68: Back Home–2
“Batang ‘to. Wala kang kasalanan. Ang tanging kasalanan mo lang ay napunta ka sa mga taong tulad nila Ma’am Atasha.” Basag ang boses na saad nito saka pinahid ang luha sa pisngi ko.
“Teka paano po pala kayo napunta dito?”
“Kasi—”
“Ni refer siya nang agency sa akin. Nalaman kong dati siyang nagtatrabaho sa mga Montefalco kaya tinangap ko siya.” salo ni Zade na ikinagkunot noo ni Manang Elisa. “Hindi ko ba manang?”
“Ay–ay oho Sir.” Napapatango pang sang–ayon nito.
“Pumasok na tayo sa loob,” anito pang kaagad na rin kaming sumunod.
“Iyong gamit n’yo pala Ma’am nasa kuwarto na sa itaas.” Imporma sa akin ni Aling Susan.
“Umakyat ka na muna Yuri. Manang magpahatid na lang kayo kay Ivan sa bahay nila Dad.” Baling nito kay Manang Elisa. Noon ko napansing ang maliit na maleta sa may pinto.
“Aalis po kayo?”
“Pansamantala lang, wala pa kasi ang Yaya ni baby Zen kaya si Manang Elisa muna ang nag–aasikaso sa bata. Babalik rin siya sa susunod na linggo.” Pag–aassure sa akin ni Zade kaya napatango na lang rin ako.
“Hinintay lang talaga kitang makabalik, hija. Sige na. Magpahinga ka na muna. Magkita ulit tayo sa susunod,” anitong nagpaalam na at niyakap pa ulit ako.
Masaya akong kahit paano nagkita na rin ulit kami ni Manang Elisa.
“Ahmm..” agaw atensyon ko kay Zade na pasunod kay Manang Elisa. “Maayos ba ang naging buhay niya?” hindi ko napigilang tanong dito ng hindi ko na makita si Manang. Kita kong paglambot ng ekpresyon ni Zade na kaagad rin naman nagbago.
“Oo.” Tipid na sagot nitong nagpaluwag sa paghinga ko.
“Salamat kung ganun.” nasabi ko. Muli itong napatitig sa akin. Subalit mabilis na ako nitong
tinalikuran.
Nagpasya akong umakyat na lang muna para magpahinga na rin sa dating silid ko sa second floor. Kaagad na akong nagtungo sa dating silid na ginagamit ko. Subalit natigilan ako nang
Back Home 2
hindi ko mabuksan ang pinto. “Bakit naka–lock?”
“Ma’am Yuri, nasa kuwarto ho ni sir Zade ang mga gamit mo. Sabi ni Javier doon daw ipinalalagay ang gamit mo ni Sir.”
Claim
“Ano?” gulat na tanong ko dito. “Nagpapatawa ba siya?” asar na sambit ko. Tatlong taon akong nakatira dito bilang asawa ni Zade pero hindi ako natutulog sa kuwarto nito. Dahil ayaw niya. Kaya bakit? “Pabuksan na lang po itong dating room ko. Ako nang maglilipat ng gamit ko,” paki–usap ko dito. Iniwan kong nagkakamot si Aling Susan. Saka ako dumiretso sa kuwarto ni Zade para kunin ang maliit kong maleta.
Kaagad ko namang nakita iyon kaya kinuha ko. Buti na lang hindi pa nailalagay sa closet. Palabas na ako nang makasalubong ko sa may pinto si Zade.
“Anong ginagawa mo?” salubong ang kilay na tanong ni Zade sa akin habang nakatitig sa maletang hila ko. Kaya tinaasan ko ito ng tingin.
“Doon ako sa dati kong silid,” saad ko dito pero hindi ito umalis sa may pinto. “Lalabas ako.”
“Dito ka matutulog mula ngayon,”
“Excuse me!” hindi ko napigilan ang pagtaas ang boses ko. “Zade Larzon Dela Merced. Tatlong taon akong tumira dito bilang asawa mo pero never akong natulog ng magdamag sa kuwarto mo. Ngayon pa kayang empleyado mo—”
“Mag–asawa pa rin tayo, Yuri. Saka paano mo ako maalagaan kung sa kabilang kuwarto ka.” Walang kangiti–ngiting tanong nito.
“Una, hindi ka baldado para bantayan ko ang 24/7. Ikalawa hindi magandang tingnan na magkasama tayo—”
“Dahil ba kay Martin?” matiim nitong usig na ikinagitla ko. Paano naman napasok si Martin sa usapan. “Sabihin mo nga Yuri, ano ba talagang relasyon n’yo ni Martin?” Nagdilim ang anyo nitong sinalubong ang titig ko.
“Ano naman sa’yo, kung may relasyon kami ni Martin. Wala siyang kinalaman dito.”
“Mag–asawa pa rin tayo at kasal pa rin—”
Hindi ko maiwasang matawa nang pagak dito. “Kasal, kasal lang tayo sa papel Zade. Because for your reason I don’t even understand. Why do you keep clinging on that piece of paper. Hindi lang sa papel ang salitang asawa. At iyon ang wala sa atin. Besides, para kuwestsyonin mo pa ako tungkol kay Martin? Nakakalimutan mo bang may anak na kayo ni Atasha? Sapat na grounds na para mapawalang bisa ang kasal natin.”
“Stop saying impossible things, Yuri. Mananatili tayong kasal. At hindi na magbabago ‘yon.
Back Home ?
Claim
Hindi mo kailangang kilalanin si baby Zen. My parents will take care of him. Matagal na rin naman nilang gustong magka–apo.” seryoso pa ring sagot nito sabay buntong hininga.
“Sa loob ng tatlong buwan, magiging mag–asawa tayo at—dito ka mananatili sa silid ko!” May autoridad na dagdag pa nito. Siguro kong ako ang dating Yuri na basta na lang susunod sa sinabi ni Zade. Baka sakali pa.
Pero hindi.
Matatag na sinalubong ko ang titig nito. Kita kong natigilan si Zade.
” Ipapaalala ko rin lang sa’yo. Hindi ako bumalik sa bahay mo para maging asawa mo, Zade. I came because I had no choice. Pero hindi ibig sabihin wala na rin akong choice na umalis kapag ipinilit mo ang gusto mo.” Matatag kong saad dito na ikinabagsak ng balikat nito. “I will never sleep, or wish to sleep with you ever again.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)