O
167: Maling Pagmamahal-1
167: Maling Pagmamahal
+25 Points
“SANA TAMA ang ginawa ko this time,” aniya kay Javier. Hindi siya makapaniwala na tama ang suggestion ni Javier na alamin niya ang police report sa nangyari kay Charlene noon at ikumpara sa mga files na ipinakita sa kanya ni Yuri.
“At kung tama ‘yon, baka maging mas delikado para sa asawa mo?”
“Kung kinakailangan magdagdag tayo ng bodyguard para kay Yuri, gawin natin. Dahil natitiyak kong hindi basta bastang klase nang tao si Daisy. Kung nagawa nga niyang pumatay para lang makuha ang gusto niya, hindi na rin nakapagtatakang siya nga ang nagpalit nang anak ni Atasha at ng babaing nabuntis ni Clarence. At posibling hindi suicide ang pagkamatay ni Gener.”
“Ibang klase siya, hindi mo akalain kayang gumawa nang ganung kasamaan ng babaing tulad ni Daisy Saavedra. Mukhang edukada at elegante.” Naiiling na saad ni Javier. “Hindi mo ba ipapaalam kay Clarence ‘to, Sir?”
“Ayaw ni Yuri. Inaalala niya ang mararamdaman ni Clarence.”
“Kung sabagay, mahirap nga ‘yon. Ang taong itinuring mong ina, posibling siya rin ang dahilan kaya wala ang totoo niyang ina. Pero Sir, pasusundan pa rin ba natin si Eric?”
“Hindi siya ang target natin? Ang gusto ko mahuli natin si Daisy. Para matapos na ang gulo sa buhay nang asawa ko. Hindi pa kami nakakabuo uli dahil alam kong stress siya mula nang malaman niya ang tungkol sa pagkamatay nang Mommy niya,” ani Zade na napailing pa. Pero napatingala siya kay Javier na nakakalukong ngumisi. “Anong nakakatawa?”
“Ibang klase ka kasi, Sir. May oras ka pa talagang isipin ang ganyan ngayong problemado ka? Sakit sa utak nang hindi maayos ang mga bagay bagay sa paligid mo eh. Pero naisip mo pa ‘yon.”
“Sa mga normal na taong tulad ko. Walang kaso kahit magpatayan pa ang lahat ng tao sa paligid ko. Basta ang mahalaga, kami nang asawa ko, maayos at walang problema. Iba iyong issue namin sa bawat bahagi nang bahay namin. Lalo na kapag nasa kuwarto na kami. Wala kaming problemang na dapat alalahanin. Dapat ganun ka rin, kaya hindi ka sinasagot ni Emma.”
Kaagad na namula si Javier dahil doon. “Marami kang alam pero ang mga tulad n’yo ni Clarence hirap pagdating sa mga ganitong bagay.”
“Sa tingin mo sa dami nang trabaho na kailangan naming gawin may oras pa-I mean ako. Wala akong oras sa ganung bagay.” Depensa nitong lalong namula. “Saka hindi kami nagdedate ni Emma. Magkaibigan lang kami.”
#00
18
O
167 Maling Pagmamahal-1
“Talaga?”
“Oo,” walang alinlangang sagot nito.
“Şige pustahan tayo, iba ang tingin sa’yo ni Emma.”
+25 Points
“Totoo ‘yan, abnormal daw ako. Gaya nang dati niyang boss.” Nakasimangot na sagot ni Javier. “Javier sumeryoso ka nga, isang taon na lang lampas ka na rin sa kalendaryo kaya umayos ka. Mag-asawa ka na. Sagot ko nang honeymoon trip n’yo.”
“Pwede bang paki-alaman mo na lang ang buhay mo, Sir. Saka may pera ako. Kaya kong gumastos para sa sarili kong honeymoon. Alam mong ayaw ko ang libreng pera.”
“Bahala ka nga. Suggestion lang naman.” Magsasalita pa sana siya nang magring ang phone ni Javier.
“Excuse me lang, Sir.” Paalam nitong tumalikod pa. “Bakit?” He paused. “Sige, pagkatapos nang office.” anitong tinapos na ang tawag.
“May date ka?”
“Hindi date ‘yon, nag-aayang uminum si Rey. Iyong IT.”
“Ah… so lalaki ang type mo?”
“Kasama namin iyong hay-ewan. Bakit ba ako na lang ang inaasar mo ngayon. Nakakainis. Dapat ako ang nang-iinis sa’yo, Sir.”
“Hindi mo na ako maiinis ngayon. Kasi-” napatigil ang sasabin ni Zade nang magring ang phone nito. “Si Dan? Bakit?” Kaagad na bungad niya dito.
“Sir, si Ma’m Yuri, kausap ngayon si Eric Alcala.”
“Ano,” gulat na saad niya dito. “bakit daw?”
“Hindi ko alam pero, mukhang pinipigilan siya ng security niya.”
“Lintek, nasaan ba kayo? Pupunta ako.” tarantang napatayo siya. “Javier samaha-” utos niya pero napahinto si Zade sa pagsasalita saka napatitig kay Javier.
“Ano nangyari, Sir.”
“Ha.. ah.. ipagdrive mo muna ako, puntahan natin ang asawa ko. Malapit lang sila dito.” ani Zade na
ikinakunot noo ni Javier.
“Ayas ka lang ba?” Di makatiis na usisa ni Javier dito.
“Ayos lang, tara na, Pasaway talaga ang asawa kong ‘yon.” naiiling pang saad nito na nauna nang
#00
18
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)