3: Lakas Loob
"ANO SA tingin mo ang ginagawa mo, Yuri Ann!" Galit na habol sa akin ni Zade ng palabas na ako nang mansion ng magulang ko. Marahas na kinabig nito ang braso ko kaya napangiwi ako.
Subalit hindi ko ipinakita sa kanya na nasasaktan ako dahil wala namang halaga iyon kay Zade. Walang halaga sa kanya ang anumang tungkol sa akin.
"Ano bang tingin mo, ginagawa ko ang sa tingin ko dapat matagal na nating ginawa, Zade Larzon. Pagod na rin naman ako," pag-amin kong ikinatitig nito sa akin. Ang kaninang nag-uuyam nitong tingin ay napalitan ng pagkagulat at gumalaw ang panga nito tanda na galit ito. Pero hindi ito nagsalita.
"Tama ka, bakit nga ba hindi ako napapagod? But I am now. Kaya okay na. Malaya ka nang gawin ang gusto mo, hindi na rin ako maoobligang gawin ang mga bagay na kahit minsan hindi mo naman pinahalagahan. Dahil akala mo ako ang may kasalanan nang lahat, wala kang alam sa akin Zade, kaya bakit mo sa akin isinisisi ang lahat? Kaya tama 'to." mapait kong tinitigan si Zade sa mga mata nito. I never did that back then, dahil natatakot akong makagawa nang pagkakamali. Dahil ayaw kong maghiwalay kami ng asawa ko. Dahil alam kong sa poder nito mas ligtas ako. But I was wrong. Pero may dahilan na ako ngayon para palayain ang sarili ko. Kaya ito na ang gagawin ko.
Kumurap-kurap ako upang pigilin ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"Hindi mo puweding gawin 'to Yuri, you can't---"
"Bakit kailangan ba, antayin ko pang ikaw ang magsabi na maghiwalay na tayo. Kailangan ba isipin ko pa ang pride mo?" patuyang sumbat ko dito na muli na naman nitong ikinabigla. Malinaw ang narinig ko kanina. At alam kong tama lang talagang ako na ang kusang umayaw. "I'm sorry, pero gusto ko nang maging malaya, sayo at sa pamilya ko." kuyom ang kamaong saad ko dito.
"At saan ka pupunta pagkatapos? Wala kang ibang pupuntahan Yuri. Your nothing without me or your family." pumiksi ang balikat ko dahil sa sinabi ni Zade. Totoo naman, kaya nga hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil natatakot ako sa maraming bagay noon.
Pero kapag nalaman ni Zade na buntis ako, alam kong mas dapat kong ikatakot ang magiging pasya nito. At hindi ko hahayaang mareject ang anak ko na hindi pa man lumalabas sa mundo.
Siguro ganito kapag magiging ina ka na, mas nagiging matapang ka na. Dahil noon hindi ko man lang magawang isiping takasan ang lahat. Dahil ang alam ko sila ang pamilya ko. Kaya ginagawa ko ang lahat para makita rin ako. Kahit alam kong mas madali pa mamatay kaysa ipilit ang gusto ko.
Dahil kahit minsan hindi ko naramdamang may pamilya ako sa piling ng kinikilala kong pamilya. At hindi kailanman ipinaramdam sa akin ni Zade na ako ang babaing posible niyang magustuhan kung magsisikap ako.
Tulad ng pagsisikap kong gawin ang lahat para matuwa sa akin ang pamilya ko. Ang gusto ko lang naman sana magkaroon nang matatawag kong pamilya. Pero simula ng magkaisip ako lagi na lang akong nag-aamot ng atensyon at pagmamahal.
Ang kuwarto ko sa basement hindi katulad ng silid ni Atasha na nasa second floor, at may magandang kama at maluwang na espasyo.
Ang silid ko ay may iisang ilaw lang at maging ang kama ko ay pinaglumaan pa ni Atasha. Nagkakaroon lang ako ng bagong damit, kapag ayaw ni Atasha sa bagong damit na mayroon ito. The rest of my things belong to Atasha. Lahat ng pinaglumaan niya sa akin napupunta. Pero hindi pa ito nakokontento, kinukuha nito ang lahat na mayroon ako. Maging si Zade ay kinuha niya sa akin. Pero hindi ako puweding magsalita. At alam kung hindi rin naman kami bagay ni Zade nang muli kaming magkita.
"Wala kang pupuntahan Yuri Ann kaya---"
"Kung ang mga aso nga nakakatagpo nang mababait na amo kapag sinuwerte sila, baka makatagpo rin ako nang mabubuting tao para makita at maramdaman ko na may halaga rin ang tulad ko." matatag kong saad kay Zade saka ko siya tuluyang tinalikuran.
"Yuri!" dinig ko pang sigaw nito. Pero wala na akong planong lumingon pa.
Ang tanging alam ko lang, ito ang tama para sa amin ng magiging anak ko. Pagkalabas ko nang gate ay umilaw ang pulang kotsing nakaparada sa di kalayuan nang mataas na bakod saka iyong umandar palapit sa akin.
"Let's go!" anang babaing maiksi ang buhok na ikinangiti ko. Kaagad na akong sumakay sa kotse nito. Si Moira Sebastian ang nag-iisang kaibigan ko. Magkaklase at magkaway kami noong college. "Nagawa mo?" excited nitong usisa saka pinasibad na ang kotse palayo.
Noon ko nagawang huminga. Saka tumango kasabay nang pagtulo ng luha ko. "O--oo.." utal-utal ko pang sagot na ikinatawa nito.
"Yuri my dear, dapat matagal mo nang ginawa 'yan. Congratulations! Ayan, para sa'yo yan, kainin mo." utos nito na inginuso ang brown paper bag na nasa ibabaw ng dashboard ng kotse.
"Ano to?"
"Buksan mo na lang kasi." ani Moira. Napaismid ako nang makita ko ang pritong tokwa. Kaya ngumisi ito.
"Napapanood ko sa mga Korean drama, pinapakain nila niyan ang mga bagong layang bilanggo. Prito nga lang iyong dala ko. At medyo sunog para umitim naman ang budhi mo. At makaisip kang gumanti. Ops.." anitong tinampal ang sariling bibig. "Hindi naman ako narinig nang inaanak ko diba?" natatawang saad nito.



VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)