47: Heartfelt–1
47: Heartfelt
“INVITATION?” kunot noong tanong ko kay Javier ng ilapag nito ang invitation card mula sa mga Saavedra. “Nagpapatawa ba sila? Hindi na sila connected sa Delamer’s kaya bakit pa nila tayo iimbitahan?”
“Hindi ko rin alam, Sir. Pero kung ayaw mong pumunta puwede—”
“It’s fine pumunta tayo. Sila ang nagpadala ng imbitasyon. At ayaw kong magmukhang bitter tayo sa ginawa nilang pull–out ng company shares dahil hindi ako pumayag sa annulment ko kay Yuri.”
“Okay. I–reply ko na lang para sa confirmation. Pero i–verify ko na rin kay Mister Oliver. Baka may error lang sa invitation,” anito. “May meeting nga pala tayo sa isang client natin.”
“Ngayon na ba ‘yon?” tanong ko napatingin pa sa wrist watch ko. Nahilot ko ang sintido ko saka ko itinupi ang laptop ko. “Let’s go. Maidlip na lang muna siguro ako sa kotse.” nakaka–unawang tumango naman si Javier.
Kaya sa halos isang oras naming biyahe dahil na rin sa traffic nakatulog naman ako. Nagising ako nang maramdaman kong paghinto ng kotse at mahinang tawag ni Javier. Nasa basement na pala kami ng building kung saan ang meeting ko sa isang client ko.
Pagkatapos nang meeting ay nagpasya akong mag–ikot na rin sa katabing mall na pag–aari ko. Kilala naman ako nang mga empleyado kaya magalang ang pagtangap nila kapag nagmall visit ako. Kapag malapit sa area ang mga meeting o agenda ko sa labas sinasadya kong magrounds para makita na rin ang mga dapat kong bigyan ng atensyon.
lyon ang maganda sa unannounced visit. Doon ko makikita kung anong klasing management ang ginagawa ng mga tauhan ko.
“May masarap na restaurant sa 3rd floor. Kumain muna tayo.” aluk ko kay Javier na kaagad na ring sumunod.
But the moment I enter the restaurant, isang familyar na pigura ang kaagad na umagaw sa atensyon ko. Saglit na tila huminto ang mundo ko.
“Sir,” dinig kong saad ni Javier na hindi ko na pinansin.
Dahil napako na ang buong atneyon ko sa dalawang babae sa dulong mesa. Kita ko pa ang masayang ngiti ng babaing mahigit isang taon ko ring hindi nakita. At habang nakatitig ako sa babaing may masayang ngiti sa labi. Para akong sinasakal sa sandaling iyon.
4: Heartfelt 1
Claim
“Hindi ko nakitang ngumiti ng ganyan si Yuri sa tatlong taong magkasama kami,” wala sa sariling sambit ko na ikinatitig sa akin ni Javier. Pero ang mga mata ko hindi ko maalis sa masayang ngiti ni Yuri. “Masaya na siya, Javier,” nagawa kong sabihin sa kabila nang panunuyo ng lalamunan ko.
“Sir,” ulit sambit nito habang parang slow motion sa paningin ko ang lahat. Dahil damang
dama ko nang kakaibang pintig ng puso ko.
Gusto kong lapitan si Yuri, tanungin, o kaya sumbatan kung bakit niya ako tinakasan. Pero parang tuod akong napako sa kinatatayuan ko. Na ang tanging kaya ko lang gawin ay ang
huminga.
She as smiling and laughing, happily. “Nagawa niyang maging masaya nang wala ako. Mas masaya,” Marahas akong napalunok dala nang pagbabara ng lalamunan ko. Sa loob ko para akong nginangatngat ng libu–libong anay.
“Mas masaya na nga siya, Sir.” sagot ni Javier na ikina–atras ko. Noon lang ako tuluyang nakagalaw. At damang dama ko ang kakaibang pintig ng pulso ko sa sandaling ‘yon.
FEW MINUTES ago.
“OH DIBA masaya ang arcade game no, para tayong mga bata.” masayang lintaya ni Moira nang makahanap kami ng puwesto sa restaurant. Nagutom kami pagkatapos naming maglaro sa arcade. Dapat ko raw kasing matutunan ‘yon dahil may anak na ako, para naman daw hindi ako mapahiya kay Zayu kapag nag–aya itong mag–arcade kapag marunong na ito.
First time ko rin kasi iyon kaya tuwang tuwa talaga ako. Pansamantala naglibang talaga ako. Forgetting everything.
“Order na tayo, anong gusto mo girl?” ani Moira na hawak na ang menu book.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)