25: Not the Jealous Type–1
25: Not the Jealous Type
+25 Points
NANLALAMIG ang mga kamay ko. Sakay ako nang kotse ni Zade. Hindi naman tumutol şi Zade na umalis ako basta kasama kong ang mga bodyguards. Pero hindi ko pa ring maiwasang masaktan na alam kong si Atasha ang kasama niya papunta sa party ngayong gabi. Pero alam ko naman sarili ko lang ang niluluko dahil sa nararamdaman ko. Umiling na lang ako upang iwaksi ang isiping
iyon.
Nauna na si Moira dahil hindi naman namin dapat pag–usapan ang tungkol sa plano kung paano ko matatakasan ang bodyguard kong hindi ko man lang mailigaw.
May parte sa pagkatao kong kinakabahan sa gagawin ko pero alam kong ito ang tama. Alas otso ang simula nang party at almost eight pm na patungo kami sa mansion ng mga Saavedra.
Marami nang kotse ang nakahilira sa labas na natatanaw kahit paasok pa lang ang kotse sa entrance. Ipinakita nang driver/ bodyguard kong si Dan ang invitation card ko.
“Diretso kayo sir sa VIP parking space.” anang security saka ito nagradyo. Dinig ko pang sinabi nito ang plate number ng sasakyan namin sa kausap nito. Bago ito sumenyas na makatuloy na kami.
Hindi naman nagtagal ay tanaw ko na ang malaking mansion na hindi maipagkakaila ang karangyaan. Malaki iyon hindi maipagkakailang napakayaman nga ng mga Saavedra.
May isang unipormadong lalaki ang sumenyas kay Dan kung saan ito pupuwesto. Nagulat pa ako ng makita ko ang nakahilirang luxury car sa di kalayuan kung saan kami papunta.
Meanwhile.
Bakas ang excitement sa mukha ni Atasha nang sa VIP area sila magpapark ni Zade. Hindi siya pumayag na hindi sila sabay pupunta. Of course maraming mga kilalang personalidad ang dadalo sa kaarawan ni Mr. Saavedra.
Ipinagbukas pa siya ng valet nang makapark na si Zade pero disappointed siya ng makita ang nagagandahang luxury car na nakahilira doon.
“Honey, nakakahiya ang car na dala natin. Gosh!” Hindi niya napigilang sambit na ikinakunot noo ni
Zade.
“Anong nakakahiya? Latest model ang kotse ko. And I had no reason to buy luxury car, Atasha. Pareho lang naman ang mararating ng sasakyan diba. You see, nakahilira ang kotse ko sa kanila. So what’s the difference?” baliwalang saad ni Zade na inayos pa ang suit nito.
He does look confident despite not having luxury car. Alam naman niyang may pagkakuripot si
#00
15
OON
O
25: Not the Jealous Type–1
+25 Points
Zade pagdating sa pera. Pero malaki ang paniniwala niyang magbabago iyon kapag kasal na sija. Nakikinita na niyang mahihiga siya sa karangyaan pagdating ng araw.
“Okay, I’m just saying,” pilit ang ngiting saad ni Atasha. Pero makikita ang disappointment sa mata nito. Lumapit sa kanila ang dalawang usher na nakabarong attire.
“This way Ma’am/ Sir, may we have your invitation please?” Magalang na saad ng lalaki./Kaagad namang ibibigay ni Zade ang card dito. “You must be Ma’am Yuri, this way please, hinaantay kayo
ni sir Clarence.”
“I’m no-”
“Tara na.” sansala ni Zade sa protesta niya. Lihim na nagngingit–ngit ang kalooban ni Atasha. Tinawag siyang Yuri ng hampaslupang lalaki.
“Gosh!” pikang sambit niya. Subalit bago pa sila makaalis kasama nang isang usher ay dumating ang magkasunod na sasakyan. Isang latest model na montero sports car tulad ng gamit nila at isang bulgari red car sa likod.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)