192: Bigong Pangarap-1
192: Bigong Pangarap
Clam
NAGPASYA si CHARLENE na magtungo sa hospital kong saan naka-confine si Daisy. Pinaki-usapan lang niya si Ivan na ipagdrive siya. Nasa opisina na kasi si Yuri kaya hindi na niya inabala ang anak. At hindi rin niya sinabi kay Gaston na aalis siya.
Masama pa rin ang loob niya sa kanyang asawa. Dahil kahit hindi nito aminin, mukhang concern pa rin ito kay Daisy. Para magmadali itong umalis matapos ang balita. Pero bumalik rin naman kaagad ito sa hindi niya malamang dahilan.
Mahigit isang linggo na ang lumipas mula nang masaksak si Daisy. At nalaman niya sa tulong ng mga tauhan na kinuha ni Rica at Lotty para sa kanya.
Nagkaroon sila nang munting reunion noong isang araw. Madrama iyon kaya nag-iiyak pa ang mga ito na halos ayaw na siyang pakawalan.
Everyone has aged kahit hindi pa rin ganun ang pakiramdam niya. Naroon pa rin siya sa stage nang buhay niyang parang pikit mata lang ang mahigit dalawang dekada nang kanyang buhay.
Maraming nasayang sa buhay niya dahil kay Daisy at Eric. Pero ang higit na katanungan sa kanya ngayon ay kong bakit si Gaston ang nakita niya nang araw na ‘yon.
Kinumpirma ni Eric na imposibling si Gaston nga iyon, kaya paanong naro’n ito sa magkaibang lugar? At sino ang taong bumanga sa kotse niya?
‘Yon ang gusto niyang itanong kay Daisy ngayon. Maingat niyang pinihit ang door knob nang private room nito. May police na nakabantay pero pinayagan naman siya.
Kita niya ang pagkabigla sa mata ni Daisy kaya nanlaki ang mga mata nitong pilit kumilos. Kulang na nga lang tumakbo ito kong hindi lang nakaposas ang isang kamay nito.
May nakakabit pa ring oxygen hose sa ilong nito pero gising na ito mula kahapon ayon sa
source niya.
“I–ikaw..” sambit nito na bakas ang takot sa mata. “Umalis ka,” taboy nito sa kabila nang pamumula nang mukha nito.
“Bakit natatakot ka bang baka patayin rin kita tulad nang ginawa mo sa akin, ahas kong bestfriend?” nakangising usig niya na ikinatigalgal nito.
Malinaw pa sa isipan niya kung gaano kalambing at kabait sa kanya si Daisy. Kabaliktaran ng inakala niyang totoo dito. Hindi ito tulad ni Rica na prangka at masungit sa kanya. Nagagalit
192 Bigong Pangarap-1
kapag natatalo niya. At handang makipagtalo kapag sa tingin nito may rason ito.
Cla
Iba si Daisy, supportive ito, malambing at kulang na lang sambahin siya at ayunan ang lahat nang plano niya.
Totoo nga na hindi lahat nang mabait at mabuti sa’yo ay totoong tao.
“Um–umalis ka hayop ka!” nanginig ang boses na taboy nito.
“Natatakot ka bang makita ako, habang ikaw ganyan ka, miserable. Balita ko nauwi sa chronic kidney failure ang pananaksak sa’yo. Kung tutuusin dapat magpasalamat ka pa nga dahil sa ginawa nang kapatid mo, nalaman mong may problema ka na talaga sa isang kidney mo. Pero ang masaklap, iyong maayos ang kinailangang alisin.. Tskk…tskk,” naiiling na saad niya dito. Saka ipinaghila ang sarili nang upuan.
“Mabuti pa rin ang D’yos sa akin. Ipinagdasal ko talagang mabuhay ka, alam mo ba ‘yon? Dahil hindi tamang mamatay ka na lang basta matapos nang lahat ng kasalanan mo, hindi lang pala sa akin. Pati sa sarili mong kapatid.”
“Ano bang kailangan mo?”
“May gusto lang akong malaman, at gusto ko ring makitang miserable ka.” walang ligoy na saad niya.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)