43: Pag–asa–2
“Give yourself a chance of Love girl, ayan si Martin inlababo sa’yo.” tanda kong sabi sa akin ni Moira. Ano nga bang nagustuhan niya sa babaing tulad ko?
Kung ganun nga lang kadaling ibaling ang pagmamahal sa iba. Kaso hindi na iyon ang priority ko ngayon. May anak na ako at gusto ko ring makabawi sa lahat ng tulong sa akin ng mga Saavedra. Sila kasi ang nagparamdam sa akin ng may pamilya.
“ANONG IBIG sabihin nito?” Bulalas ni Natasha nang personal kong iabot sa mag–asawa ang notice ng end of investment contract mula sa Delamers.
“Zade bakit naman ganito? Kung kailan magkaka–anak na kayo ni Atasha bakit?” naguguluhang tanong ni Mrs. Montefalco. Nalaman ko kasing napakalaki ng utang ng mga ito sa tatlong malaking banko. At ayon sa imbestigasyon ni Javier, lumulobo pa ang utang ng mga ito.
Wala na sana akong planong tapusin ang investment contract ko sa mga Montefalco, bilang responsiblidad ko na rin sila dahil anak ko ang magiging apo ng mga ito. But seeing the report makes me worried na baka masayang ang malaking halaga dahil sa mismanagement
ng mag–asawa.
“Wala ho akong magagawa tungkol sa bagay na ‘yan. Negosyante ako at kung nakikita kong at risk na ang investment ko, sa tingin ko hindi ko na maipagpatuloy ang partnership sa Montefalco Royal,” kalmadong paliwanag ko dito.
“Pambihira ka naman Zade, alam mo namang may problema kami sa kompanya ngayon. We needed time to cope up. Magiging maayos rin ang lahat.” Namumula ang mukhang giit ni Mr. Montefalco.
Ano bang paki–alam ko kung maayos o hindi ang lahat. It has been my plan, mula nang malaman ko ang mga kasinungalingan nila. Ngayon may mas dahilan na ako nang hindi nila nalalaman na alam ko na ang lahat.
“I will never trust them again. Kahit si Atasha pa.” tahimik kong usal.
“Hijo baka naman puweding ipagpaliban mo muna ang pull–out— let say next month and—”
“Pasensya na ho. Pero na–aprubahan na ng board ang pasaya ko. Personal ko lang dinala ang letter of termination. I’ll be expecting the fund money until monday,” saad kong tumayo na ako para iwan ang mga ito.
“Tumawag ulit si Atasha sir? ani Javier pakasakay ko nang kotse. “Nagtatanong ulit kong kailan mo siya dadalawin sa US.” Hindi na kasi ito pumasok dahil may kausap ito kanina.
43 Pag asa 2
“Ganun pa rin ang sabihin mo, busy ako,” walang ganang saad ko dito.
“Okay, naipadala ko na sa sss mo ang mga larawan ni Atasha. Mukhang totoo namang buntis nga siya.”
“Dinagdagan mo ba ang fund?” tanong ko sa halip na pansinin ang sinabi nito.
“Yes sir, pero ang mga Saavedra mukhang sapat lang talaga ang ibinibigay nila kay Miss Atasha. Parang hindi anak kung ituring.”
Claim
“Alam ng nga Saavedra na sinusustentuhan ko si Atasha, kaya siguro kampanti na sila. Sa tingin ko tama ka nga, parang may mali sa kanila. Matagal nilang hindi nakilala si Atasha pero—”
“Pero walang paki–alam si Senador sa anak niya. Hindi nga niya dinalaw sa US si Miss Atasha, limang buwan na rin ata no,” dagdag pa nito. “Pustahan kaya tayo sir, hindi talaga nila anak si Miss Atasha.”
“Puwede ba wala akong paki–alam kung anak nila o hindi ang babaing iyon. Iyong
pinapagawa ko sa’yo wala pa ring resulta iyon ang dapat mong isipin,” paangil kong saway
dito.
“Sir naman, saan ko naman kasi hahanapin ang lugar na ‘yon, panaginip nga lang nang asawa mo ‘yon. Ang kulit mo naman eh.”
“Pero bakit pakiramdam ko totoo,” giit ko. Umiling ito.
“Akala ko ako ang may sixth sense. Ikaw rin pala?”
“Ewan! Magdrive ka na nga lang at simula bukas i–monitor mo ang fund transfer mula sa mga Montefalco.” Kinuha ko ang phone ko para magcheck ng sss. Pero napunta ako sa social media account ko. Ginawa ko iyon dahil mas madali daw maghanap ng information doon kapag magpost sabi ni Javier. Then I notice a message. Sa ilang buwan na i–pinost ko sa socmed ang drawing ni Yuri puro likes and heart lang ang natatangap ko at ilang mga comment na maganda ang painting.
Kaagad na lumukso ang pulso ko nang buksan ko ang mensahe. “Javier someone sent me a message!” kinakabahang saad ko dito. At muntik na itong magpreno nang ipakita ko ang
video.
Walang pagdadalawang isip na tinawagan ko ang taong nagmessage sa akin. “Hello, sir alam mo talaga kung saan may ganung lugar?”
“Ah yes sir, dati ako nagtatrabaho sa Ildefonso. Bigla kong nalala iyong magandang lugar na iyon ng makita ko ang post mo. Isa ako sa nag–ayos ng landscape doon, may pagkakatulad
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)