Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 84

44: New Beginning2

Sukat doon napatingin ako kay Zayu. Pero kaagad ko ring sinaway ang sarili ko. Ipinangako kong hindi malalaman ni Zade na may anak kami. At sumangayon naman si Sir Gaston na ilihim ang lahat. Kaya kahit ang asawa nito at ang tita ni Clarence ay walang alam tungkol sa akin.

Dahil kapag nakarating kay Atasha na tinutulungan ako ng sarili nitong pamilya alam kong magwawala si Atasha. At ayaw kong ako ang maging dahilan ng gulo sa pamilya nila.

Ayaw ko nang matawag na buwisit at malas tulad ng madalas na sinasabi nila Mama sa akin.

Yuri, anak kumain ka pa,nagitla pa ako nang lagyan ni Sir Gaston ang plato ko.

Salamat po. Pero baka hindi ko na ho ito maubos.Tangi ko nang lalagayan pa sana nito ng slice ng cake ang plato ko.

Huwag kang nagdidiet anak, dapat malusog at malakas ka. Para sa pagsisimula mo ulit.

Opo. Kaya lang—” mahinang sambit ko. Paano ho si Atasha. Ayaw kong magalit siya sa n’yo dahil sa akin.

Huwag mong isipin si Atasha, Yuri. Kapag pinakasalan na siya ni Dela Merced aalis rin siya sa bahay. At sisiguruhin kong hindi ka niya mapupuntahan dito,pagaassure sa akin ni Clarence. Subalit ang higit na tumatak sa isipan ko ay ang tungkol sa kasal ni Zade at

Atasha.

Ngayong nakabalik ka na, magiging maayos na ang lahat, anak magtiwala ka.seryosong saad ni Sir Gaston na ikinatango ko na lang kahit hindi ko naman nauunawaan.

TITA BAKIT WALA pa sila?Iritadong maktol ni Atasha. Nakapagbihis na siya at lahat. Nakatulog na rin si Zen Larzon at padilim na rin pero hindi pa dumarating si Gaston. Okay nang wala si Clarence dahil hindi naman siya nito gusto.

Pero mas lalo siyang napipikon ay mismong si Zade ay hindi man lang sila sinalubong sa airport. Ang assistant lang nitong si Javier ang dumating para ihatid sila dito sa mansion. Akala nga niya sa bahay na sila ni Zade titira kapag dumating na siya kasama ng kanilang anak. Ilang buwan siya sa US pero wala man lang dumalaw sa kanila maliban sa kanyang ama’t ina.

Ang dahilan raw ng hilaw niyang ama ay busy ito sa trabaho nito. At ganun rin si Zade. Laging busy.

44 New Beginning 2

Claim

Buti pa sina Mommy excited na makita kami ng anak ko, kainis!Walang prenong maktol ko kaya napatingin sa akin si Tita Daisy.

Oh saan ka na pupunta Atasha?usisa ni Tita Daisy ng makita akong tumayo na.

Sa tingin ko ho hindi na sila darating para iwelcome kami. Pupuntahan ko lang si Zade. Isa rin iyong walang pakialam sa anak namin,pikang lintaya niya saka siya tumalikod na. How can they treat me this way! Kainis.”

Nagpahatid na lang ako sa driver para makarating sa Delamers, but to my surprise hinarang ako ng security.

What the hell are you doing? Hindi mo ba ako kilala? I’m the daughter of Gaston Saavedra and soon to be Mrs. Dela Merced!Nakapamaywang na bulyaw ko sa security. Mukhang bago lang kasi ito. Pero sapat na marinig ng mga tao ang koneksyon ko para umurong ang mga buntot nito.

Sorry, ho Ma’am

HMP! kilalanin mo kung sino ang boss mo,paismid na saad niya dito. Saka tuloytuloy na siyang naglakad patungo sa direksyon ng lift.

Pambihira, siya ba ang asawa ni Sir?Nagkakamot ang ulong saad ng security?

Oo pre siya iyong laging nagpupunta dito kay Sir dati. Paano kaya nagustuhan ng CEO ang babaing iyon,anang partner nitong kadarating lang.

Hayaan mo na may karma din sa mga tulad nilang mapangmata ng kapwa. Sigurado yon.Saad pa nito.

Zindy Rivera

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)