo. I had no reason to stay with you. Kung gusto mo, patirahin mo na rin si Atasha para hindi na tayo mahirapan kumbinsihin ang magulang na maghihiwalay na nga tayo.” walang ganang sagot nito na ikinaligalig nang pakiramdam ko.
“Yuri, hindi mo puweding gawin ‘to! Sinasabi ko sa’yo pagsisihan mo kapag nahanap kita.” Kuyom ang kamaong banta ko dito.
“Then I hope you won’t find me anymore Zade. Sana huwag na tayong magkita kahit kailan,” sagot nito kasunod ng beep tone nang phone.
渾
“Lintek ka talaga Yuri!” Iritadong ibinalik ko kay Aling Susan bago ko pa maispang ibalibang ang phone na hawak ko. Alam ko sa sarili kong hindi naman ako bayolenting tao, but damn! Yuri does pissed me off.
I want to strangle her beautiful neck- Wait, what?” Wha the hell am I thingking? “Shet!”
MALAKAS na palakpak mula kay Moira ang natangap ko ng maibaba ko ang phone ko. Nang sabihin ko kanina na nasa apartment na ako, bigla na lang itong sumulpot at may dala nang isang backpack para samahan ako.
“And the Award for Fierce Wife goes to….tan tadadan…” nagdrum beat pa ito sa ere. “Yuri Ann Montefalco. Bigyan ng jacket ‘yan!” masayang saad nito sabay palakpak. “Iba ka na ngayon Yuri. Tanda ko pa dati umiiyak ka na lang basta kapag hindi umuuwi ang bugok mong asawa. Nakakaproud ka friend.”
“Sa totoo lang hindi ko rin alam, kung bakit. Simula noong sabihin ko na gusto ko nang annulment para
akong biglang nakawala sa kumunoy.”
“Kasi akala mo si Zade na ang magliligtas sa’yo mula sa pamilya mong mga sira ulo. Ewan ko ba? Siguro
ampon ka talaga at tayo ang totoong magkapatid, sa tingin mo? Magpadna test kaya tayong dalawa,” seryosong suhesyon nito.
“Hindi na kailangan ng DNA test, dahil para sa akin ikaw ang kapatid at pamilya ko na pinangarap ko mula noong magkaisip ako. Ikaw ang kaibigan at pamilya ko, Moi.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)