O
Ang Plano–1
32: Ang Plano–1
32: Ang Plano
+25 Points
TATLONG ARAW ang matuling lumipas. Masakit na naman ang ulo ko pati ang katawan ko
pagising ko. Late na kasi akong nakatulog kagabi. Wala pa rin akong balita kay Yuri. I dagdag pa
ang kanina pa nag–iingay na phone ko.
Gusto ko nang magalit sa sarili ko, dahil hindi ko magawang baliwalain na lang ang pagkawala ni
Yuri.
Pakiramdam ko parang biglang naging sementeryo ang bahay ko sa sobrang tahimik. Wala namang nagbago, dahil noon naman bibihira rin kaming mag–usap ni Yuri. And we seldom see each other. Pero hindi ko naramdaman ang ganitong bigat noon. Masaya akong nagigising at
natutulog sa gabi.
Pero ngayon maaga na nga akong natulog, masama pa rin ang pakiramdam ko pagising ko. Katahimikan ang muling bumalot sa aking silid ng magring ulit ang phone ko. “Lintek!” sambit ko sapo ang nanakit kong ulo. Hinanap ng mata ko ang nag–iingay kong cellphone when I saw it on the floor. Dumukwang ako para abutin ang phone, pero sa halip na maabot ko iyon naitulak ko at sa inis ko, i extended my arms more kaya bigla na lang akong dumausdos pababa ng kama.
Napamura ako nang tumama ang mukha ko sa matigas na sahig. “Buwisit!” Iritadong sambit ko. Saka ko bumagon sapo ang lalong sumakit kong ulo kasama na ang kanang mukha kong
nasaktan.
Pasalampak akong naupo sa sahig para lang makita ang pangalan ng caller.
Isang malalim na paghinga ang pinawalan ko bago ko sinagot ang tawag.
“Zade, where are you.” ang nagmamaktol na tinig ni Atasha sa kabilang linya.
“Why?” inaantok ang tinig kong tanong dito.
“Anong why, sabi ko may breakfast tayo dito sa condo ko, kanina pa ako naghihintay eh,” tila batang ungot pa nito. “Saka kagigising mo lang ba?”
“Yeah, I slept in,” pag–amin ko.
“Zade naman,” nakikinita ko na ang pagpapadyak ni Atasha.
“May balita na ba kay Yuri?” sa halip ay tanong ko dito.
“The hell, bakit ba hanap ka pa ng hanap sa babaing iyon. Forget about her Zade. Alam mo namang hindi kami close, diba? I’ll wait for you here,” giit nito.
#00
15
O
32 Ang Plano–1
“Sorry Atasha, may meeting ako kaya kailangan ko pang magpunta sa office ngayon.”
“Pero Zade…” maktol na ungot nito.
“Next time na lang.”
SAAVEDRA MANSION
+25 Points
“MAGANDANG araw Mister Saavedra,” excited na bati ni Gener. Mabuti na lang talaga mabait ang sawa nito kaya, makakalapit pa sila kay Gaston. Daisy approach him asking kung sila ba talaga ang totoong magulang ni Yuri.
Siempre he had to say yes.
“Pumayag na ba kayo sa offer nang aking asawa?” Nakangiting usisa ni Natasha, habang poised na poise itong naka–upo sa mamahaling sofa.
“Alam n’yo naman kung bakit ako nag–invest sa kompanya n’yo. The Montefalco Royal has important value to me.” Pasimpling nagtitigan ang mag–asawa na kunwa’y walang alam. Sa nakalap nilang impormasyon tungkol kay Gaston Saavedra, alam na nila ang tinutukoy nito ay si Charlene.
“lyong half–sister mo si Charlene was my ex wife!” Deklara ni Gaston na kunway ikinagulat ni Natasha, si Gener naman ay natigilan kunwari. They been acting their entire life mula nang lumipat sila sa mansion ni Charlene kaya wala nang mahirap sa pagpapangap.
“Pasensya na, ang kapatid kong ‘yon ay bigla na lang namatay. Kaya wala akong masyadong nalaman tungkol sa pag–aasawa niya. Nagulat na nga lang din kami nang tawagan kami ng abogado, para sabihing ako ang mamamahala ng ari–arian niya.”
“Kung ganun wala kayong alam tungkol sa anak naming si Clarence.”
“Naku sir, wala talaga. Hindi nga namin alam na may–asawa na siya eh.
“Nalaman kong may babae kaming anak na inakala ng lahat ng namatay noong pagkapanganak sa kanya. Pero nagsalita na ang doctor na binayaran ni Charlene.”
“Ah ehh….” sabay pang napayuko ang mag–asawa.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)