38: If I Find Her?-2
“Ang totoo hindi ko pa ho alam? Pero napapanaginipan ko ang lugar na ito noon pa mang bata pa ako. Kapag malungkot ako, naka–upo ako sa swing sa ilalim ng malaking puno at pinapanood ko ang pagsayaw ng mga bulaklak sa malawak na parang na iyan. Kung mahahanap ko ang lugar na ito. Dito na ako titira, baka doon ang lugar para sa akin.”
“Ang painting,”
“Ano?” nagsalubong ang kilay ni Javier dahil sa sinabi ko.
“Iyong painting ni Yuri, iyong mga-” nagmadali akong kunin ang phone ko para ipakita kay Javier Nakita ko na ang painting ni Yuri. At nagandahan naman ako kaya kinuhan ko iyon ng larawany “Dito! Hanapin mo ang lugar na ‘to, Javier. Magbibigay ako nang malaking bunos kapag nahanap mo ‘yan.”
Literal na napanga–nga si Javier. Gusto nitong sabihing parang sintu–sinto na ata ang amo nito.
“Sir painting lang ‘yan, imposible—”
“Hanapin mo muna bago ka magreklamo. At kahit saan pa yan hanapin mo.” Determinadong saad ko na ikinakamot nito.
“Malala na ang tama mo Sir, magkano ba ang bunos nito? Kahit limang milyon pa ata walang tangang maghahanap ng lugar na nasa painting, unless may address man lang diba. Saan ba ito
nakita ni Ma’am Yuri?”
“Sa panaginip niya!” Walang prenong sagot ko na ikinamura nang malakas ni Javier. “Gago ka
minumura mo ba ako?”
“Pasensya na, pero… dapat ko na bang tawagan ang parents mo at pauwiin sila? Malala na ang tama mo Sir,” umiiling ito. “Alam mo bang mukha kang desperado sa ginagawa mo?”
“Ganun na, pero paano kung totoo ang lugar na ‘to? Paano kong nandiyan nga si Yuri?” Nanlulumong saad ko dito.
“Sa dami ng connection mo, imposibling makapagtago ang asawa mo. Unless protektado siya ng mga Saavedra. Sila lang ang posibling makapagtago sa asawa mo. Kaya malabo ‘yang painting na ‘yan. Alam mong never akong nagkamali ng hula sir.”
Nasa seryoso kaming pag–uusap ng magring ang intercom sa table ko. Kapag kasi hindi nasagot ni Javier ang tawag mula sa labas didiretso na sa line ko ang call. “Sir, may mga abogado ho dito mula raw sa Saaverdra,” imporma nang security.
“Let them in.” Utos ko. Investor ng Delamers ang mga Saavedra dahil na rin sa mga magulang ko.
00 OO 15
If ! Find Her?-2
“Bakit sila nagpunta?”
+25 Points
“Malay ko?” baliwalang saad ko kay Javier. Ilang minuto ang lumipas at kaharap ko na ang dalawang abogafo ng Saavedra. “Para saan ba ito?” usisa ko nang ilapag nito ang documento sa harapan ko.
“Kailangan n’yo hong pumirma sa annulment n’yo ng asawa mo, order ito mula kay Sir Clarence kapag hindi kayo pumirma, magpupull out ng investment ng Saavedra,” kumpiyansang/saad ng abogadong hindi ko na inalam ang pangalan.
“Pinagbabantaan mo ba ako Atty?” Di ko mapigilang umalsa ang boses ko.
“Naku, sir hindi ho,” depensa nito. “Sumusunod lang ako sa utos. Iyon ho kasi ang utos ni Sir Clarence.”
“Talaga bang hinahamon ako ng Clarence Saavedra na ‘yan. Sabihin mo sa amo mo, i–pull out na niya ang investment niya kung gusto niya. Walang annulment na magaganap!” Deklara ko na ikinabigla ni Javier at ng dalawang abogado.
“Pero sir,”
“Hindi mo ba ako narinig. Take all your investment I don’t fvcking care, I’m taking my wife back! Kung tapos na kayo magsi–alis na kayo puwede,” iritadong taboy ko sa mga ito.
Wala namang nagawa ang dalawang abogado kundi ang umalis.
“Schedule mo ako ng meeting sa matandang Saavedra. Gusto talaga akong buwisitin ng Clarence
na ‘yon.”
NAPATINGIN AKO sa labas ng marinig ko ang parating na helicopter. “May bisita pa po ba tayo
Manang Tess?” tanong ko sa matandang katiwala nang bakasyunan.
“Wala namang abiso Ma’am. Kaalis lang nila Sir Martin kahapon eh.”
“Pero ayos lang iyon Manang Tess, madalas tayong may panauhin mula nang dumating si Ma’am Yuri diba, hindi na nakakabagot. Nananaba lang tayo dito eh.” saad ni Ate Rita.
“Ikaw lang ang tabain, kita mo nga’t sexy pa rin ako kaya baliw pa rin ang kuya mo sa alindog ko,” nakatawang saad ni Manang Tess. Asawa kasi nito si Mang Lito na siyang driver namin.
Magkakasunod na kaming lumabas para salubungin ang bagong dating. Sa malawak na parang lumapag ang helicopter. Kaya nagulo na naman ang mga bulaklak na daisy dahil sa malakas na
hangin.
“Oh.. si Sir Gaston pala, Manang Tess.”
“Ay siya nga, aba’y ilang taon nang hindi napunta ‘yan dito,” sambit ni Manang Tess. Ako naman ay
0015
O
38 If Find Her?-2
+25 Points
naguguluhan kong bakit naroon ang ama ni Clarence. Kinabahan pa ako dahil baka magalit itong pinatira ako ni Clarence sa bakasyunan ng pamilya nito.
“Tingnan mo silang mag–ama parang magkapatid lang, napakakisig pa rin kasi ni Senador eh,” puno ni Ate Rita. “Ang swerte, ni Ma’am Daisy sa kanya eh.”
Saglit akong natigilan ng makita ko si Senador Gaston, seryoso ang mukha nito. Habang si Clarence ay kababakasan ng masayang ngiti. Malaki ang pagkakahawig nila pero palangiti si Clarence ayon sa pagkakakilala ko dito.
“Kumusta na hija,” bati sa akin ni Senador Gaston na sinulyapan pa ang tiyan ko. Halata na kasi ‘yon. May kung anong emosyon akong nakita sa mga mata nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)