107: Malayong Pag-asa-1
107: Malayong Pag-asa
“SIR NAGPAPATAWAG ang board nang immediate meeting,” napatingin ako kay Javier na nagmamadaling
pumasok sa opisina ni Zade. Inasahan na namin ni Zade ang bagay na ‘yon. Pero kinakabahan pa rin ako para dito. Wala kasing katiyakan kong maaring ipakita ang mga ebidensyang nakalap nito para lang
patunayan na walang kinalaman si Zade sa mga perang nawawala.
Natagpuan man ang taong nasa likod nang mga fund transfer gamit ang account ni Zade, wala namang
matibay na kasiguraduhan ‘yon. Lalo’t walang kaugnayan si Ericson sa Delamer’s Group.
Pero nag-aalala pa rin ako. Dahil tauhan ni Clarence si Eric. Kaya umaasa akong walang kinalaman si
Clarence sa problema ni Zade sa Delamer’s.
“Sige, wala na rin naman tayong pagpipilian. Bumaba ang stock value ng kompanya dahil sa issue. Malaki ang epekto nito sa reputasyon natin.” Sang-ayon ni Zade kaya napatayo rin ako na ikinabaling nito sa akin.
“Dito ka na lang, babalik rin ako kaagad,” pigil nito.
“Wala ba akong magagawa?” tanong ko dito. Naglakad naman palapit sa akin si Zade saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.
“Iyong nandito ka para sa akin. Sapat na ‘yon, Yuri.” pag-aassure nito. Kita ko namang tumalikod si Javier nang yumuko si Zade para halikan ako sa noo. “Wait for me, I’ll be back okay. Nasisiguro ko sa’yong maayos rin ‘to sa lalong madaling panahon,” wala akong nagawa kundi ang tumango na lang at sundan ng tanaw si Zade hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
Madali lang sanang maayos kong ang taong may kinalaman sa problema ay parte ng kompanya. Pero ang weird lang talaga nang sitwasyon at hindi ko alam kung paano tutulungan si Zade.
Pagkalipas nang ilang sandaling pag-iisip ay nagpasya akong tawagan si Clarence.
“Busy ka ba Clarence,” tanong ko dito nang sagutin nito ang tawag ko.
“Hindi na, katatapos lang nang meeting ko. Papunta ako ngayon sa hospital.”
“Ha? Bakit?” panic kong tanong dito. “May sakit ka ba?”
Mahina itong tumawa. “Wala may nangyari lang. Pero ano bang sadya mo? Inaapi ka na ba nang asaw mo dahil sa malaking issue niya ngayon, sabihin mo lang, babawin namin kayo ni Mia sa kanya.”
“Ikaw talaga, may itatanong lang sana ako. Saka sa tingin ko hindi na rin naman ako kayang apihin ni Zade ngayon.” nakakasigurong saad ko.
“Whatever! So spill it out, makikinig ako habang nasa kotse kami.”
“Kasi…” nahihiyang simula ko saka ko ipinaliwanang dito ang tungkol kay Eric na assistant ni Tita Daisy.
“Matagal nang kilala ni Tita Daisy si Eric. At ilang taon ko rin siyang nakasama. At bukod doon, anong
107 Malayen Pak Ira 1
kaugnayan niya sa Delamer’s Group para masali siya sa problema?” takang tanong ni Clarence.
“Kaya nagiging komplikado. Walang makuhang mas valid proof si Zade para malinis ang pangalan niya,” hindi ko maiwasang bumagsak ang balikat ko. Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Clarence sa kabilang
linya.
“Ganyan mo ba talaga kagusto ang taong ‘yan? Martin is way much better for you Yuri.”
Wala akong nagawang sabihin dito. Dahil nauunawaan ko naman ang punto ni Clarence.
“Fine.” anito pagkalipas ng ilang sandali. “Huwag kang mag-alala, kahit hindi ko gusto ang asawa mo. Tutulungan kita, hindi ko naman hahayaang mahirapan ka dahil lang pinili mo ang lalaking ‘yan. Magpapa-imbestiga ako, pero tandaan mong gagawin ko lang ito para sa n’yo ni Mia,” palala pa nito na ikinangiti ko.
NATAPOS NA ang tawag kaya kusa nang ibinaba ni Clarence ang phone niya. “Paanong nainvolve si Eric sa problema sa Delamer’s?” ani Oliver na siyang nagdadrive ngayon para kay Clarence. Nakaloudspeak
kasi ang phone niya habang kausap niya si Yuri.
“Hindi ko rin alam pero magpa-imbestiga ka para kay Yuri. Sinasabi ko na nga ba, problema lang ang ibibigay ng sira-ulong ‘yon sa kapatid ko.” Lintaya ko na ikina-iling rin ni Mister Oliver.
Thirty six pa lang naman si Mister Oliver at puwede ko itong tawaging kuya. Pero nakasanayan ko na iyon kaya ang hirap na ring baguhin. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa Hospital.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)