Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 397

205: The Trigger-2

“Wa–what…are you—”

“Huwag mo akong artihan nang ganyan dahil nalaman ko na ang lahat, ikaw ang pumatay kay Charlene How dare—”

“No!” nanlalaki ang matang depensa ni Janice kaya napaatras ito. “Ak–aksidente ang nangyari— gusto lang siyang takutin, at galitin para mag-away sila hang asawa niya.” depensa nitong tuluyan nang napa-iyak.

Ilang taon rin niyang kinimkim ang takot at pag-aalala dahil sa nangyari.

“Bakit mo nagawa ang ganung bagay ha, ganun ka ba kadesperada?” nanliliit ang titig niya sa asawa.

“Watch your mouth lan!” asik ni Janice dito. “Kung desperada man ako, kanino ba kasalanan ha? Pero hindi ako ang pumatay sa babaing ‘yon.” Bakas ang kombiksyon sa mukha nitong ikinatitig ni lan sa asawa lyon ay dahil nagpa-imbestiga na siya kung bakit bigla na lang sumabog ang kotse dahil lang ginusto niyang takutin si Charlene.

Gusto niyang magalit ito sa asawa nito, kahit alam naman niyang naghiwalay na ang mga ito. Iyon ang

ganti niya para hindi maging masaya si Charlene. Dahil hindi rin siya masaya sa pasya ni lan na hiwalayan siya. Dahil lang nalaman nitong hiwalay na sina Charlene at Gaston.

lyon ang dahilan kaya nagbayad siya nang malaki at naghanap nang taong may pagkakahawig kay Gaston. Sa tulong nang make-up at pinagbihis niya ang lalaki tulad nang hitsura ni Gaston, kahit siya nagulat sa

resemblance na ‘yon.

“So kasalanan ko pa?” Matiim na asik ni lan dito.

“Bakit hindi ba, nakipaghiwalay ka dahil gusto mong ikaw ang piliin ni Charlene ng maghiwalay na sila ni Gaston diba?” kumpiyansang usig niya sa asawa

“Bullsh*t, Janice. This is exactly why I can’t love you. Masyado kang salbahe at mapagduda. Charlene never loved me at tangap ko na ‘yon. Pero ayaw mo pa ring tumigil. Iniwan kita dahil hindi ko kayang makisama sa babaing manipulative at matigas ang puso. Gusto mong mahalin ka pero, ang mga ginagawa mo hindi kamahal-mahal. Tama bang pasundan mo ang lahat ng kilos ko? Masyado kang paranoid!” gigil na sambit niya dito. “Kaya nakakasakal ang isang tulad mo.” walang prenong lintaya ni lan sa asawa. “Sinungaling ka, alam kong si Charlene pa rin ang gusto mo! Kaya nga imbes na gawin mo ang gusto ni Dad na humalili ka sa kanya sa politika, mas pinipili mo pa rin si Charlene. Kaya kung sino man ang may kagagawan nang pagsabog ipinagpapasalamat–ahhh,” malakas na daing nito nang di napigilang sampalin

ni lan ang asawa.

“Anong klase nang tao ang ipagpapasalamat ang kamatayan ng iba, hindi mo ba alam na may anak si Charlene?” usig ni lan na kuyom ang kamao, habang si Janice ay sapo ang nasaktang mukha. At lalong tumindi ang galit nito dahil nagawa itong sampalin ni lan.

< 205 The Logger 2

“Wala akong paki-alam kung sampu pa ang anak nang babaing ‘yon. At kung namatay man siya hindi ko kasalanan. Gusto ko lang siyang turuan nang leksyon dahil sa paninira niya sa ating dalawa.”

“Sa ating dalawa, huh! patuyang tumawa si lan. “Walang tayo, Janice. Ayaw ko sa babaing selfish na tula mo. Alam mong sa simula pa lang hindi na kita mahal, pero ipinilit mo ang gusto mo. At huwag mong sabihing hindi ko sinubukan, because I did… pero hindi ko kayang maging sunod-sunuran sa’yo at sa Daddy mo. At oras na mapatunayan kong ikaw ang may kagagawan nang pagsabog. Humanda ka, dahil ako mismo ang magpapakulong sa’yo.”

Bagaman nakokonsensya si lan dahil asawa pa rin niya si Janice. Hindi siya pinalaki nang kanyang

magulang para manahimik sa maling gawain na nakikita niya. Kaya gusto niyang imbestigahan ang

katotohanan.

Subalit sa pag-iimbestiga niya napatunayan niyang walang kinalaman si Janice sa pagsabog. Dahil talagang may mga gasolina sa trunk ng kotse ni Charlene at may natagpuang triggering device na bagaman hindi natrigger mula sa control ng pampasabog.

Ang ginawang pagbanga sa kotse nila Charlene at pagleak ng gas tank nang sasakyan nito ang naging

sanhi nang biglang pagsabog.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)