160: Lily-1
160: Lily
“ITO NA BA lahat,” tanong ko kay Rey. “Gaano ka realiable ang source nito Rey?”
“Nasa police station nagtatrabaho ang kaibigan ko. Kaya nakuha ko ang mga ‘yan.”
“Kung ganun sino talaga ang target. Ako ba? O kaya ang Kompanya?”
“Hindi ho natin masabi?” sagot ni Rey.
Claim
Isang mahinang katok ang pumutol sa pag-uusap namin. At iniluwa nang pinto si Alpha. Kasunod si Emma
at lya na mukhang kinikilig kay Alpha dahil panay ang sulyap nito sa binata.
Kahit si Zade hindi raw gusto si Alpha. Kaya ayaw nitong nagpapahatid ako sa binata. Pero kampanti naman ang pakiramdam ko sa binatang laging seryoso ang mukha. Kaya sa edad nitong twenty five mukha
nang nasa mahigit 30 ang hitsura. Lalo’t sadyang matangakad rin talaga si Alpha.
“Nakuha mo na ang details,” usisa ko.
“Yes, Ma’am.” magalang na sagot nito saka inabot sa akin ang isang brown envelop.
At ganun na lang ang gulat ko nang mabasa ko ang ilang detalye tungkol sa bumili ng share’s. Nakapangalan ‘yon kay Eric Alcala at Wendel Llanko ang pinsan ni Zade. Kaya patingin rin ako sa mga
dokumento at larawang ibinigay sa akin ni Rey.
“Sila lang ang nagpoprocesso ng mga transaction ng fund transfer pero ang source nila ay mula kay Daisy Saavedra.” saglit akong hindi nakahuma dahil doon,
“Si Tita Daisy?” mahinang sambit ko. Pano at bakit niya gagawin ang mga ito? Anong kasalanan ko sa kanya? Wala lang akong katibayan tungkol sa sleeping pills na dahilan nang miscarriage ko. At bukod doon inaalala ko rin si Clarence. Ina ang turing nito kay Tita Daisy.
“Sa tingin mo bakit niya ginagawa ‘to?” tanong ko kay Alpha.
“Alam mo ba na dating magkaibigan sina Daisy at ang Mommy mo. Si Dad ang nagsabi sa akin no’n. At tanda ko pa, isa siya sa mga pinagsabihan nila Tita Rica at Loty na nag-iimbestiga sila Dad tungkol sa pagkamatay nang Mommy mo. At mula noon lagi nang palpak ang plano nila.” seryosong saad ni Alpha.
At nang araw na mamatay si Dad sa aksidente. May sinabi siya sa akin. May traydor raw sa grupo. Kaya nang mamatay si Dad, palihim kong inimbestigahan sina Tita Rica. Pero nalaman kong si Daisy Saavedra lang ang naka-usap nang Dad nang araw na ‘yon. At alam kong may mga nakuha na siyang ebidensya nook dahil nasabi niya sa akin na may nalaman raw siya. Pero lahat ‘yon nawala sa pagsabog na ikinamatay nang ama ko. Parehong paraan kung paano namatay ang Mama mo na sinasabing aksidente.” malamlam ang matang paliwanag nito na ikinagulat ko.
“Sinasabi mo bang si….”
< 160 Lily L
Claim
“Wala akong ebidensya, para patunayan ‘yon. Masyadong maingat si Daisy, at dahil protektado rin siya ng asawa niya kaya wala kaming magawa. Dahil mahirap kalabanin si Gaston Saavedra,” pag-amin ni Alpha.
“Pero sa susunod na buwan ibababa na ang approval nang annulment nila ni Dad. Ano kaya kung puntahan natin siya.” Deklara ko na ikinagulat ng mga ito.
“Hindi puwede, baka delikado para sa’yo ang lumapit—”
“Ang sabi mo trabaho mong protektahan ako ‘di ba?” kompiyansang sansala ko kay Alpha.
“Alam ko pero baka magalit sina Tita Rica kapag ginawa natin ‘yon. Kailangan kong ipaalam muna sa
kanila ang lahat. Ikaw ang tagapagmana nang Montefalco Royal. Kaya dapat tayong mag-ingat.”
“Huwag na muna, una ang sabi mo may traydor kang pinaghihinalaan. Kung tayo-tayo lang ang
nakaka-alam mas safe hindi ba?”
“Pero Ma’am Yuri, kung tama ang inisip ko mas delikado para sa’yo ang lumapit pa sa babaing ‘yon.”
“Alam mo ba ang kasabihang dapat mas kaibiganin ang kaaway mo.” Desididong saad ko. “Magsasama
tayo nang bodyguard at ikaw bilang security ko.” paliwanag ko dito. “Hindi ko puweding ipaalam ito sa
asawa ko dahil hindi siya papayag. Aalamin lang natin kung wala nga ba siyang kinalaman sa pagbili nang
share o kahit ang tungkol sa aksidente na ikinamatay nang ama ni Moira? Kung nagawa nilang gamitin ang
pangalan nang asawa ko bilang borrowed name dapat tayong gumawa nang mas matapang na hakbang
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)