Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 326

169 Walang Pangalan-1

169: Walang Pangalan-1

169: Walang Pangalan

+25 Points

“YURI….” tila wala sa sariling sambit ni Clarence habang nakatitig sa mukha nang babaing baliw. Dahil ang babaing payat na kaharap niya. Ay halos puwede nang sabihing kakambal ni Yuri, maliban sa kulubot sa gilid ng mga mata nito at mature nitong hitsura.

“Mahal ko… Nakita mo na si Yuri… iyong anak natin, ito siya oh…” nakangiting saad nitong nakatitig sa mukha ni Clarence.

“Si Yuri, kamukhang-kamukha niya nang Mommy mo, anak. Kaya alam ko. Si Yuri ang totoong anak ko at hindi si Atasha.” mula kung saan ay tila naririnig niya ang usapan nilang mag-ama. Iyon ţin ang unang pagkakataong nakita niyang umiyak ito.

“Sir okay—”

“Mahal… ikaw ba talaga ‘yan?” inosenting tanong nang babae na tinitigan pa siya ng husto at halos lumingo ang ulo nito sa pagkabisa sa hitsura niya. “Uuwi na ba tayo?”tila batang tanong nito. “Ito pala si Yuri at ito si Clarence ko. Kita mo ang cute nila no. Dalawa sila… pero di mo alam,” anitong biglang humagikgik.

“Ikaw ang…” nanginig ang boses ni Clarence habang hindi inaalis ang titig sa mukha nang babae. “Anong pangalan mo?” nagawa niyang itanong sa kabila nang kabang halos magpahinto sa pintig ng kanyang puso.

“Pa-pangalan ko? Hmmm…. ako si…” naglikot ang mata nito na tila nag-iisip. “ako si…. hmmm.” Bigla itong tumawa saka umiling. “Wala pala akong pangalan… pero sila mayroon, kasi anak ko sila..” tila batang sambit nitong tuluyang ikinabasag nang luha ni Clarence. Habang iwinawagayway ng babaing baliw sa harapan niya ang dalawang maliit na manikang lalaki at babae. Na pinagbigkis ang mga damit ng maliit na manika.

“Hindi ikaw ang asawa ko… kasi umiiyak ka.” inosenting umiling ito. At muling nawala ang ngiti. “Gusto ko nang umuwi…. ayaw ko na dito, mahal… uwi na tayo hmmmm..” nagitla si Clarence na panay ang patak nang luha habang nakatitig sa ina nito.

“Sabi nila patay ka–”

“Shhh…” sumenyas itong tumahimik siya at nagpalingon-lingon. “huwag kang ma-ingay. Baka marinig tayo nang bruha,” halos pabulong nitong saway. “Nagtatago ako dito para di ako makita ng bruha… kaya shhhh…shhh hmmm. Di ka naniniwala na may bruha..” anito napayuko at humikbi.

Kaya nataranta naman si Clarence.

“Oo.. oo… naniniwala ako, gusto mo umuwi na tayo… sama ka na sa akin…uwi na tayo mo—”

⠀⠀ 0 0 18

111

O

  1. Walang Pangalan-1

subalit mabilis na tinabig ng babae ang kamay ni Clarence.

+25 Points

“Ayaw ko… sabi mo di ka naniniwala sa akin, kaya ayaw ko sa’yo. Gusto ko sa anak ko, gusto ko na silang makita.”

“Sige…” ani Clarence na mabilis na pinahid ang luhang hindi niya nagawang pigilan. “dadalhin kita sa kanila okay… puntahan natin ang mga anak mo…” basag ang boses na saad ni Clarence na muling inilahad ang palad sa harap ng ina. Wala siyang kailangang patunayan, dahil alam niya ito. ang totoo niyang ina na inakala nilang namatay sa pagsabog. “Umuwi na tayo…mahal,” muli na namang nag-init ang mga mata niya. Iyon ang unang pagkakataong hindi naramdaman ni Clarence na-cringe ang mga ganung endearment.

“Daisy…” sigaw nang kung sino na nagpatayo sa babae. Bumaha ang takot sa mukha nito. “Ayaw ko dito.. Tago na ako ha…papatayin ako nang bruha, di ako puwede makita ng bruha….. ‘wag ka iyak ha…’wag iyak.” nagmamadaling bilin nito sabay takbo nang mabilis.

“Teka!” Bago pa ito mapigilan ni Clarence ay mabilis nang tumakbo ang babae at nawala sa karimlan.

“Sir, ano bang nangyari sa’yo? Kilala mo ba ‘yong-”

“Joel… siya… siya ang Mommy ko!” marahas na nahilamos ni Clarence ang mukha nito dala ang labis na panginginig nang kanyang katawan. “Buhay ang Mommy ko!” Tila agos nang tubig na muling tumulo ang luha ni Clarence sa natuklasan.

“Sir, paano? Teka, ibig sabihin siya ang pinupuntahan ni Eric dito?” Naguguluhang tanong ni Joel.

“Hindi ko alam. Pero kailangan kong ilabas dito ang Mommy ko.”

“Daisy…” muling tawag nang babae na palapit na.

“Tara na Sir. Baka lalo nating hindi makuha ‘yong babae.” Walang nagawa si Clarence nang hilahin siya ni Joel at nagtago sa likod nang malaking puno. Noon lumabas ang isang babaing nakaputing uniforme.

“Nasaan na naman kaya ‘yon. Daisy… Pasaway ka talaga.” nagkakamot na tawag nang babaing sa hula niya ay nurse.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)