74: Zade in Trouble–1
74: Zade in Trouble
“SIR, BAKIT hindi ipinaalam sa amin ang sitwasyon,” anang galit na tinig ni Mr. Cordova. Isa sa mga shareholders nang Delamer’s.
“Tama, hindi puweding hindi ipinapaalam sa amin na nagkakaproblema ang kompanya. A hundred million is not just a small matter, Sir.” sang–ayon ni Mr. Arsenal kaya nagsitanguan
rin ang ibang naroon sa meeting room.
Biglaan ang naging meeting na ‘yon. I was keeping the issue for the time being para maka–iwas sa speculation at pagdududa. Pero hindi ko alam kung paano nakarating sa mga shareholders ang issue.
“Hindi dahil hindi namin sinasabi, hindi n’yo na malalaman, I have team checking on this matter. Alam kong hindi biro ang halaga na nawawala, pero alam kong kaya kong maayos ang problema sa lalong madaling panahon.” Formal kong paliwanag sa mga ito. “Kaya nakapagtatakang kumalat na sa buong kompanya ang issue.”
“Paano mo gagawan ng solution ang bagay na ito kung kayo kayo lang ang nakaka–alam? Hindi tamang hindi napagkakatiwalaan ang credibility ng CEO, hindi ba.” seryosong sabat ni Mr. Romulo ang isa sa pinakamalaking shareholder ng Delamers. Ito rin ang tumatayong vice chairman ng board of directors.
“Sir, ginagawa ko ang makakaya ko, para maayos ang problema. I want to keep this for the time being para hindi na rin kayo mag–aalala. Kaya hindi ko alam kung sino sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ang may lakas ng loob na suwayin ang utos ko.” Seryosong saad ko na ikinatahimik ng mga naroon.
“Alam ko ang legalities ko sa kompanya. But rest assure. I will find the missing fund at ang sino mang involve sa issue na ‘to ay dapat maparusahan. And I’ll take full responsibility on this concern. Kaya kung sino man sa n’yo ang nagpakalat nang balita. Make sure to read the revise contract for investment policy ng Delamers.” kalmadong saad kong hindi ko mapigilang mag–init ang ulo ko sa mga kaharap ko.
Pagtayo ko ay sumunod na rin si Javier na abala sa pagrerecord ng minutes ng meeting.
“Magpatawag ka nang meeting ka sa team ni Wendel. I want them in my office after lunch. Mga sira ulong ‘yon,” pikang monologue ko kay Javier. Kita kong tila may gustong sabihin si Javier pero nagbago rin ang isip. Kaya mabilis na akong naglakad patungo sa lift.
Napatingin pa ako sa relos ko para makita kong late na rin. Baka hindi pa kumain si Yuri. Kaya nagmadali na akong naglakad pagkabukas ng lift sa top floor. Para lang salubungin
<74 Zade in Trouble–1
ako nang katahimikan.
“What the hell? Wala si Yuri,” baling ko kay Javier na napakunot noo naman. Pansin kong masyado itong tahimik nitong nagdaang araw.
“Sabay tayong umalis Sir,” anitong may kinuha sa drawer nito.
Claim
“Hindi ba siya marunong magpaalam,” reklamo ko sabay hagilap ng phone ko. Doon ko lang nakitang may message ito kaya medyo kumalma naman ako. “Sa labas na tayo kumain, kasama raw niya si Moira.”
Kita kong nalungkot ang mukha ni Javier.
“Hoy, problema mo ba?”
“Wala Sir, ang hirap pala nang ganito.” Mahinang saad nito. “Nauunawaan ko na kung bakit ka nababaliw sa kakahanap sa asawa mo dati. Pero diba mali naman na ipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw sa’yo at iba naman talaga ang gusto.”
“Ibahin mo ako Javier, ayawan man ako ng asawa ko wala na siyang magagawa. Alam mo ‘yan.” Kompiyansang saad ko dito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)