23: Stop Crying–2
+25 Points
Hindi ko kasi matandaan ang dinaanan namin kanina. Kung makakabalik nang ako sa school. Baka matulungan ako ng guwardiya o kaya nang teacher. Pero padilim na rin kaya natatakot na ako at
nanlalamig na rin.
Muli akong naglakad para hanapin ang daan pero sa bawat maliliit kong hakbang tila lalong lang akong naliligaw. “Mama, Papa, Atasha..” sigaw ko sa kawalan. Lumalakas na rin ang pag–iyak ko kasabay ng paglakas ng ulan. “Mama, Papa, tulong.” mahina pero paulit ulit kong tawag. Habang walang tigil ako sa paglalakad. Nagsimula nang magliwanag ang mga poste sa daan at tumila na
rin ang ulan.
Walang parte ng katawan ang hindi basa kaya nanginig na rin ako. Hindi ko na pinansin ang
pagkalam ng sikmura ko. Kaunti lang ang lunch ko dahil limitado ang pagkain na ibibinigay sa akin ni Mama. Tapos wala pa akong snack. Wala rin akong pera. Hanggang makarating ako sa may
simbahan.
Hindi pamilyar sa akin ang lugar na iyon. Madami namang mga tao. Pero parang wala man lang nakakakita sa akin. Iyong dalawang babaing nakapayong umiwas pa nang lumapit ako para sana
magtanong.
Damang dama ko walang may gusto sa akin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang na maglaho sa sandaling iyon. Gutom at nilalamig na ako. Kaya nagpasya akong pumuwesto sa isang bench na naroon. Masakit na ang paa ko sa kakalakad pero kaya ko pa naman. Gusto ko na lang maka–uwi. Pero paano? Mabilis kong pinahid ang luha ko.
“Bata ayos ka lang ba?” Dinig kong tanong ng isang tinig malapit sa akin. Pero hindi na ako lumingon dahil malabong ako ang kausap nang magandang boses na iyon. Noon naman kumalam ang tiyan ko kaya napahawak ako doon. “Gutom ka na siguro, ito oh, sayo na.” Nagulat pa ako nang makita ko ang burger na gustong gusto ko at madalas kong maamoy sa bahay namin kapag umuungot si Atasha kay Mama ng burger.
“Kunin mo na,” aluk nito. Noon ko ito tiningala sa nanlalabo kong mata. Kita kong nagulat pa ito. Natakot siguro sa hitsura ko.
Pero sumilay ang maganda ang ngiti nito. “Bakit basang basa ka. Hindi ka dapat nagpapa–ulan.” Malumanay nitong saad. Hindi ko alam pero sa unang pagkakataon naramdaman kong tao akong kinausap ng taong kaharap ko. “Sa Immaculate ka nang–aaral bakit nandito ka?”
“Kasi–kasi po…” nanginig pa ang boses ko.
15
OONN
O
23 Stop Crying–2
+25 Points
“Kumain ka muna. Mukhang gustom ka na.” Sabi nang teacher namin huwag daw tumangap ng kahit ano sa mga taong di mo kilala lalo na kung pagkain o candy. Dahil madami raw masamang
tao.
Pero sa sandaling iyon. Hindi masamang taong ang nakikita ko. Isang taong kumausap sa akin ng hindi nakasigaw o galit. At may pagkain pang gustong–gusto ko. Nagulat pa ako nang kunin nito ang kamay ko. Mainit ang palad nito. Saka inilagay doon ang burger. Hindi naman ako nagdalawang isip pa. Gutom na ako at nilalamig pa. “Kainin mo ‘yan huwag kang aalis/diyan.” Bilin nitong patakbo nang umalis.
1
Kaya kumain na lang ako para mawala ang gutom ko. “Ang sarap naman,” sambit ko. Ang babaw ko pero parang lahat ng pagod at takot ko nawala dahil sa burger na iyon. Sa tv ko lang napapanood ang ganitong pagkain. Nang minsang bigyan kasi ako nang katulong namin, napagalitan ni Mama at kinabukasan hindi na pumasok. Kaya kahit naawa sa akin ang iba. Wala nang naglalakas loob na tumulong sa akin.
“Oh… tubig.” hinihingal pang saad ng lalaki na bumalik pa dala ang bottled water. Hindi na ako nahiya kinuha ko iyon at binuksan
“Marami pong salamat.” Nasabi ko matapos kong makalahati ang laman ng bote.
“Zade Larson ano na?” Sigaw nang isang tinig na ikinalingon namin sa tatlong lalaking naroon sa di
kalayuan.
“Sandali lang. Susunod ako,” ganting sigaw nito.
“Teka bata, makaka–uwi ka ba sa n’yo. May curfew ako kaya hindi kita maihahatid. Delekado ka dito maraming luko sa kalsada. Alam mo ba kung saan ang bahay mo?”
“Alam ko po ang address pero—hindi ko alam kung paano makaka–uwi wala kasi akong pera.” Pag–amin ko dito.
“Ah…” sambit nito at may kung anong dinukot sa bulsa nito. “Saan ka ba nakatira?” tanong nito saka inilabas ang brown wallet nitong mukhang mamahalin.
“Sa Norton Village po.”
“Malapit lang iyon dito. Halika. Pasasakayin na lang kita ng tricyle.”
“Po?”
“Bilis na gumagabi na at basang basa ka. Sige ka papangit ka niyan, ang cute mo pa naman. Hindi ka safe dito kaya-” natigalan ito na napatitig sa akin.
“Salamat po…” sambit ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Madalas akong umiiyak pero ngayon lang ako naiyak na masaya ako.
15
OINN
O
23: Stop Crying–2
+25 Points
“Hey stop crying, baka sabihin pa nila masama akong tao. Tara na.” yakag nitong hinawakan pajang- kamay mo. “Ito kunin mo ‘to.” Inabot nito sa akin ang limang daang piso.
“Wow, ang ganda naman nito. Totoong pera ito?”
“Oo naman.” natatawang saad nito. “Ibili mo nang pagkain kung nagugutom ka. Itago mo para di mawala okay.”
“Opo,” nagawa ko pang tumango. “Pero wala po akong ibabayad sa’yo.”
“Walang bayad ang tumulong. Sige na itago mo na yan.” Utos nito saka ako isinama na sa sakayan ng tricycle. Ibinilin ako nito sa tricycle driver at kinunan pa nito nang picture ang tricycle. Ito na rin ang nagbayad nang pamasahe ko.
Bago ako bumama ng tricycle sa mismong harap ng bahay namin itinago kong mabuti ang pera para di makita ni Mama.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)