42: Desire–2
“Maunawaan man ni Yuri o hindi. I’m not marrying Atasha nor ending my marriage with my wife. I plan to take her back.” Deklara ko na ikinataas ng kilay ni Clarence at ikinakunot noo ni
Gaston Saavedra, the he smugly smiles at me.
“Taking your wife back, how exactly will you do that?” Nanantiya ang tanong ni Gaston sa
akin.
“Nilayasan ka na nga ni Yuri,” patuyang sabat ni Clarence. “katangahan nang bumalik pa siya sa’yo. Well, maybe—puwede. Pero nakabuntis ka nang ibang babae. Sa tingin mo gugustuhin pa niyang bumalik sa’yo? Baka nga mas masaya na siya kung saan man si Yuri ngayon.” saglit akong hindi nakapagsalita, pero dama ko ang tila agilang tingin sa akin ni Gaston.
“Hindi ko rin alam. And to be honest—” umiling ako, feeling hopeless. “I had no idea how will I find her or get her back.” Nagawa kong ngumiti ng mapait. “But I am taking her back. Kahit kumuntra ka pa.” nagbabanta ang tinging ipinukol ko kay Clarence. “Salamat sa oras, we’re leaving.” Paalam ko saka ako tumayo na. Ganun rin ang ginawa ni Javier na sumunod na ring
nagpaalam.
“Zade, sandali—” dinig ko ang pagpigil ni Mrs. Montefalco sa akin. “Sir, pigilan n’yo kaya si Zade. Kawawa naman si Atasha.” Nagmamakaawang saad pa nito. Hindi ko na narinig ang sagot ni Mr. Saavedra. Dahil wala na rin naman akong paki–alam.
“Javier,” tawag ko dito ng nasa kotse na kami paalis. ” ginagawa ko lang ang tama hindi ba?” mahinang tanong ko dito, sabay sandal ng ulo ko sa headrest ng upuan. “Posible pa nga bang mahanap natin si Yuri? May pagkakataon ba ba?”
“Sa tingin ko mali ang tanong mo Sir.”
“Ano?” asar na baling ko dito.
“Bakit masyadong concern ang mga Saavedra sa asawa mo? I notice nagalit si Senador Gaston sa sinabi ni Mrs. Montefalco. Pero walang pakundangan niyang tinawag na kabit ang sarili niyang anak.”
“Ano bang punto mo ha?”
“Something seems off,” anito.
“Gusto ni Clarence na hiwalayan ko si Yuri dahil may gusto siya sa asawa ko. Anong off doon?”
“Parang hindi naman ganun ang nakikita ko, sir.”
Claim
“Ewan, magdrive ka na nga lang samahan mo akong uminum. Kailangan kong makatulog ng maayos ngayong gabi.” nahahapong saad ko dito.
“Nagiging habit mo nang uminum lately, sir. Lagi na lang tuloy ako overtime.”
“Kapag hindi ako uminum, baka mabaliw na lang ako bigla. Iyon ba ang gusto mo?”
“Maluwag pa naman ang mental eh…” pang–aasar nitong ngumisi pa kaya muntik ko nang sipain ito, kung hindi ko lang naisip na nagdidrive si Javier.
“Seryoso sir. Dapat binigyan mo si Senador ng mas mabigat na dahilan para tulungan ka.”
“Ano bang pinagsasabi mo d’yan?” iritadong baling ko dito.
“Sa tingin ko alam niya kung nasaan ang asawa mo.” Kaya muli ko itong binalingan.
“I WASN’T expecting that, Dad.” seryosong saad ni Clarence, kausap ang ama. Nakaclose door meeting sila sa private office ng ama.
“Sino, kay Atasha o kay Dela Merced? He wasn’t that bad, I see.” anitong kampating isinandal ang likod sa malabot na sofa.
“I still don’t like him. Ngayon lang ba niya naisip na dapat niyang pahalagahan ang kapatid ko? Kalukuhan! I’ll protect Yuri from him.”
“For now yes, we need to protect Yuri. Pero may sariling isip ang kapatid mo. Hindi mo kailangan pigilan ang lahat. If they’re meant to be, they will be able to set things right, oneday.”
“Huwag mong sabihing gusto mo na ngayon ang lalaking ‘yon, Dad?”
“Well his man enough to face us. At hamunin tayong mababawi niya ang kapatid mo. Well see about that. Sana lang hindi ka nagkamaling pagkatiwalaan si Martin.”
Sa tingin ko nagkakasundo naman na sila ni Yuri. Who knows, mabaling ang damdamin ni Yuri kay Kuya Martin.”
“Well see–” magsasalita pa sana si Clarence ng marinig nila ang katok sa pinto. Hindi naman sila nag–aalala dahil sound proof ang study room. Tumayo si Clarence para pagbuksan ang istorbo. “I’m talking to Dad, bakit?”
“Ama ko rin siya, I want to talk to him…” mataray na saad ni Atasha na itinulak pa si Clarence para makapasok. Lakas loob itong naglakad patungo kay Gaston na kalamadong nakaupo
sa sofa.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)