48: Walang Dahilan
48: Walang Dahilan
“NO!” Mabilis na humarang ako sa daraanan ni Yuri.
“Puwede ba—-” umangat ang kamay ko para pigilan ang pagsasalita ni Clarence na nakaalalay sa tabi ni Yuri na akala mo bodyguard nito.
“Sandali lang naman, Yuri—let’s talk.” Kita ko ang hesitasyon sa mata nito. Kaya labis na panic ang umaataki sa akin. “Limang minuto lang…” I said almost begging. “please.”
“Dela Merced, ibang klase ka rin, ano. Matapos mong baliwalain iyong tao, ngayon nanghihingi ka pa nang oras—”
“Can’t you shut up! She’s still my—”
“She has nothing to do with you Dela Merced!” Ganting bulway sa akin ni Clarence. Umagaw na kami ng atensyon sa mga naroon pero wala akong pakialam. Dapat kong maka–usap si Yuri asawa ko pa rin siya.
“Kakausapin mo pa ba ang ex mo?” tanong ni Clarence dito. Gumuhit ang pait sa dibdib ko ng kumapit ito sa braso ni Clarence.
“Wala na kaming dahilan para mag–usap pa,” sagot nitong ikinatigalgal ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon.
Walang dahilan? Kasal pa rin kami kaya bakit walang dahilan.
Yes it was my fault, everything was my fault. Kaya nga rin siguro hindi ko magawang matahimik. Ang gusto ko lang naman maging maayos ang lahat. Para— “Para malinis ang konsensya mo.” sabat ng utak ko.
“So paano ba yan. Labag sa batas ang pilitin mo ang isang taong ayaw sa’yo. Excuse us,
then.”
Wala akong nagawa nang tuluyang tumalikod ang mga ito. Pakiramdam ko nasaid ang natitirang lakas sa katawan ko at mas naging mabigat pa ang balikat ko.
“Sir, umalis na tayo,” yakag sa akin ni Javier. Para akong walang sariling utak na sumunod dito. Para lang mapahinto.
“No! Kailangan kong maka–usap si Yuri,” mabilis kong tinabig ang kamay ni Javier. At sa kabila nang bigat ng mga hakbang ko. Nagawa kong sundan sina Yuri. Mabilis ang pintig ng pulso ko. Nanghihina ang pakiramdam ko pero gusto ko talagang maka–usap si Yuri.
45 Walang Dahilan
Chap
Sige sabihin na nating konsensya ang dahilan. Guilt. Pero kapag hinayaan ko ito baka lalong mawalan na ako nang pagkakataon.
“Yuri! Sandali!”
Sakabilang banda. Napailing si Javier na sinundan ng tingin ang amo. “Baliw na nga siya pero ayaw pa niyang umamin.”
“Ano na naman ba Dela Merced!” asik ni Clarence para pigilan ako sa paglapit. Pero hindi ko na ito binalingan pa.
“Yuri, mag–usap lang tayo saglit—may gusto lang akong sabihin,” samo ko dito. Bakas sa mukha nito ang pagdadalawang isip kaya lalo akong nagpapanic. “Just…. just a few minutes please… may sasabihin lang ako.” samo ko dito.
“Hindi ka ba maka–intindi.” Pikang singhal sa akin ni Clarence.
Dama ko ang pagtaas ng tensyon sa katawan ko habang nakatitig ako sa nag–aalinlangang tingin ni Yuri sa akin.
“No.” sagot nitong tuluyan nang sumakay sa kotse.
“Hindi ka naman siguro bingi diba. Leave her alone! At huwag kang lalapit kahit kailan,” matiim na banta ni Clarence.
“Lintek, ano ka ba nang asawa ko ha!” usig ko dito, pero patuyang ngumisi lang si Clarence. Kulang na lang sabihin nitong wala akong paki–alam.
“GIRL SURE kang ayaw mo siyang kausapin?” tanong ni Moira nang tumatakbo na ang sasakyan. Kita ko pa mula sa side mirror ang nakatayo pa ring si Zade hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ko. “Mas mabuting hindi na. Ano pang dahilan.”
“Si Zayu,” sabat nitong makahulungang tumitig sa akin na ipinagtaka ko. Noon madalas sabihin ni Moira na kalimutan ko na si Zade at bigyan ng chance si Martin. Pero nagbago
iyon bigla.
“Moira, walang karapatan si Zade na makilala si Mia. I’ll make sure na hindi niya malalamang anak niya ang bata,” madiing saad ni Clarence.
“Kaya ayaw ko na sa’yo eh.” Paismid na singhal nito kay Clarence.
“Bakit ba lagi kayong nag–aaway lately ha?” saway ko sa mga ito.
“Eh paano kasi masama ang ugali niya. Akala ko pa naman perfect husband material. Alam
AR Walang Dahilan
Clam
mo hindi talaga tayo dapat nakabase sa mukha at status ng isang lalaki,” paisimid nitong sagot.
“Ikaw ang hindi makaintindi kaya tayo hindi nagkakasundo. Don’t mind her Yuri.” baliwalang saad ni Clarence na sumulyap pa sa rearview mirror at asar na umiling.
“SIR OKAY KA lang ba?” usisa ni Javier nang nasa kotse na kami.
“Hindi! Ano ba kasi ang relasyon nila ng Clarence na ‘yon. Nakakabuwisit! Talo pa niya ang bodyguard kong makapagbantay kay Yuri. His fvcking annoying!” Iritadong lintaya ko.
“Baka siya rin ang tinutukoy na asawa ni Ma’am Yuri no’ng lalaki, napagkamalan siguro. Hindi naman sila mukhang romantically connected. Sa tingin ko mas bagay silang magkapatid. At pinoprotektahan lang ni Mr. Saavedra si Ma’am Yuri laban sa’yo.”
“Gusto ko lang siyang maka–usap, at malinawan ako—” I paused. I wanted to see her. lyon ang gusto kong idagdag. Dahil kanina gusto ko nang takbuhin si Yuri at yakapin ito. At mag–apologize sa lahat ng kasalanan ko. Dahil hindi ko ito nakilala kaagad. Pero sinarili ko na lang ang lahat ng ‘yon.
lyong makita ko siyang masaya at nakangiti. Pakiramdam ko wala akong karapatang humiling ng kahit ilang minuto ng oras ni Yuri.
“Lintek!”
Napapailing si Javier sa nakikitang frustration sa mata ng amo nito. Kahit sino naman siguro. Mababaliw tulad ni Zade Larson.
“Sir, subukan mo kayang ligawan na lang ang asawa mo. Malay mo naman diba?”
“Ano?”
Tumawa ito ng nakakaluko. “Sa reaksyon mo parang wala kang plano ah, mahigit isang taon mong hinanap ang asawa mo, sir. Plano mo lang bang hanapin siya. I’m sure you have greater reason for wanting your wife back. Higit sa guilt at pangako mo sa sarili mo.”
“Hindi na ako naniniwala sa sixth sense mo. I found that place na sinabi mong hindi totoo.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)