Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 30

  1. PanaginipT

18: Panaginip

PIKON NA PIKON na ako kay Yuri, pero wala akong nagawa kundi ang sundan na lang ito ng tingin nang talikuran ako nito.

Kailangan kong magpigil dahil nagaalala akong baka lumayas na naman si Yuri. Ayaw ko lang namang madisappoint sa akin ang mga magulang ko kapag nalaman ng mga ito na umalis si Yuri dahil kay Atasha. Kaya siguro gusto kong manatili pa si Yuri sa bahay ko. Until we settle things.

lyon lang naman ang dahilan kaya ako nagagalit at hindi mapakali ngayon. Ilang ulit nang pabalikbalik sa utak ko ang mga sinabi ni Yuri kanina. Ginawa pa niya akong aso.Inis na napaupo ako sa kama ko. Para lang mairita lalo ng mapatingin ako sa wall clock ko. Alas dos na hang madaling araw.

Lintek!Marahas kong naisuklay ang kamay ko sa buhok ko.

Hindi ka maapektuhan kong walang kang feeling sa asawa mo, Sir. Yang galit mo senyales ng mga

selosong lalaki.Lalong naginit ang ulo ko nang mula kong saan ay dinig ko ang sinabi sa akin ni Javier

kanina. Habang panay ang follow up ko kay Dan ang isa sa mga bodyguard ng asawa ko.

Mukha ba akong seloso. Sira ulo! Pasalamat ka hindi pa kita sinisisante.Natampal ko na lang ang noo ko

saka ako bumangon. Sa tingin ko kailangan ko nang kape.

Nagpasya akong lumabas ng kuwarto ko para makapagkape. Pero sa kung anong dahilan natagpuan ko

ang sarili ko patungo sa silid ni Yuri.

Huwag mong sabihing naglilihi ka Yuri?Parang bell sa utak ko ang sinabing iyon ni Atasha. Matagal na rin ng huling may mangyari sa amin ni Yuri. Sukat doon ay napailing ako. She’s taking her pills alam ko. Dahil iyon ang utos ko sa kanya. Wala akong planong magkaroon kami ng komplikasyon kapag naghiwalay kami

ni Yuri.

Alam ko naman sa sarili kong hindi ako ganun kasamang tao. It’s just that I don’t love Yuri.Nasabi ko. Pero natagpuan ko ang sarili kong pinipihit ang door knob ng pinto ng silid. Kahit alam ko namang laging

r nakalock ang pinto ng kuwarto ni Yuri.

Kaya ganun na lang ang gulat ko ng bumukas ang pinto ng silid nito. Ang pagingit ng pinto nang silid ay tila ba musika sa pandinig ko. Marahas akong napailing. “Baliw ka na ba Zade Larzon!sermon ko sa sarili ko. Pero nagawa kong pasadahan ng tingin ang madilim na silid. Tanging ang liwanag mula balcon ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto ni Yuri. Pero sapat upang makita ko ang bulto ng katawang nasa paanan

na ang kumot.

Marahas akong napalunok nang mapatitig ako sa nakahantad na hita ni Yuri na tila ba nagliliwanag sa paningin ko. Lintek!asik ko sa sarili ko. Hinamig ko ang katinuan ko upang muling isara ang pinto at

iwan na lang ito doon.

Huwag…. tama na podinatigilan ako sa tinig na iyon ni Yuri na tila umiiyak. Di na ako uulit Mama,

tama na, di na po sorry nasumisinck pa ito na tila ba kanina pa umiiyak.

Natagpuan ko ang sarili kong napalapit dito.

Hindi na po, tama na masakit na pomaawa ka mama sorry sorry na popalahaw nito sa impit na tinig habang tila batang pilit inihaharang ang kamay sa mukha nito. Maawa ka na po Mamatama na! Malakas nitong sigaw na biglang napabalikwas ng bangon. At sa hinihingal na paghinga ay nagawa nitong umiyak. Tama na!Malakas na sambit nito sabay takip ng tainga nito

Yuri!Tarantang nilapitan ko ito saka ko hinawakan ang braso nito kaya muli itong itong napasigaw dala

nang labis na gulat. Sabay layo sa akin at hinila ang kumot at nagtalukbong habang umiiyak. Yuri it’s me,

nananaginip ka lang.Nagawa kong sabihin sa kabila nang labis kong pagtataka. Tila noon lang ito

natauhan dahil tumigil ito sa pagiyak.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)