180: Manipulation–1
180: Manipulation
DAHIL SA ibinalita ko kay Zade, nagpunta kami sa mental Hospital kinabukasan.
“Hindi ko alam kung sinong nagbalita sa n’yo Ma’am. Pero wala kaming pasyente ang nakakalabas bago pa nang insidente nang pagtakas nang VIP Client namin,” paliwanag nang hospital Director na kausap namin
ngayon.
Nagsampa na nang kaso si Dad para sa doctor na in–charge kay Mama Charlene. Na siyang kasabwat ni Eric para bigyan si Mama nang gamot na nagpapawala sa katinuan nito. Kaya pansamantala umano ang Director ang nangangasiwa sa mga pasyente nang Hospital.
“Sumunod ho kayo, nasa west wing ang mga pasyente na may kaso,” anang Hospital Director na naglakad
“May mga ipinadalang larawan sa amin na nakalabas si Atasha Montefalco. At nagkaroon ng withdrawal
transaction sa account niya few days ago,” paliwanag ko kay Doctor Alvarez.
“Ayon si Miss Montefalco, Ma’am” turo nang doctor sa babaing naka–upo sa sofa at may hawak na maliit
na hotdog pillow. Parang malaking living room ang set–up nang kinaroroonan ni Atasha at may mga higaan
sa dulong bahagi kung saan marahil sila natutulog.
Malinis ang lugar. At maliban sa rehas na bakal malayang nakakagalaw ang mga naroon dahil malawak
ang silid.
Nakasuot nang hospital gown si Atasha na magulo ang buhok nito at abala sa pakikipag–usap sa imaginary child nito..
“Nakakalabas ba sila dito?” tanong ni Zade na iginala ang pangin sa paligid. Maliwanag ang silid dahil sa malaking bintanang nakasteelmatting at may puting kurtina. Pero makikita ang rehas na bakal na nakasupporta sa bintana.
“Sa estado nila imposibling maisipan nilang lumabas. Lalo na si Miss Montefalco, isa siya sa mga pinaka–emosyonal na pasyente dito. Umiiyak siya kapag nawawala sa tabi niya ang unan na hawak niya. Nong isang beses, na–isolate siya dahil kinagat niya ang isang baliw na kumuha sa unan. Kaya kahit ang ibang baliw dito takot sa kanya.”
“Kung nandito naman siya, wala tayong dapat ipag–alala, Yuri. Kaya magrelax ka na. Wala nang pag–asang kawala si Atasha sa sitwasyon niya. Unless kusa siguro siyang matauhan,” ani Zade na napailing pa. “Pasensya na Dok, nagulat lang kami sa balita. Pero kung saka–sakali puwede bang paki–obserbahan pa rin si Miss Montefalco. Lalo nasa gabi.” paki–usap ko kay Dr. Alvarez.
“Okay. At regular na may nurse na nagra–rounds para i–check kong natutulog ba ang mga pasyente. Mahalaga ang tulog sa bawat pasyente dito,” paliwanag nito. Matapos naming makita si Atasha ay nagpaalam na rin kami.
“Siguro naman hindi ka na mag–aalala ngayon?” ani Zade nang makabalik na kami sa kotse.
“Però sino iyong nagwithdraw sa atm ni Atasha?” nagtatakang saad ko. Nakita lang kasi si Atasha sa CCTV malapit sa isang ATM machine. At natrace naman sa account ni Atasha na may transaction na nangayari ilang minuto matapos itong makita sa CCTV.
“Huwag kang mag–alala ipinapaayos ko na kay Javier ang pagrerequest sa banko. Kapag naaprove ‘yon papayagan tayong makita ang CCTV footage.” Pag–aassure sa akin ni Zade kaya napatango na lang ako.
“Sa Montefalco Royal na muna tayo nang mawala na iyong mga nakabuntot sa atin,” ani Zade kay Dan. Dalawang silver sedan kasi ang nakabuntot sa amin. Araw–araw naman ‘yon kapag aalis ako. Iyon kasi ang utos nila Tita Rica. Hindi naman ako makatangi dahil nagtatampo ito.
“Sandali, puwede bang sa Police Station muna tayo, Dan? Gusto kong maka–usap si Natasha.”
“Yuri, bakit pa, baka kung anong gawin nang babaing ‘yon.”
“Okay lang… may gusto lang akong sabihin sa kanya.” kumbinsi ko dito. Na ikinasimangot ni Zade bago binalingan si Dan.
2
“Sige na, Dan.” napipilitang sang–ayon nito. “Pero mabilis lang tayo, okay.” anitong ikinatango ko.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)