Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 196

106: Hindi Sigurado-2

“Pero bakit gagawin iyong ng tauhan ni Clarence,” ani Yuri na nakatitig sa mukha ko. Bakas ang kalituhan

sa mata nito. “Kahit naman ayaw sa’yo ni Clarence alam kong hindi niya magagawa ang ganyang bagay

Zade,” depensa nito sa kapatid.

“It’s fine, Yuri. Hindi rin tayo sigurado. Pero hindi ko ito magagamit para lang patunayan na wala akong kinalaman sa mga missing fund. Kailangan natin ng sapat na katibayan. Pero sana hindi ang kapatid mo…” sambit ko sa sarili ko. Kahit mukhang imposible kailangan ko pa ring mag-imbestiga sa lalong madaling

panahon.

NAALIMPUNGATAN si Jennie nang kumalabog ang base na nilagay niya sa ibabaw ng tokador na ihinarang niya sa pinto. Tuluyan na kasing nasira ang lock nang pinto ng kuwarto niya sa hindi niya malamang dahilan.

At kasunod ng pagkabasag nang base na lumikha nang ingay ay ang ang mamadaling yabag. Nahila ni Jennie ang kumot niya dala ng labis na takot.

2

Tama talaga ang pakiramdam niyang hindi siya magiging ligtas sa lugar na ‘yon.

“Ano bang ingay ‘yon?” dinig niya ang galit na boses ng kanyang among babae. Kaya kahit ayaw sana niya napilitan siyang tumayo nang katukin siya nito. Itinulak niya ang maliit na tokador. Saka binuksan ang

pinto.

“Ano ba ‘yon Jennie?” galit na asik nitong nakapamaywang pa.

“Si—sira na po kasi ang lock dito sa quarters Ma’am/Pati ang double lock wala na rin po kaya hinarangan ko ho ang pinto.” sumbong niya sa among babae at di maiwasang kagatin ang kanyang kuko dala ng kaba.

“At sino naman ang sisira ng pinto dito ha, ibabawas ko sa sahod mo ang base na ‘yan. Napakatonta!” asik ni Natasha saka tumalikod na.

Ilang gabi nang hindi nakakatulog nang maayos si Jennie dahil sa mga kaluskos at pagpipilit pumasok sa kanyang silid sa kalaliman nang gabi.

Kaya kailangan na niyang gumawa nang paraan. Kailangan na niyang tumakas. Muli niyang ibinalik ang tokador at inilagay naman ng dalawang bote sa ibabaw.

“Akala mo, maiisahan mo akong gurang ka,” piping usal niya. Alam ni Jennie na baka mas maging ligtas pa siya kapag nakaalis siya sa lugar na ‘yon. Kaya maingat ang kilos na inayos niya ang kanyang backpack. Tatlong araw na niyang pinaghihirapang sirain ang bakal na grills sa bintana ng quarters. Matindi kasi talaga ang siguridad sa bawat quarters kaya mahirap tumakas. Pero dahil sa kagustuhan ni Jennie na makatakas alam niyang magagawa niya. Maingat na inalis niya ang mga salaming jalousie. Bago Dahan dahang inalis ang tali na ipinalit niya para hindi mahulog ang grills na bakal.

Malakas ang kabog ng puso niya Kahit ilang araw na niyang pinag-aaralan ang paligid. Hindi pa rin maitago ang takot at kaba sa dibdib nito. Dahil alam niyang kapag nabigo siya ngayon gabi, baka katapusan na niya.

106 Hu Semade 2

Sa soma nang ugali ng mga tao sa loob ng bahay na ‘yon baka hindi siya buhayin ng babae.

Nakahinga siya saglit nang tuluyan siyang makalabas mula sa bintana. Kinapa niya sa bulsa ang perang pinag-ipunan niya mula sa pamamalengke niya. Lagi kasing nakabantay sa kanya ang driver ni Sir Gener na si Mang Tasyo kapag lalabas siya. At ito na rin ang nagsisilbing security ng mansion.

Pero ngayong araw ay day off nito kaya may pagkakataon na siya.

Maingat at hindi lumikha nang ingay ang bawat hakbang ni Jennie. Maging ang paghinga niya gusto na niyang pigilin. Hanggang sa makarating siya sa guard house. At mabilis na nagkubli siya doon. Mula sa bulsa ng kanyang backpack kinuha niya ang bote ng mantikang itinago niya. Lumilikha kasi nang ingay ang gate na bakal kapag binubuksan ‘yon.

Ilang araw na niyang pasimpling nilalagyan ng langis iyon para hindi lang umingit ng malakas. At ngayon nga ang malaking bakal na ang sisilbing lock ng mansion ang kailangan niyang galawin para makalabas. Maingay na rin kasi ‘yon kapag hinihila. Wala namang padlock ‘yon pero laging nakasabit at sarado.

Sa taas ng bakod at gate walang maglalakas loob na umakyat doon dahil maliwanag ang daan sa labas. Hindi katulad sa probinsya na madilim ang mga streetlights. Nagpalipas lang siya nang ilang sandali bago maingat na ginalaw ang bakal para buksan ang gate. Pumikit pa siya at huminga nang malalim at sa isang mabilis na paghila nabuksan niya ang gate. Subalit lumikha pa rin iyon ng ingay kaya tarantang napatakbo

siya palabas.

May narinig siyang sigaw ng kung sino pero walang planong huminto si Jennie. “Nanay, tulungan mo ako.” taimtim niyang dasal at walang habas na tumakbo sa mahabang kalsadang tanging matataas na bakod lang ang kanyang nakikita.

Subalit sa mabilis na pagtakbo ni Jennie dala nang labis na takot, isang kotse ang bigla na lang sumulpot mula kung saan. At kung hindi nakapagpreno ang driver ay malamang nabanga na siya.

“What the hell are you doing!” Ang galit na sigaw nang lalaking alam niyang matangkad, kahit na sisilaw siya sa liwanang nang ilaw ng kotse. At may kung anong ideya ang pumasok sa utak niya. Bago pa makalapit sa kanya ang lalaki ay mabilis siyang nagtungo sa passenger seat at binuksan ‘yon. Hindi na siya nag-isip. Sumakay siya sa kotse at isinara ‘yon.

“Sir, iligtas n’yo ako please….” samo niya sa naninginig na boses at mula sa salamin kita niya si Gener na nasundan pala siya. Kaya dumausdos siya para magtago. “Parang awa mo na Sir,” umiiyak na samo niya sa lalaking mukhang naguguluhan sa ginagawa niya. “Paki-usap tulungan n’yo akong makaalis dito.”

14

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)