Claim
73: Kakaiba–2
Habang nagkikislapan ang mata nitong nakatitig sa akin.
“Magtrabaho na tayo Yuri, nawala na ang sakit ng balikat ko.” anito pang hinila ako para makatayo ako. At dahil para akong nawawala sa katinuan ko dahil sa ginawa ni Zade muntik pa akong mapayapos dito nang tuluyan akong makatayo.
“Ikatlong pontos ko pa lang ‘yan,” anitong kusa na ring lumayo sa akin. Naiwan akong gulat at muling napa–upo sa gilid nang kama.
Kulang na lang kasi mapatid ang paghinga ko sa ginawa ni Zade. Kamay ko lang ang hinalikan niya pero parang lahat ng dugo ko nagising dahil doon.
“No! Stop it Yuri. Huwag kang tanga, hindi ikaw ang mahal ni Zade. Si Atasha ang gusto niya,” naiiling na sermon ko sa sarili ko.
Kinabukasan.
“Ano na girl,” ani Moira sa akin. Tinawagan ako nito para sabihing magkita kami sa coffee shop malapit sa opisina. Dahil nasa meeting naman si Zade at gutom na rin ako kaya lumabas na ako. “Kumusta ang back home again,” nakangising tanong nito.
“Huwag mo nang itanong, naiinis lang ako. Alam mo Moi, hindi ko talaga maintindihan kong bakit ipinipilit pa rin niyang mag–asawa kami. I just don’t get it. Puwede niyang kumbinsihin sina Mama Azra na payagan na ang annulment. Alam ko namang sila ang dahilan kaya ginagawa ni Zade ang mga ‘to ngayon.”
“Naku naman girl, baka mali ka, obvious naman na inlove sa’yo ang asawa mo.”
Muntik na akong masamid sa deklarasyon ni Moira. “Sira ka ba? Si Atasha ang mahal ni Zade, Moi. He clearly told me that. Ayaw lang niyang ma–disappoint ang parents niya. Ganun kasi si Zade,” giit ko dito.
“Ganun mo ba talaga kakilala ang asawa mo?” Nanantiya ang tinging ibinigay nito sa akin.
“Oo naman, sa tatlong taong nakasama ko si Zade. Lagi siyang nakikinig sa parents niya. At— madalas niyang igiit na hindi niya ako puweding mahalin.” lihim na dagdag ko na lang sabay iling.
“Alam mo girl, bukasan mo muna kaya ang mga mata mo. Your husband is in love with you. Hindi ko nga lang alam kung alam niya,” anitong tumawa pa. “Kaya lang ang problema, mukhang depress si Martin. Noong isang gabi nakita namin siya sa bar nag–iinum mag–isa. Kawawa. Gusto ko ngang ihanap na lang nang love life.”
73 Kakaiba–2
Claim
Naguilty naman tuloy ako dahil sa sinabi ni Moira. Naging napakabuti sa akin ni Martin noon. At maging ang ina nito mabait rin sa amin ni Zayu. Pero alam kong hindi ako karapat–dapat para kay Martin.
“Sino ba kasi iyong babaing mahal niya noon pa, baka kilala mo para naman mahanap natin.”
“Hindi naman niya sinasabi eh. Kaya hindi ko rin maintindihan si Martin. Pareho lang sila ni Zade. May ibang babaing gusto pero bakit ako ang kinukulit nila?” Matamlay kong tanong kay Moira. “Nangako ako sa sarili kong hindi na ako magmamahal sa taong may iba nang gusto. Kaya pagkatapos talaga nito. Aalis na lang kami ng anak ko.”
“Grabe ka ha, iiwan mo talaga ako,” napasimangot na maktol ni Moira. “Wala nang ngang nagmamahal sa akin eh.”
“Mahal ka kaya ni Clarence, may Javier pa. Sa haba nang buhok mo ngayon natatakot na akong baka matapakan ko,” pagbibirong saad ko dito.
“Kung alam mo lang. Saka wala na akong paki–alam sa walang hiyang kapatid mong ‘yon!” Inis na saad nito pero halata namang nasaktan sa sariling sinabi.
“Kay Martin naawa ka pero kay Clarence hindi,” usig ko dito, na lalong ikinasira nang mukha
nito.
“Okay na nga sana girl, pikang saad ni Moira. Pero nalaman ko na aside sa indifference namin ni Clarence. Nagkaroon siya nang ibang babae kahit kami pa noon,” naglamlam ang mata nitong tila naiiyak kaya napatingala na lang.
“Ano?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)