46: The Invitation
“NAIPADALA na ba ang mga imbitasyon?” seryosong tanong ni Sir Gaston sa assistant nito nang dumating sa bahay. Palapit ako sa mga ito dala ang ihinanda kong inumin para dito at sa assistant nitong si Mr. Oliver.
“Almost 70 percent na sir ng VIP ang naipadala na.” magalang na sagot nito.
Maagang dumating kanina bago maglunch si Sir Gaston. Mula nang umuwi ako sa bahay ni Clarence, madalas na kaming nagkakasama sa pagkain. Maging si Clarence umuuwi na rin. Pero ang sabi sa akin ng kasama sa bahay bihira daw umuwi si Clarence noong wala pa kami. Madalas raw sa condo nito ito nanatili o kaya sa main mansion ng mga Saavedra.
Ganun ko nararamdaman ang pagpapahalaga nila sa akin at sa anak ko. “Zayu, huwag ‘yan kay Lolo Sir ‘yan,” saway ko sa anak kong may hawak na ballpen at papel nito.
Hindi ko kasi sinasanay si Zayu sa mobile phone at gadgets kahit may tablet na itong regalo ni Clarence. Nag–eenjoy naman siya sa paglalaro niya.
“Hayaan mo na anak. Hindi naman gagamitin ni Oliver ‘yan.”
“Mukhang gusto rin niyang nagpipirma, ano sir? Napakagandang bata, kamukhang–kamukha mo siya Ma’am Yuri,” di napigilang puna ni Mr. Oliver.
“Ten you,” sagot naman ng batang makulit na ikinatawa ni Sir Gaston saka ginulo ang buhok ni Zayu.
“Welcome baby Mia. Punta ka rin ba sa party?” kausap dito ni Mister Oliver?
“No..no no hmm…” sagot nitong umiling–iling pa.
Napangiti naman si Mr. Oliver bago binalingan si Sir Gaston. ” Malalaking tao ang ininvite natin dito, Sir. Pakiramdam ko tuloy may importanting mangyayari sa party. Kasama ba doon ang pagpapakilala sa babaing Saavedra?” kapwa napatingin sa akin ang mga ito at ngumiti naman si Sir Gaston.
Mukhang concern ito sa damdamin ko.
“Oo naman, kailangan ko nang ipakilala ang anak ko sa lahat. Dapat protektado siya ng pamilya ko.” seryosong sagot nito.
“MOMMY, bakit ganun si Zade, napakasama niya?” Mangiyak–ngiyak na sumbong ni Atasha. “Sigurado ka bang positive ang resulta nang test ha? Mapagkakatiwalaan ba talaga iyong
46 The invitation 1
kilala ni Dad.”
Claim
“Oo naman, anak. Kaya kumalma ka lang. Mas lalo kang pagdududahan ni Zade kapag masyado kang nagpapanic. Ang dapat mong siguruhin ay hindi lalabas ang tungkol sa—ano ba ‘yon, insemination na iyon.”
“IUI, (Intrauterine insemination)” sagot niya. Totoong may namagitan sa kanila ni Zade dahil siya ang nag–initiate ng lahat. Pero pumalpak iyon, hindi siya nabuntis. Kaya nang sumunod na buwan ginawa na kaagad niya ang plano niya. Iyon ang naisip niyang tamang rason para pakasalan siya ni Zade.
Para na rin hindi ito magalit kapag lumabas ang totoo. She decided to take her chance. She wanted to make sure na makakasal sila ni Zade. Akala niya hindi magtatagumpay ang IUI pero nabuntis nga siya. Kailangan kasi niyang panindigan ang deklarasyon niyang buntis siya. Kaya naging pabor sa kanya ang pagpunta sa ibang bansa.
Pinalabas na lang niyang premature ang bata nang isilang niya. At salamat sa kanyang ina naagapan ang plano ni Zade na DNA test sa bata. Hindi niya alam kung anong ginawa ng ina niya para maisaayos ang plano kahit nasa US pa sila. Pero hindi na iyon ang mahalaga sa kanya. Ang importante lumabas ngang anak ni Zade si Zen.
“Kumalma ka na,” may inilabas ito mula sa mini drawer na katabi ng couch. And to her surprise invitation card iyon mula sa mga Saavedra. Ang event na gagawin ilang lingo mula sa araw na ito. “Oh diba, ipapakilala ka na bilang isang Saavedra, kaya magrelax ka. Kung noong nasa US nga tayo nagawan ko ng paraan ang anak mo, dito pa kaya. Nagawa ka nga naming Saavedra eh. Kaya magtiwala ka lang anak. Maraming koneksyon ang Dad mo kaya madali lang ang lahat.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)