Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 76

  1. The News2

+25 Pointe

40: The News2

Ano ka ba, magfocus ka muna bilang Saavedra. Kailangan bigyan mo ng rason si Zade para piliin ka niya,makahulugang saad nito.

Reason?Mula sa pagkakasimangot ay nagliwanag ang mukha ni Atasha sa kung anong naisip.

O so ano nga kumusta ang isang Atasha Saavedra?Anitong dinampot ang cookies na nasa table

Well, but they give me gold card, not the unlimited black card, pero sinabi ko na sa asawa ni SenaI mean ng daddy ko,ngumisi ito nang nakakaluko. na tulungan kayo ni Dad, You should thank me later?

Thank you anak. Magiging maayos ang lahat mula ngayon,malapad ang ngiting saad nito.

Oo naman Mommy, I will make sure magkakaroon ako nang malaking mana sa mga Saavedra. Conpared to the money Dad gave to Yuri.Napalunok naman si Natasha sa sinabi ng anak. Ayaw ipaalam ng mga ito ang dahilan kung bakit may malaking share si Yuri sa kompanya ng Montefalco.

Hindi siya papayag na malaman ng anak niyang mahirap lang sila. Hindi na kami babalik sa dating buhay namin noon, hindi na!tahimik na usal ni Natasha pero nakangiti sa anak nito.

MARTIN,gulat na sambit ko nang dumating ulit ito. Hindi na namin napansin dahil nasanay na siguro kaming helicopter ang bigla na lang bumabasag ng katahimikan sa paligid ng bakasyunan.

Surprise,sambit nito at mula sa likod ay isang kumpol ng bulaklak ang inilabas nito. Naisip kong baka nalulungkot ka kaya dinalaw na kita,nakangiting saad nito.

Naku si Sir, lakas makapagpagood vibes,tudyo ni Ate Rita dito na bitbit ang mga sinampay. welcome back sir,

Buti pa itong si Ate Rita, mukhang masayang makita ako.Pagpapacute ni Martin na ikinatawa ko.

Natutuwa rin naman akong makita ka, kaso lang baka naman masyado na kitang naaabala.

nasabi ko.

Hindi ka abala Yuri, saka ako naman ang kusang pumunta para makita ka.Hindi na ako nakatangi ng iabot nito sa akin ang mga bulaklak. “Naisip kong puro daisy ang nandito kaya, pink roses ang dinala ko para maiba naman ang makikita mo.

Salamat, tuloy ka na,” aluk ko dito na sinabayan na ako nitong pumasok sa bahay.

Siya nga pala, may nakita akong magandang restaurant sa bayan baka gusto mong doon tayong lahat magdinner.”

OO

15

OIN

O

40 The News2

Naku, paano yan nagluluto na si Manang Tess.

+25 Points

Ayos lang Ma’am Yuri, sige na. Kayo na lang ang kumain sa labas. Para naman makapaglibang ka,” sabat ni Manang Tess na naroon na rin sa may pinto at nakasilip.

lyon naman pala, eh. Sige na magbihis ka na. Magaantay ako. Mukhang masarap iyong bulalo sa bagong restuarant na yon.Taboy sa akin ni Martin na ngumisi pa.

Oo nga Ma’am para naman makapasyal ka sa bayan, malapit nang fiesta kaya may perya ngayon. Dahil pinagtulungan na nila akong itaboy pumayag na rin ako. Ano nga namang masama kung mageenjoy ako kahit paano. Sabi ni Senador Gaston dapat magrelax lang at huwag magisip ng kung anuano.

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Madalas bisita ko si Martin. Hindi na rin ito sinisita ni Clarence kahit panay ang pagdalaw sa akin ni Martin. Ito rin ang madalas nagpipresenta kapag check up ko. Pakiramdam ko mas dumami na ngayon ang mga kaibigan ko na parang pamilya ang turing sa akin.

NABABAWI na natin ang nawala sa pagpull out ng investment ng mga Saavedra.Nagangat ako ng tingin sa sinabi ni Javier.

That’s good news then,sagot ko subalit napabuntong hininga akong itinupi ang laptop sa harapan ko. Tatlong buwan na mula nang mawala si Yuri.

Sir, baka kailangan mo ring magpahinga, nangangapal nang eye bags mo.Di nakatiis na puna ni Javier sa akin. Inalis ko ang reading glass ko. Nahilot ko pa ang tulay ng aking ilong..

Ganun ba talaga siya kahirap hanapin, Javier?matamlay na tanong ko dito.

Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpakita, Sir, Sa tingin ko iyon ang gustong gawin ni Ma’am Yuri. Kaya baka panahon na para sumuko ka na rin, Sir.Bakas ang awa sa mukha ni Javier.

Tsss…. ilang taon kong hinanap si Yuri noon, pero maling tao ang natagpuan ko. Kaya nangyari ang lahat nang to.

Baka naman iba talaga ang nakatadha para sa n’yo, sir.

Itikom mo nga yang bibig mo!singhal ko dito. I hate it when Javier tells me something, dahil madalas tama talaga ito.

Sinasabi ko lang sir, magkaiba ang awa sa pagmamahal,giit nito. Kaya dapat mo ring isiping mabuti, kung hinahanap pa ba natin si Ma’am Yuri dahil guilty ka lang o dahil tama akong mahal mo nga siya?

Awa o pagmamahal?Ano nga ba ang nararamdaman ko para kay Yuri?

00

15

N

O

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)