105: Tagumpay–2
“Wow! Game ako, anong gagawin ko?” excited na napatuwid nang upo si Wendel. Kulang na lang magningning ang mata nito sa nalaman.
“Kailangan mong lapitan ang babaing ‘yan,” anitong itinulak nang daliri nito ang nakataub na larawan sa gitna nang salaming mesa.
Walang pagdadalawang isip namang kinuha ni Wendel ang larawan para lang makilala ang babaing sinasabi nito.
“Ang baliw na ‘to? Anong mapapala natin sa kanya.”
“Pumalpak siyang pag–awayin ang mag–asawa kaya tutulungan mo siyang magtagumpay. At kailangan mong alamin kung sino ang abogadong may hawak sa mga dokumento na may kinalaman sa pagsasalin nang authority kay Yuri Ann. Halos mabankrupt na ang kompanya pero walang abogadong kumikilos kaya hanggang ngayon hindi pa nakukuha nang amo ko ang kompanya. Iyon ang magiging trabaho mo. Doble nang kaubuhang pera sa ng embezzled fund ang bayad sayo.”
“Putang….seryoso ka ba?”
“Kailan ba ako nagsinungaling sa’yo, Wendel?”
“Si—sige, gagawin ko ang lahat.” Excited nitong saad, parang liwanag sa umaga ang nakikita ni Wendel dahil sa malaking halagang alam nitong makukuha nito sa lalong madaling panahon. Wala na siyang paki–alam kung anong gusto ng iba. All he wanted was his money.
Kung paano siya magsisimula hindi pa siya sigurado.
“DAD, NAKAYUKONG sambit ni Zade sa ama nitong si Zen. Alam niyang kailangan niyang
humingi nang paumanhin dito. “Patawad kong nabigo ko kayo.”
“Ano bang sinasabi mo, Zade Larzon?” seryosong saad nito. Saka nagsalin ng alak sa baso at inabot kay Zade “Uminum ka. Hanggang kailan mo planong maging mahina Zade. Anak kita hindi man sa paraang alam ng lahat pero para sa akin, ikaw ang anak na pinangarap ko. Kaya hindi ako nagsisising mas pinili ko kayo nang Mommy mo. And we can’t change that anymore, right? Kaya bakit ka ba natatakot na madis appoint ako, anak?” nakangiting saad nitong ikinatitig ko dito
Walang bakas ng galit, pero naroon ang simpatya at awa para sa akin.
“Dad,” mahinang sambit niya
“Yes, I’m your father, at bilang anak ko dapat mong ayusin ang responsibilidad na hawak mo
105 Tagumpay 2
Claim
ngayon. Walang sinumang makakakuha sa’yo nang Delamers kaya wala kang dapat ikatakot.”
“Nahihiya lang akong hindi kita kayang bigyan ng karangalan. You worked hard for Delamer’s pero itong nangyayari ngayon—” kuyom ang kamaong saad nito.
“I did, pero mas malaki ang inasenso ng kompanya mula nang ikaw na ang CEO. Umayos ka nga. Ang isang magulang, hindi kailan mang maghahangad ng karangalan na hindi kayang ibigay ng kanyang anak. Lalo na kung galing sa’yo. You been too obedient to us mula nang malaman mong hindi ako ang totoong Daddy mo. Kaya nalulungkot ako sa totoo lang. Hindi ko naranasang magalit sa’yo dahil lahat ng sasabihin ko gagawin mo. Even that time we forced you to marry Yuri, hindi ba? Pero on the other side mas tama na ring naging masunurin ka sa pagkakataong ‘yon. I’m glad you did.”
“Ito, nag–iinum kayong dalawa walang pulutan,” anang kanyang ina dala ang mga prutas na hiniwa nito. “Ang pogi mo sa screen anak,” proud nitong saad.
“Mom!”
“Totoo naman, kaya hindi ko alam kung bakit hindi mo na lang sinupalpal at pinalabas na tsismiss ang sinabi ng reporter na ‘yon. Kahit naman i–padna test tayo magpo–possitive pa rin dahil kapatid ko ang Papa mo. Kaya bakit ka masyadong nag–alala, hindi ba honey?”
“Tama ang daddy mo anak, ni minsan ba naramdaman mong hindi anak ang turing niya sa’yo? Kahit nabuhay ang anak namin noon alam kong hindi magbabago ang Daddy mo sa’yo.” anang nito sa kanya.
Nagkaroon kasi nang dalawang ulit na miscarriage ang ina niya noong nasa sampu at labing dalawang taong gulang na siya. Kaya hindi na siya nagkaroon ng kapatid.
“Pero si baby Zayu kailan namin puweding makita?” pag–iiba nito ng paksa. “gusto sana naming pumunta kaso paano si baby Zen. Hindi ba magagalit ang asawa mo kung isasama
namin siya?” anang kanyang ina
“Hindi ko puweding pilitin si Yuri Mom, alam mo naman ang dinanas siya sa dating pamilya niya ”
“lyon nga ang inaalala namin, sana naman isang araw magawang tangapin ni Yuri si baby Zen. Para naman puwede naming makasama ang dalawang bata nang walang inaalala.”
“Huwag tayong magmadali. Hindi naman masamang babae si Yuri. Siguradong matatangap niya si baby Zen isang araw,” kumpiyansang saad ng ang aking ama.
“Siya nga pala, Dad. May gusto rin akong ihingi ng permiso? Ayos lang ba kung tatangalin ko si Wendel sa kompanya, tungkol kasi sa mga pondo ng supplies.”
105 Tagumpay 2
Claim
“Ikaw ang CEO bakit ako ang tinatanong mo. Gawin mo ang nararapat para sa nakakarami. Tandaan mong reputasyon ng Delamer’s ang pangalawa sa pinakamahalaga sa lahat para sa atin.” paalala pa nito.
“Pero hindi siya puweding magtanggal ng tao ngayon dahil may issue pa sa pera. lisipin ng lahat na baka gumagawa lang ng ibang dahilan ang anak natin.”
“Alam ko ‘yon Mom, patutunayan ko munang wala akong kinalaman sa mga perang ‘yon.” Magsasalita pa sana ako nang magring ang phone ko na nagpa–angat nang ng puwet ko sa upuan ng makita ko ang unknow number. Kaya agad kong sinagot ang tawag.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)