191: Peking Baliw-1
191: Peking Baliw
“EXCUSE ME Dok, puwede ko bang makita si Miss Atasha Montefalco?” ani Javier sa Doktor na naabutan niya sa may reception. Napatingin ang doktor kay Javier.
Kaya inilabas niya ang company ID niya para ipakita dito. “Assistant ako nang CEO,” aniya kahit nakalagay naman ‘yon sa ID.
“May problema ba kay Miss Atasha?” usisa nito pero umiling si Javier. Hindi naman tamang sabihin niyang hindi lang siya mapakali na nakita niya ang babaing kahawig ni Atasha sa labas.
“May ibinilin lang ang boss ko na kailangan kong subukang itanong sa kanya,” palusot niya dito na ikinatango nito. Kaagad rin namang sumang-ayon ang doktor at inutusan ang nurse para dalhil siya kay Atasha.
Naglakad sila sa mahabang hallway na nag-uugnay sa mga building at patungo sila sa west wing nang hospital. Pero pagdating nila ay tila nagpapanic naman ang dalawang nurse na
naroon.
“Nurse Che hindi ko na naman makita si Miss Atasha?” asar na reklamo nang lalaking nurse na lumapit sa babaing nagsusulat sa board.
“Bakit? Nasaan na naman si Miss Atasha?” anang nurse kasama ko.
“Naku hindi ko nga ho mahanap Nurse Gia. Kanina pa ako nag-iikot. Lately talaga kung saan saan siya nagsusuot.”
“Sinasabi n’yo bang wala si Atasha dito?” sabat ni Javier kaya napatingin sa dito ang tatlong nurse na parehong napangiti ang dalawang babae.
“Baka kung nasaan na naman ho ‘yon Sir?” anang isa saka hinawi pa ang buhok nito at isinabit sa tainga. “Lately kasi, kung saan saan siya tumatambay at sa laki nitong Hospital hindi namin siya makita minsan, pero bigla naman siyang sumusulpot mula kong saan.”
“So sinasabi n’yo bang posibling nawawala siya ngayon?” Kunot noong usig ni Javier sa mga nurse. Hindi tuloy niya maiwasang isiping baka nga si Atasha ang nakita niya kanina.
“Naku hindi ho, sir. Imposible naman pong makaalis siya dito Ang main gate lang po ang daan papasok at palabas dito. Pag-akyat lang ho sa bakod ang puweding gawin kung gustong makatakas dito. Pero walang baliw ang gagawa noon.”
“Unless nagkukunwaring baliw ang isang pasyente,” di napigilang dagdag ni Javier kaya
9 Peking Baliw-I
nagkatinginan ang tatlong nurse.
Claim
“Pero base po sa mga assessment ni Miss Montefalco wala talaga siya sa tamang pag-iisip,” giit ni Nurse Gia. “At medyo aggressive rin siya kapag pinakikialaman nang iba.”
Walang choice si Javier kundi ang mag-abot nang isang calling card sa mga nurse.
“In case makita n’yo siya, o hindi ngayong araw, please give me a call. Isang preso si Miss Atasha at hindi maganda kung ginagamit niya ang pagkukunwaring baliw para lang makaligtas sa mga kasalanang nagawa niya,” seryosong saad ni Javier sa mga ito.
SA KABILANG BANDA
SA ISANG abandonadong warehouse ipinarada ni Atasha ang kanyang sasakyan sa likod at tinakpan nang trapal para hindi makita nang kahit na sino. Saka nagpalit nang damit na itim. At sa isang manhole na nadiskubre niyang karugtong nang sekretong tunnel, sa abandonadong basement nang hospital. Bumama si Atasha doon para makabalik.
Gamit ang nakahandang flashlight ay mabilis na nakakalabas masok siya sa hospital nang hindi man lang nahahalata nang mga tangang nurse na nagbabantay sa kanya.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)