209 Having Fane I
209: Having Time-1
209: Having Time
“DADDY…” tawag sa akin nang makulit at maingay na bata na anak ko raw. Mas kamukha niya si Yuri pero gusto ko ang batang si Zayu. Malambing kahit maingay at mapakadaldal. Hindi ko alam kung anong emosyon ang dala nito sa pagkatao ko, pero masaya ako kapag naglalambing ang makulit na bata.
“Yes, princess? Gusto mong sumama?” tanong ko dito pero tinitigan lang ako nito saka ito lumabi. “Ang cute mo naman, kamukha ka nga nang Mommy mo.”
“At saan ka naman pupunta?” nagulat ako sa tinig ni Yuri na galing kumedor.
“Ah eh, lalabas lang. Susunduin ako ni Kuya—ah ni Javier pala.” palusot ko dito, pero hindi ko maiwasang mapatitig kay Yuri, bakit naman parang masyadong sexy ang dress nito.
“Zade, mahigit isang buwan pa lang nang lumabas ka sa ospital. Hindi ka pa ganun kagaling kaya tumigil
ka sa naiisip mo, huwag kang makulit ha. Para kang bata,” namaywang pa ito kaya napangisi ako.
“Bata pa nga ako eh, I may look older, but I’m young at heart, gusto ko lang lumabas. Parang mas mahigpit ka pa kay Mommy ah,” reklamo ko pero tila hindi man lang ito natinag na nakatitig lang sa akin. Kaya ako na naman ang nailang. Pansin ko madalas ako ang unang hindi nakakatingin dito ng diretso. Kainis.
Maayos na rin naman kasi talaga ang pakiramdam ko. At gusto ko lang lumabas para gumala. Bago ako naoperahan madalas kapag ganitong weekend nagpupunta kami sa arcade ng mga kaibigan ko.
“Hindi puwede,” giit nito. “dapat nga nagpapahinga ka pa rin sa kuwarto ngayon. Huwag kang makulit Zade Larzon.” anitong ikinaasar ko.
“Pambihira naman o, asawa ba kita o nanay?”
“Dahil isip minor ka kaya dapat ka lang sumunod sa mas matandang isip kaysa sa’yo,” sermon nito.
“Pero gusto ko nang lumabas kasi—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok sa malaking pinto ang isang matangkad na lalaki.
f
Seryoso ang hitsura pero guwapo naman. Sa tingin ko kasing tangkad ko ata ito or mas matangkad ako nang kaunti.
Saglit akong tinapunan nito ng tingin. Bago binalingan si Yuri saka matamis na ngumiti. At hindi ko maiwasang makadama nang iritasyon sa nakikita kong tingin nito kay Yuri. Kung bakit naman kasi ang sexy nito sa suot nitong dress na sunflower ang design. Para itong nagniningning sa mga mata ko. Marahas na naman akong napa-iling dahil doon. Kung anu-ano na lang ang naglalaro sa isipan ko. Lentik talaga itong amnesia na ‘to.
“Ma’am Yuri,” anito kay Yuri na ikinatitig ko sa lalaki. Kita ko kasi ang matamis na ngiti nito at para akong bigla akong nairita sa presence ng bisita nito. At bakit kailangan nakangiti siya nang ganyan?
209 Having Time I
“Sino ka naman?” inis na asik ko sa lalaking tila naliliitan ata sa akin. Legit na bahay ko nga ‘to kaya dapat
lang na alam at kilala ko kung sino ang bisita nang asawa—teka. Pigil ko sa takbo nang utak ko. Bakit ganito ako magreact?
“Zade, siya si Alpha. Head security ng Montefalco Royal.” Pakilala ni Yori dito.
“Wala pa talaga siyang maalala?” usisa nang lalaki.
“Ano naman ngayon?” sabat ko.
“May amnesia o wala, ayaw niya talaga sa akin,” nakangising saad nito.
“So ayaw ko sa kanya pero nakikipag-usap ka sa bisugo na ‘yan?” asik ko kay Yuri pero natawa lang itong
lumapit sa akin at kumapit pa sa braso ko.
“Upo ka na muna Alpha,” aluk ni Yuri dito sabay turo sa mahabang couch sa living room. Tumango naman ang lalaki na nauna nang maglakad. “At ikaw naman hindi ka aalis, kung talagang gusto mong lumabas,
sasamahan kita.”
“Me too Daddy…” anang matinis na tinig kaya napabaling kami sa batang nakatingala pala sa amin habang
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)