Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 98

53: The Kid1

53: The Kid

NAKU SIR, ito ba ang anak ni Miss Atasha?ani ni Aling Susan ng makarating kami sa bahay. Kinuha ko ang bata sa mansion ng mga Saavedra. Mukhang alam naman ng Yaya nito na ako ang ama nang bata. Dahil wala ring kahit na sino ang tumutol.

Nauunawan ko naman dahil hindi isang Saavedra ang bata. Pero napakabata pa nito para makaranas ng rejection. Kaya hindi ko maiwasang maawa dito. Pilit kong kinakapa sa sarili ko ang sinasabi nilang lukso ng dugo pero hindi ko mahanap sa puso ko ang ganung pakiramdam. Pero magaan naman ang pakiramdam ko dito. His a cute little baby anyway. Napakaamo nitong tingnan habang tulog na tulog sa stroller nito.

Ayon sa DNA test anak ko ang bata. Sa US ginawa ang paternity test kaya alam kong mapagkakatiwalaan ang tauhang binayaran ko para doon.

Ang guwapo naman ang batang to.puri ni Aling Elisa. Dahil naawa ako sa kalagayan nito nagpasya akong bigyan na rin ito ng trabaho pati na ang asawa nito.

Oo nga eh at mukhang masayahin.Napatingin ako sa dalawang ginang na nakatitig sa bata na nasa stroller. Ayos lang ho ba kung kayo na munang magalaga sa kanya. Wala akong alam sa bata, pero sa tingin ko kasi mas safe siya kung nandito sa akin si Zen.

Ay sige Sir, at ito namang si Susan akala ata eh senyorita ako dito. Ayaw akong patulungin sa gawain niya,nakatawang saad ni Manang Elisa.

Naku Ate, ikaw ang tagapagalaga ni Ma’m Yuri noon, kaya gusto kitang maging komportable. Saka kaya ko pa naman ang gawain sa kusina. May mga on call naman na tagalinis ng bahay kaya magrelax ka lang. Pero dahil may munting prinsipe na tayo tama nang relax mo.lintaya nitong tumawa pa.

Ayos lang sa akin. Nakakamiss din magalaga ng bata.

Pansamantala lang ho, kukuha pa rin ako ng magiging Yaya ni Zen Larzon. Baka mahirapan na kayong habulin siya kapag naglalakad na siya.

Zen? Aba kapangalan pala siya ni sir Zen ano. Tiyak matutuwa si Sir pagkauwi nila.

Uuwi na rin naman sila next week.ani ko.

Sige ayusin ko na iyong isang kuwarto, para makapahinga na ang bata,presenta ni Aling Susan na kaagad na ring kumilos.

Maya maya pa ay dumating naman si Javier. Dala ang mga pinabili ko dito.

CAR

Mali naman iyong mga pinabili mo sir, buti may magandang babae na tumulong sa akin. Nakangising kuwento nito. Nahawa rin ako sa ngiti ni Javier na excited na nilapitan ang bata. Ang cute naman nitong bubwit na to.ani Javier na nilarularo na ang kamay ng bata.

Naging abala ang mga ito kay Zen, habang ako naman ay tumayo para kontakin si Gaston Saavedra.

Hindi ko alam kung anong nangyari na naging si Yuri ang totoong anak ni Gaston Saavedra. Pero isa lang ang malinaw sa akin ngayon. Kailangan kong lapitan si Gaston para makalapit ako sa asawa ko. I’ll set things right.

Nakailang ring bago ito sumagot.

Hello,” anang malalim na tinig sa kabilang linya.

AhmmSir,magalang na bati ko dito. Nainis akong bigla na lang parang gustong umurong ang dila ko. Kaya tumikhim ako. Kung puwede ho sana payagan n’yo akong makausap ang asawa ko kasi

Katahimikan.

Sabihin mo nga, Dela Merced. Ano pang dahilan para habulin mo ang anak ko? Annulment na lang naman ang kulang sa n’yo at opisyal na kayong hiwalay pagkatapos. Bukod ro’n may anak ka kay Atasha

Alam ko hong komplikado na ang sitwasyon dahil sa bata. At wala akong tamang dahilan, but I still want my wife back, Sir!Matiim kong saad dito.

Yes that’s all I want. I want Yuri back to me. I want her and no one else. Hindi ko kailangan ng ibang dahilan para gustuhin kong bumalik sa akin ang asawa ko.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)