Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 394

N

  1. Downfallet.

204: Downfall-T

204: Downfall

“NA—NASAAN ako?” anang nanghihinang tinig ni Atasha.

“Gising na siya,” dinig niyang saad ng isang tinig nang isang babae umagaw sa atensyon niya.”Dok,” dinig niya ang pagbukas-sara nang pinto. At ilang sandali pa ay marami na siyang taong nakita. Mga pawang nakaputing uniforme.

Nasilaw pa siya nang may maliit na liwanag ang itinutok sa kanyang mata, at ginalaw iyon ng lalaking nakaputi. Gusto sana niyang kumilos pero parang ang bigat nàng kanyang ulo para igalaw. Maging ang kanyang mga kamay at katawan ay may mabigat na kung ano kaya hindi niya maigalaw. Pero ang higit na ipinagtataka niya kung bakit parang nakapikit ang isang mata niya. At may kung anong nakatakip doon kaya ang kabilang bahagi lang ang kaya niyng makita.

“Magandang araw, kumusta ang pakiramdam mo, Miss?” tanong nang lalaking doktor na nakadungaw sa kanya.

“Na–nasaan ako?” halos pabulong niya tanong dito.

Kaagad namang ipinaliwanag nang doktor na nasa hospital siya dahil sa isang aksidente.

“Aksidente?” mahinang sambit niya. Mula kung saan tila agos nang tubig ang alaalang naguunahan sa kanyang diwa. Ang aksidenting pagkabangga sa kanya habang tinatakasan niya ang mga lalaking ‘yon.

pero hindi niya maikilos ang kanyang katawan.

Sukat doon ay nagpilit siyang gumalaw

“Bakit hindi ako makagalaw?” tanong niya na pilit pinalalakas ang sariling tinig.

“Iyan ay dahil sa dalawang buwan kang comatose, kailangan mong bumawi nang lakas. Huwag kang mag-alala makakakilos ka rin. Pero hindi na tulad nang dati,” anang doktor na ikinatitig niya dito.

“Hindi na…bakit?”

“Sa ngayon magpahinga ka muna. Kailangan mong maging malakas,” anang doktor na pagbilin sa nurse na i-check siya from time to time. Bahagyang inangat nang nurse ang higaan niya kaya nagawa niyang makita ang nasa harapan niya. Hula niya nasa isang private room siya. At may mga aparatus sa paligid niya.

Ilang sandali pa ay mag-isa na siya sa puting silid na ‘yon. Maliit lang ang silid at napakatahimik maliban sa mahinang tunog na naririnig niya.

“Buhay ako,” mahinang sambit niya sa sarili. Hanggang sa unti-unti na naman siyang nakadama nang antok, para siyang pagod na pagod kahit kamumulat lang niya.

Hindi alam ni Atasha kung gaaano siya katagal nakatulog. Pero nagising siya nang maramdaman ang malamig na bagay na inilalagay sa kanyang kamay. At pagmulat niya dalawang unipormadong lalaking police ang nakita niya. Ang isa ay naglalagay nang posas sa kanya na ikinalaki nang kanyang mata.

N

204 Downfaltet

“Anong ginagawa n’yo?” kunot noong tanong niya dito.

“Nagkamalay ka na Miss, ibig sabihin ibabalik na namin ang posas mo. Dahil isa kang takas sa mental na nagpangap na baliw, nailing na paliwahag nang lalaki. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo?”

“Alisin n’yo… may sakit ako at–” nagawa niyang igalaw ang katawan pero may pagkirot siyang naramdaman sa kanyang likod. Kaya’t napangiwi siya.

“Sir, hindi pa makakakilos ang pasyente kaya hindi na kailangan ang posas,” anang babaing nurse na may dalang maliit na lalagyan, na sa tingin niya ay gamot at injections para sa kanya.

“Protocol lang Miss Nurse kaya wala kaming magagawa. Lalo’t magaling tumakas ang isang ‘to,” sagot nang isang lalaki na napailing na lang ng sulyapan siya.

“Bahala kayo,” sagot nitong tuluyan nang lumapit sa kanya. Saka naginject nang gamot sa dextrose niya.

“Para saan ‘yan Miss?” mahinang usisa niya dito.

“Para sa nerves mo, ipapalinawag ng doktor mamaya,” anang nurse na kaagad ring natapos ang ginagawa,

nagcheck rin ito sa aparatus na nakakabit sa kanya at nagsulat. Hindi nagtagal ay naroon na rin ang

doctor.

Kinumusta siya nito habang nakatingin sa chart na sinulatan nang nurse kanina. “Bakit nahihirapan akong igalaw ang sarili ko, Dok? At itong mata ko bakit may takip ang isa?”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)