166: Eric’s Secret-1
166: Eric’s Secret-1
166: Eric’s Secret
+25 Points
“PUNYETA!” malakas na sigaw ni Daisy nang makarating siya sa bahay. Kung puwede lang patayin niya si Zade Larzon sa harap ni Gaston kanina ginawa na niya. “Bakit ba sila nakiki-alam mga walang hiya! Eric!” sigaw na tawag niya sa lalaki na pumuno sa kabahayan. Alam naman niyang nasa bahay na ito dahil naroon na sa garahe ang kotse ni Eric.
“Bakit?” anitong mula pinto galing sa garden.
Anong bakit? Bakit hindi mo man lang pinigilan ang Zade Larzon na ‘yon ha!” matalim ang matang usig niya dito.
“Paano ko gagawin ‘yon. Mas mapapahamak ka kapag gumawa ako nang hakbang na wala sa plano,” walang ekspresyong paliwanang ni Eric dito.
“Peste! Dapat pigilan natin si Gaston kahit na anong mangyari. Siguradong magpapa-imbestiga ‘yon. Hindi niya puweding malaman ang tungkol sa nangyari noon. Peste na ‘yan! Akala ko magiging maayos sa pagkamatay nang hinampak na Gener na ‘yon. Pero lalo lang nagkandaletse-letse ang lahat,” gigil na lintaya ni Daisy sa nakatungo lang na si Eric.
“Sa tingin ko hindi makakabuti kung hahayaan na nating kumilos si Natasha lalo’t alam na ni Gaston na hindi aksidente ang nangyari noon.”
“So anong gusto mo, mag-antay na lang akong mamatay kapag nalaman ni Gaston ang lahat. At si Clarence- hindi niya puweding malaman ‘to.” mababakas ang labis na pag-aalala sa mata ni Daisy. “Bakit ba ako minalas nang ganito ngayon?” Nasabunutan ni Daisy ang sarili sa labis na inis at galit na umaataki dito.
“Pasensya na.”
“Puro na lang pasensya. Ahggrrr!” sigaw ni Daisy saka ibinato kay Eric ang nadampot na remote ng tv. Tumama ‘yon sa dibdib nito pero hindi na iyong ininda ni Eric.
Wala na manang imik si Eric na nakatingin na lang sa amo nitong, kitang-kita ang labis na
pagkabalisa. Sa tagal niyang nakasama si Daisy hindi niya itong nakitang nawala sa pagiging
poised at elegante nito.
Kaya nakakapanibago para kay Eric ang makita si Daisy na tila wala sa sarili nito. Nagsimula itong ngat-ngatin ang kuko at tila malalim ang iniisip. Then she stop at tila may bombilyang sinindihan sa
utak nito kaya napangiti ito.
“Bakit ho?” tanong ni Eric nang titigan siya ni Daisy.
0018
JU
O
166, Eric’s Secret-1
+25 Points
“Naalala mo ‘yong mga larawan na nasa envelop ni Gener. May mga nakita ako doon na kuha. Habang inilalagay ni Gener ang mga gas sa likod nang kotse. Gusto kong ipadala mo ‘yon kay Gaston. At siguruhin mong maayos ang lahat. Puwede ba.”
“Sige ho.”
“Kung gusto nilang mag-imbestiga bakit hindi natin sila bigyan ng clue hindi ba? Para magsitahimik na sila dahil patay na ang taong ituturo nang imbestigasyon.” nakangiting saad ni Daisy na
kumalma na kaya inayos na nito ang sarili.
Umalis na rin si Eric para gawin ang utos nito.
lyon naman kasi ang maari niyang gawin, ang sundin ang lahat ng utos ni Daisy. Pero nakadama siya nang pagkalam ng kanyang sikmura kaya dumaan siya sa isang restaurant para kumain nang biglang magring ang kanyang phone.
Natigilan si Eric nang makita ang unknown number na tumatawag.
“Bakit?”
“Sir, nagwawala ho ang kapatid n’yo.”
“Ano?” Tila naman nawala ang gutom ni Eric na napatayo para pumunta sa mental hospital subalit isang babae ang bigla na lang tumayo sa tapat niya. “Sige, pupunta ako d’yan. Bigyan n’yo siya nang pampakalma.” ani Eric na ikinakunot noo nang babaing nasa harapan nito.
“MA’AM MAKINIG ka naman, delikado ang naiisip mo,” saway sa akin ni Alpha na hinarangan pa ako. Bakas ang kaseryosuhan sa mukha nito. Pero hindi ako nito puweding pigilan sa gusto kong gawin.
“Huwag ka ngang makulit Alpha, ang dami kong bantay okay. Hindi lang ang Montefalco security ang nakatingin sakin, pati ang mga bodyguard ng asawa ko, kaya bakit ako mag-aalala.”
“Pero-”
“Alpha, mabilis lang ako. Magmatiyag ka lang at siguruhing hindi ako mapapahamak. Kapag nasaktan ako, lagot ka sa asawa ko,” natatawang banta ko dito. Hahabol pa sana ito para pigilan siya pero sinaman niya nang tingin ang binata.
“Kaya nga kumikilos na ang asawa mo para maging safe ka, kami na ang bahala sa lahat.” Giit pa
rin ni Alpha.
“Problema nang pamilya namin ‘to, hindi nang asawa ko kaya ayaw ko na sana siyang maki-alam pa dito. Kapag hindi ako kumilos nang mabilis baka madamay pa siya sa mga kasamaan ni Daisy. Doon hindi ko mapapatawad ang sarili ko.” ani kong nilampasan na si Alpha saka ako pumasok sa
restaurant kung saan pumasok si Eric kanina…
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)