193: The Evil in Good People-1
193: The Evil in Good People
PATUNGO kami sa Mental Hospital ngayon. Hindi ako alam kung bakit hindi ko mapakali tungkol kay Atasha. Gusto ko mang ipanatag ang isipan ko pero alam kong may mali sa sitwasyon. Kilala si Javier sa sixth sense nito ayon kay Zade. At mukhang pareho kami nan
hinala.
“Kaya ko namang i-check ito Ma’am Yuri, bakit ka pa sumama?” tanong ni Alpha na kanina | tahimik katabi ng driver sa unahan. Habang may isang kotse pang nakabuntot sa amin.
Nasasanay na rin siguro ako sa mga bodyguard at security na kung tutuusin hindi ko nama kailangan. Pero paranoid talaga si Tita Rica at ngayon nga pati si Mama.
Naging emosyonal ang mga ito nang muling makita si Mama. Kaya nauunawaan ko ang pag-aalala nang mga ito lalo na ngayon.
*Siya nga pala, lalabas na ang ni kapatid Tita Daisy hindi ba?”
“Oo, at malaking pera ang makukuha niya bilang danyos sa mahigit sampung taong pagkakakulong niya. Hindi na pinansin nang korte ang ginawa niya kay Daisy. Malaking ka sampal sa batas ang nangyari eh. Lalo na sa mga police na nag-imbestiga.”
“Tama ka, nakapagkulong sila nang inosenting tao, kaya hindi rin talaga siya masisi kung nagawa niya ang pagsaksak kay Daisy.”
“Kahit ako, handa akong gumanti para sa Dad ko,” kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Alp alam kong nagtangis ang bagang nito.
“Eh ‘yong tungkol sa sinabi ni Mama na nakita niya si Dad na sakay nang kotsing bumang sa kanila? Malalaman pa kaya natin kung sino talaga ang taong nakita niya.”
“Hindi ko sigurado kong kaya pa. Dahil napakatagal na, hindi pa uso ang CCTV noong mga panahong ‘yon. At iyong lugar walang masyadong mga bahay pa noon.”
“Ayaw kasing maniwala ni Mama na wala talagang kinalaman si Dad. Naki-usap na rin siy hanapin ang record ni Clarence sa hospital para maging patunay na nasa hospital sila nar araw na ‘yon. Naawa na tuloy ako kay Dad. Imbes masaya siya dahil nakabalik na ang babaing mahal niya. Problemado siya sa panunuyo kay Mama.”
“Sa tingin ko nga rin mahihirapan si Sen. Gaston. Lalo’t sa isip ni Ma’am Charlene, nasa twenties pa lang siya habang isang matandang lalaki ang nanunuyo sa kanya.” Umiling pa bal Alpha sa sinabi. “Paano kaya kung ang Mommy mo at Dad ko ang nagkatuloyan noon,
193 The Evil in Good People 1
triplets tayo.” biglang natawang saad ni Alpha.
“Mas matanda ka sa amin ni Clarence diba?”
“Ilang buwan lang naman. Ang mommy ko hindi natuwa nang malaman niyang buhay si Ma’am Charlene.”
“Ha? Bakit naman?”
“Bakit ba sa tingin mo?” balik tanong nito. “Kasi si Ma’am Charlene ang mahal ni Dad, iba lang ang gusto niya. Kaya pati ang kagustuhan ni Dad na ipakilala ka sa akin noon, kinontra ni Mommy.”
“Buti hindi ka nagalit sa mama ko?”
“Why would I? Nauunawaan ko naman si Dad. At pinaliwanag niya na hindi lahat nang pagmamahal para sa isa’t isa. Kaya wala sa akin ‘yon. Bukod doon, malaki raw ang utang n loob ni Dad sa Mommy mo. Kaya nga tinuruan niya ako nang husto kahit bata pa lang ako’
“At hindi ‘yon alam ng Mommy mo?” tanong ko na ikina-iling ni Alpha. “Isang taon na ako si Montefalco Royal nang nalaman niyang naging head security ako para sa heir nang kompanya.
“Masuwerte si Mama dahil nagkaroon siya ng mga tapat na kaibigan.” nasabi ko.
Saglit na katahimikan ang namayani hanggang sa makapasok na ang kotse sa entrance nang Mental Hospital. Sa wakas nakarating na rin kami.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)